Chapter 5 | YBWMS 4 |

101 15 5
                                    

Chapter 5 |
YBWMS 4 |



Totoo nga, wala na sila.

“Pero, bakit?” nagtataka kong tanong. Napabuntong s’ya at umupo sa bench. Dalawang minuto ang lumipas pero hindi pa rin s’ya sumasagot. “Ah, sige ayos lang kung hindi—“

“Sa tingin ko kasi nawalan na ako ng time sa kanya. Tapos lagi pa s’yang umaangal kapag hindi kami nagkikita.” Huminga siya ng malalim. “Kaya I decided to… to end up our relationship.”

Napatango na lang ako at tinabihan s’ya. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman n’ya. Hindi ako makahagilap ng kahit isang salita para man lang ma-iadvice sa kanya at gumaan ang pakiramdam n’ya.

Bakit ba kasi hindi na lang ako ang pinili mo Stephen?

Kung sanang ako na lang edi sana hindi ka nasasaktan ng ganito ngayon. Ewan ko at parang kinain ko lahat ng sinabi kong iiwasan ko na s’ya. Sa nakikita ko kasi ngayon parang wala ng sense kung iiwasan ko s’ya, lalo na ngayon, mukhang mas kailangan n’ya ng karamay.

“Sa tingin mo ba tama ang ginawa ko Althira?”

Napakibit-balikat ako. “Hindi ko alam, Stephen. Pero bakit mo nga ulit s’ya iniwan? Pakiramdam ko kasi napakababaw ng dahilan mo.”

“Iniwan ko s’yadahil pakiramdam ko wala na akong nararamdaman sa kanya. Pakiramdam ko kaya nawawalan ako ng time sa kanya dahil hindi na ako masaya kapag kasama ko s’ya. Pakiramdam ko niloloko ko na lang ang sarili ko kapag kasama ko s’ya.” Tumigil s’ya sandali. “Mali ba ang desisyon ko? Masyado bang mababaw ang dahilan ko?”

Wala akong masagot. Ano pa ba masasabi ko e wala nga akong experienced sa pag-ibig na ‘yan e. Hanggang tingin lang kasi ako e. “Alam mo namang NBSB ako tapos tatanungin mo ko ng gan’yan?”

Ngumiti s’ya ng bahagya, pero walang buhay at peke. “Oo nga pala, mas expert pala ako sa’yo.”

Sinubukan kong tumawa pero pagkatapos no’n parang mas lalong naging awkward. Ay tanga nga naman.

“Stephen, bakit mo ba pinili si Pia?” Ay shet, tinanong ko ba ‘yun? B’wisit ang tanga mo talaga Althira, nakakainis hindi ko na makontrol ang sarili ko at kung ano-ano na ang sinasabi ko.

Napataas s’ya ng isang kilay. “Seryoso?”

Tinitigan n’ya ako at pakiramdam ko nagwawala ang mga paro-paro sa t’yan ko. Ano ba ‘to? Tatango ba ako o ‘wag na lang?

Sa huli napatango na lang ako. Kainis.

Limang minute na pero wala pa rin s’yang sinasagot, nakatingin lang s’ya sa field na katapat nitong garden. Bakit wala s’yang masagot? Pakiramdam ko may mali kaya hindi n’ya masagot ‘tong walang kwenta kong tanong.

At malamang sa malamang walang kwenta ang tanong ko kaya hindi n’ya sinasagot.

“Stephen—“

“Althira, pwede mo ba akong tulungang pumunta sa park?”

Napakunot ako. “Pero may klase pa ako.”

“Sige na.” I can’t resist his cheerful smile. Ano pa bang magagawa ko kun’di tumango na lang. Mukhang kailangan n’ya talaga ng makakasama ngayon e. “Akong bahala sa guard.”

“Paano pag nahuli tayo—“ Hindi na ako nakapalag pa dahil hinila na niya ang kamay— I mean ‘yung wrist ko pala. Shet. ‘Yung kamay n’ya. Sheez, ayaw kong magkasala. Akala ko bang kaka-break lang nito sa girlfriendn’ya? Bakit may pahawak hawak na s’ya sa kamay ko?

Ay hindi, hindi, s’yempre hahawakan n’ya ang kamay ko dahil isasaman’ya ko. Naku, Althira, ayan ka na naman. Sumusumpong na naman ang kagagahan mo.

Pero susme, kasi naman, bakit kailangan n’ya pang hawakan ang wrist ko?

“Althira? Ayos ka lang? Tulala ka na naman. Dinaig mo pa akongheartbroken e.”

Napabalik ako sa aking huwisyo nang umepal itong si Stephen sapag-eemote ko ng hawakan n’ya ang wrist ko. Nasa parking lot na pala kami ‘di ko namamalayan. Ang galing talagang dumamoves nito at natakasan n’ya’yung masungit na bodyguard. “Okay lang ako.”

“Pumasok ka na nga.” Sinunod ko naman s’ya at pumasok na ako. Ang tahimik namin habang nasa b’yahe hanggang mapunta na kami sa park wala pa ring nagsasalita.

Until I decided to broke the silence, “Uhm… Stephen, saan mo nakilala si Pia?” Wala na talaga akong maisip na ibang itatanong kun’di si Pia.

Lumingon s’ya sa’kin. “Can I have a favor, Althira?” Tumango naman ako.  “P’wede bang ‘wag na muna nating pag-usapan si…”

“Sige okay lang. Sorry.” So anong gagawin namin dito ngayon? “Stephen, anong gagawin natin dito n’yan?”

Hindi s’ya sumagot, tumayo lang s’ya at pumunta sa compartment ng kotsen’ya. Pagbalik n’ya may bitbit na s’yang gitara. Seryoso, anong nangyayari sa lalaking ito at saksakan ng kaweirduhan ngayon?

“Kantahan mo ko,” utos niya na nagpataas ng isang kilay ko.

“Seryoso ka ba?”

“Sige na, hindi pa kita naririnig kumanta e,” pangungulit n’ya pero umiling pa rin ako. Ayaw ko nga at baka laitin pa n’ya ang boses ko. “Sige na Althira, ngayon lang ako magrerequest sa’yo e.”

Umiling pa rin ako. “Ayoko nga.”

“Sige ha, gan’yan ka nap ala sa mga kaibigan mong brokenhearted.”

Strike.

Okay. Tinamaan ako doon. Ang lakas mangonsensya ng isang to ha. Pasalamat s’ya’t  hindi ko s’ya matiis. Kinuha ko na anggitara ang hawak n’ya at nagsimula ng tumugtog. Ang lamig dito sa park, ang sarap matulog lalo na’t 2 o’clock pa lang.


“Hey Stephen I know looks can be deceiving
But I know I saw a light in you
As we walked we were talking
And haven’t say half the words I wanted to.”

Parang déjà vu lang ‘tong nangyayari sa’kin e. Nangyari na rin ‘to noon. Noong kinantahan ko si Stephen nang mag-black out. Tapos ngayon nangyari na naman. Ang tanga na lang siguro ni Stephen kung hindi pa s’ya matamaan dito.

“Of all the girls tossing rocks at your window
I'll be the one waiting there even when it's cold
Hey Stephen, boy, you might have me believing
I don't always have to be alone

'Cause I can't help it if you look like an angel
Can't help it if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I've been feeling since I met you
Can't help it if there's no one else
Mmm, I can't help myself

Hey Stephen, I've been holding back this feeling
So I got some things to say to you
I've seen it all, so I thought
But I never seen nobody shine the way you do

The way you walk, way you talk, way you say my name
It's beautiful, wonderful, don't you ever change
Hey Stephen, why are people always leaving?
I think you and I should stay the same.”

Lahat iniiwasan ako, lahat iniiwan ako. Pero ikaw, Stephen, would you stay? Lahat ng ginagawa mo napaka-special para sa’kin. Pagtawag mo lang sa’kin halos lumandag na ang puso ko. Pagyakap mo lang natatameme ako.


'Cause I can't help it if you look like an angel
Can't help it if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I've been feeling since I met you
Can't help it if there's no one else
Mmm, I can't help myself

They're dimming the street lights, you're perfect for me
Why aren't you here tonight?
I'm waiting alone now, so come on and come out
And pull me near and shine, shine, shine.”
Alam kong kapag sumali ako sa prom e ganito ang mangyayari sa’kin. Kaya ayokong pumunta e, kasi magmumukha akong tanga ‘don, kasi wala ka.

Hey Stephen, I could give you fifty reasons
Why I should be the one you choose
All those other girls, well, they're beautiful
But would they write a song for you?”

Would they, Stephen? Kasi ako kaya ko, kahit milyong kanta pa.


I can't help it if you look like an angel
Can't help it if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I've been feeling since I met you
Can't help it if there's no one else
Mmm, I can't help myself

If you look like an angel
Can't help it if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I've been feeling since I met you
Can't help it if there's no one else
Mmm, I can't help myself

Myself
Can't help myself
I can't help myself.”

Tapos na ang kanta at pagtingin ko sa kanya tulog na s’ya.  “I can’t help myself loving you, Stephen. I love you.




Lyrics Of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon