Chapter One

2 1 0
                                    

Pumasok ako sa malaking building na kung saan nandoon ang katagpo ko. Inilagay ko ang kamay ko sa pagitan ng pinto ng elevator to stop it from closing. Agad akong pumasok sa loob at pinindot ang 8th floor.

"Where's your boss?" Tanong ko dun sa sekretarya ng makarating sa 8th floor. Nanginginig itong itinuro ang pinto ng office ni David.

Tss, hanggang ngayon ba natatakot parin sya sa'kin? Sabagay, di ko naman sya masisisi. Dati kasi noong unang punta ko dito, ang sama ng trato nya sa'kin. Napakasungit nito at pilosopo kung sumagot kaya naginit ang ulo ko at tinutukan sya ng baril. Kung di pa ako inawat ni David nun ay baga matagal ng patay ang babaeng 'to.

Nilagpasan ko sya at tinungo ang office ni David. Nakakadalawang katok palang ako ay agad itong bumukas.

"Georgianne, come" sabi nito at inilahad ang kamay nya sa loob giving me sign na pumasok.

Tumango ako bilang pag bati at tuluyang pumasok sa office nya. Mas gumanda lalo ang office nya dahil iba na ang desenyo at furnitures. Pero ganun parin ang tema ng silid, gray and white. So pure and elegant in my sight.

"Sit."

Umupo ako sa upuan kaharap ng desk nya.

"Do you want anything? Coffee? Juice?" Tanong nya.

Umiling ako agad. "Go straight to the point David." Seryosong sabi ko.

Tumawa sya ng mahina at ipinaikot ang sarili sa swevel chair na kinauupuan nya. Dinukot nya ang cigar nya mula sa loob coat na suot nya. Sinindihan nya ito at inipit sa bibig nya.

Hinithit nya ito at ibinuga ang usok sa mukha ko. Sinamaan ko sya ng tingin. He knows i hate the smell of cigarette tapos gagawin nya 'to. Nakakainis talaga ang isang 'to.

"Napaka gutom mo talaga sa mga ganitong misyon ano?" Napapailing na sabi nya.

"Shut up" inis na sabi ko.

Kahit kailan talaga ay nakakainit ng dugo ang ugali nyang 'yan.

"Okay okay" sabi nya at umupo na sya ng tuwid. Ipinatong nya ang dalawang kamay sa mesa at biglang sumeryoso ang mukha. Better. "I bet tinawagan ka na ni Zero." Sabi nya at tinignan ako sa mata.

Tumango ako. Zero is one of the leaders of this organization. Ang organisasyon ng mga assassin. Isa kami ni David sa organisasyong iyon. Sa katunayan ay ilang taon na ako sa trabahong ito. I started when i was still fourteen. At sa edad na yun may mga napatay na ako. Di ko alam kung mababait o masasama ang mga napapatay ko. Basta sumusunod lang ako sa utos. Wala akong panahon maawa. Ang mahalaga lang sa'kin ay matapos ko ang misyon.

"Alam mo na ba ang plano?" Tanong nya.

Umiling ako. "Ang sabi ni Zero ay tanungin na lang daw kita tungkol sa detalye. Ikaw na daw ang magpaliwanag dahil nasend nya naman na daw sa'yo ang mga impormasyon."

Tumango tango sya. Binuksan nya ang laptop nya at nag tipa. Pagkatapos ay iniharap nya ito sa'kin.

Isang larawan ang nakita ko. Larawan ng isang lalaking matipuno, bata, at gwapo. Matangos ang ilong nito at may dalawang pares ng makakapal na kilay na bumabagay sa mga mata nyang may mahahabang pilik mata na maalon. Hindi ito nakangiti sa litrato pero maganda parin ang hugis ang labi nya na natural na mapula.

"He's the target. His name is Seth Mannel. 18. Anak ng isang successful na businessman sa bansa. He is currently studying in an exclusive Highschool."

