Soul Mate?
Third person
Halos mawalan na ng kakayahang magsalita pa si Avry dahil sa namumugtong paghinga, unti-unti kasing sumisikip ang baging na nakapulupot sa kanila.
Tumingin ito kay Jex at humingi ng kapatawaran, paghingi ng tawad sa pagiging walang kwentang kaibigan.
Wala kasi syang magawa sa oras na ito, kundi ang hintayin ang kamatayan nila.
Mula sa kawalan ay may nag salita.
"Varak al sayka" isang itim at berdeng kidlat ang lumabas sa kung saan.Maho...
Maho na ngayon lang nakita ni Avry.
Sinalag ito gamit ng tungkod ng nilalang, ngunit nagkamali ito ng desisyon, naputol ngayon ang tungkod nito. Kahit na ipinansalag nya yon ay dumiretso naman ang kidlat sa tagiliran nya. At nagtamo sya ng malaking sugat sa tagiliran. Umagos dito ang dugo na mala dagta ng puno'.
"Ahhhhh " sigaw nya habang iniinda ang masakit nyang tagiliran, kara-karakang pinulot nito ang kaputol ng tungkod at dali dali ng umalis sa lugar.
Dahil wala na ang nilalang na kumokontrol ng mga baging kanina, lumuwag narin ang pagkakapulupot sa kanila.
Bumagsak sila sa lupa. Sakit. Sakit ang nararamdaman nila ngayon dahil sa pagkakabagsak, at pagkawala ng hangin dahil sa higpit ng pagkakapulupot ng baging kanina.
"Ahhh,, aray..... J-Jex....?" tumingin si Avry kay Jex.
Nawalan na pala ito ng malay.
Dahil sa sakit at pagod ay, nanlabo na ang paningin nito na unti unti naring nilalamon ng kadiliman at di naglaon ay nawawalan narin ng malay.
.......
Avry
Idinilat ko ang mata ko, sumilay ang liwanag sa paningin ko at may nakita akong tao. Masyadong malabo, kaya hindi ko alam kung sino.
"Sino ka?" tanong ko sa tao o nilalang na nasa gilid ko lang.
"Wag ka munang gumalaw" sabi nito at inilagay ang kamay sa dibdib ko.
Nagliwanag ito kaya napapikit ako, ramdam ko ang ginhawa na dala ng liwanag na 'yon. Naiwaksi nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ngunit sumagi sa isip ko kung sino sya at bakit nya ako tinutulungan.
Natahimik ako ng ibinaba nya ang isang kamay malapit sa pusod ko...
Nagpatuloy ito sa pagbaba kaya naalarma ako.
"Anong ginagawa mo, itigil mo yan" pinamulhan na ako ng mukha. Idinilat ko na ang mga mata upang makita ang tao o nilalang na gumawa 'non.
"May sugat ka sa binti" ngumiti sya sakin. Natigil ako sa babaeng aking nakikita, Ang ga-, hindi, sobrang ganda nya. Di ko alam kung Anghel ba ito na bumaba sa lupa napakaganda ng ngiti nito. Maitim ang buhok nito na mahaba, bilog at asul na mga mata at mala porselanang kutis. Ngunit napansin ko ang suot nyang armor? Mandirigma kaya sya?
BINABASA MO ANG
The Child of Erebus
FantasiaSi Jexin at si Avry ay napunta sa mundong 'di nila maintindihan. Marami silang makikilalang nilalang, mga kaibigan at mga kaaway. Ngunit ano nga ba sila? Mapagkakatiwalaan ba sila? Ano ba ang naghihintay sa kanila sa mundong ito? Makakauwi paba sila...