Nakaramdam ako ng panghihinayang. Napaka bata nya pa at magkasing edad lang kami. I shook my head. I shouldn't feel this way. Unang rule sa trabahong 'to ay wag maawa.

"What's the plan?" I asked to ease the thought.

Tumingin sya ng seryoso sa'kin. "Georgianne, you can backout. Ako na ang kakausap kay Zero na ako nalang ang gagawa. Just tell me, gagawa ako ng paraan." Sabi nito.

He looks serious and sincere at the same time. What's with him? Ba't bigla nalang syang ganyan? Ngayon pa sya magpapakita ng pag aalala e matagal ko naman na 'tong ginagawa. Hindi na ako bata, nakapatay na nga ako ng isang sikat na artista, business man, at kahit politiko.

Sa isang highschool student pa ba ako aatras?

"No need David. Kahit mas bata ako sa'yo wag mo akong minamaliit. I can handle." Di ko maiwasan ang bahid ng pagkainis sa boses ko.

Isa pa, pag mag backout ako ay baka hindi na ipagkatiwala ni Zero sa'kin ang malalaking operasyon. Hindi pwede yun!

"Hindi naman sa minamaliit kita George alam ko naman magaling ka, pero ilang beses na bang nanganib ang buhay mo? Baka mamaya mapuruhan kana nyan, i can't tolerate na may mangyari nanaman sa'yo na ikakapahamak mo. You're like a little sister to me."

Matigas ko syang tinignan.

"Please David. Just tell the plan ng matapos na 'to"

Alam kong sincere sya sa sinabi nya. Kahit na lagi nya akong inaasar ay alam kong kahit pano ay nararamdaman kong may importansya ako sakanya. Her sister died because of this lethal work. Magaling din ang kapatid nya at matalik ko ding kaibigan yun. Siguro'y naaalala lang nya ang kapatid nya sa'kin kaya sya ganyan.

Bumuntong hininga sya at nagsimula nalang magkwento tungkol sa plano. 
 
 
Seth's POV

"Get lost" Sabi ko sa babaeng nasa harapan ko at nagmamakaawang balikan ko daw sya. For pete's sake di ko nga alam kung sino 'to at kung ano ang pangalan nya. Basta basta nalang sumusulpot. Tss.

"But Seth, i love you!" She cried. umalingawngaw yun sa buong cafeteria.

Fuck! She's making a scene!

"Dude, sagutin mo na yan!" Pang aasar na sabi ni Yael at siniko pa ako ng gago.

"Can you please get out of my sight?! You're an eyesore and totally annoying!" Di ko na napigilan ang sarili ko na masigawan sya. I'm pissed.

Nagulat sya at maya maya pa ay humagulgol na ito ng iyak at tumakbo palayo. Better.

"Ang harsh mo naman dude" pabirong sabi ni Jacob.

"Sino ba yun?" Ethan asked.

I shrugged. "I don't know."

"Maybe one of his die hard fan. Alam mo naman 'tong si Seth, crush ng bayan" natatawang sabi ni Yael.

I threw my death glare on him. He just laugh at kinain ang pagkain nya.

Fans my ass. Sinabi ko bang ifan nila ako? Hindi naman diba? Ganon ba talaga kadesperada ang mga babae para mapansin sila ng lalaking gusto nila? Willing silang mag pakatanga ta ipahiya ang sarili nila?

I pity them.

Akmang susubo ako ng pagkain ko nang may tumabi sa'kin at inangkla ang kamay nya sa braso ko. Nilingon ko ito. Damn! Kung kanina ay di ko kilala ang babae, pero ang isang 'to ay kilala ko. Belive me she's ten times more annoying than that girl.

"Cassey get off me!" Inis na sabi ko sakanya.

"No no way!" She smiled at mas idinikit ang sarili nya sa'kin.

Dinig kong nagtawanan lang mga kaibigan ko. Fck this handsome face of mine!

The Notorious Assassin's Mission (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon