Chapter Four

3 1 0
                                    

Pinukpok ko ang ulo ko. Ba't ko ba nasabi yun? Ano ba'ng pumasok sa kokote ko't nasabi ko yun?! Napaka tangang palusot kahit kailan! Di ko inakalang gagawa ako ng ganung katangahan! Pero ano pa nga ba? Nangyari na!

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Naalala ko nanaman kasi ang senaryong yun kahapon. Nang sabihin ko kasi yun ay sakto namang dumating ang mga kaibigan nya at narinig ako. Tinukso tukso pa ako nila kay Seth lalo na ng Yael na yun! Gusto ko syang balatan ng buhay kasi napaka pasimuno nya!

"Sup?" Napatingin ako kay David na ngayo'y nakaupo na sa sofa ko habang kumakain ng chips. Tss, keaga aga napaka unhealthy ng kinakain.

"Paano ka nakapasok di-" di ko nalang itinuloy ang dapat kong sasabihin. Napabuntong hininga ako. Ba't pa ako magtataka? He's good at hacking at siguradong hinack nya ang passcode ng condo ko kaya walang kahirap hirap na nakapasok sya dito.

"Sinundan kita kahapon." Napatingin ulit ako sakanya ng sabihin nya yun. Nginisihan nya ako. "Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo sakanya?"

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Kung may plano kang asarin ako. Lumayas ka nalang pwede?"

"Pero gagawin mo talaga yun?" Humagalpak sya ng tawa. "Babae ang man liligaw? Seriously George?"

"Look, wala akong choice kaya nasabi ko yun. Ngayon, kung gagawin ko man yun problema ko na yun." Inirapan ko sya.

"Okay okay, galit ka nanaman! Nagtatanong lang e. Anyways, alis na muna ako dahil kailangan ko pang asikasuhin ang company ni Dad. Baka tanggalan ako ng mana nun, tss." Sabi nya at tumayo.

Nang makaalis sya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at wala na yung asungot na yun.

Tumayo na din ako at nagpunta ng kitchen. Kumain lang ako ng agahan. Buti naman't sabado ngayon. Akala ko kasi friday. Kahapon pa pala yun. Napa aga tuloy ang gising ko.

And since wala naman akong magawa, mag gogrocery nalang ako. Medyo kaunti nalang kasi ang supply ko sa fridge.

Hindi na ako nagbihis. Okay na 'tong pajama at spaghetting suot ko. Malapit lang naman ang grocery dito kaya di ko na kailangan mag gown para pumunta ng grocery. Tss!
 
 
Tulak tulak ko ang cart ko habang tumitingin tingin sa nadadaanan kong products. Nasa area ako ng mga junksfoods ngayon. Tapos na kasi akong makapili ng gulay at iba pang pagkain at inuming kailangan ko. Kaya napagdesisyunan kong pumunta dito sa junkfood area para mamili din. Miss ko na kasi ang kumain ng chocolate at chips. Gusto ko nun.

Kumuha ako ng Nachos, piattos, Goya at kung ano-ano pa! Sana lang di mapadpad si David sa fridge at kunin 'to dahil talagang masasapok ko ang isang yun!

Binayaran ko na lahat sa counter.

"Georgianne?" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko na katabi ko lang sa pila. Di naman mahaba ang pila.

Teka, isa 'to sa mga kaibigan ni Seth ah? Ano nga ulit pangalan nito? Ah! Ethan.

"Bakit?" Tanong ko. Sht! Naalala ko nanaman yung kahapon.

"Uy, ba't namumula ka?" Nag aalalang tanong nya at hinawakan pa nya ang noo ko. "Di ka naman mainit."

"Wala, wag mo akong pansinin. Ano'ng ginagawa mo dito?"

Inangat nya ang dala nya. "Grocery ni Seth. Tambay kasi kami ngayon sa condo nya."

Napatango tango ako at di ko na sya muling kinausap. Matapos mabalot yung mga pinamili ko ay agad akong lumabas ng grocery na yun.

"George, wait!"

Napahinto ako at nilingon nanaman sya. I'm getting pissed. Ano nanaman ba ang kailangan nito?

"What?" Pinilit kong maging pormal at mabait. Gusto ko ng umuwi at magpahinga!

"Sabay ka na sa'kin. Hatid na kita sa inyo." Sabi nya ng makalapit.

"Okay lang ako."

"Hindi, i insist. Ang dami mong dala baka mahirapan ka."

"Okay nga lang sabi ako," i tried to sounds not pissed.

"Wag na makulit" kinuha nya ang mga dala ko.

Ikaw ang 'wag makulit!

Huminga ako ng malalim para pakalamahin ang sarili ko. Napaka kulit naman kasi ng taong 'to!

Wala na akong nagawa kundi ang sundan sya sa kotse nya. Inilagay nya sa likod ng kotse ang mga pinamili ko at pinamili nya. Sasakay din sana ako sa likod pero pinigilan nya ako.

"Come on, dito ka sa frontseat. I'm not your driver." He chuckled.

Sinunod ko nanaman sya. Doon nalang ako umupo sa katabi ng driver's seat.

Tahimik lang ako nang mag simula na syang mag drive.

"So, sa'n ka nakatira?" Itinuro ko naman ang building na di naman kalayuan. "Huh? Dun din nakatira si Seth! So neighbor kayo?"

Tumango ako.

Tumikhim sya. "Yung sinabi mong liligawan mo si Seth, seryoso ka ba dun?"

Ayan nanaman tayo e! Sinusubukan ko ngang kalimutan pinapaalala nanaman!

"Oo naman." Sabi ko ng hindi ko sya nililingon.

"Baka magsisi ka"

"Bakit naman?"

"Malamig yun sa babae baka mahirapan ka lang."

"Ako na ang bahala. Ako naman ang mahihirapan, di ikaw."

Katahimikan.

Tinanggihan ko sya ng mag offer syang sya na ang magdadala ng mga pinamili ko papunta sa unit ko. Pero sadyang makulit sya kaya ayun, sya na ang nag bibit ngayon.

I entered my passcode pagkatapos ay pumasok na ako sa loob, ganun din sya habang bitbit nya parin ang groceries ko.

"Ilapag mo nalang dyan, ako nalang ang mag aayos. Salamat." Sabi ko sakanya.

"Okay lang basta ikaw. Kung may kailangan ka, don't hesitate to knock on Seth's unit. Nasa loob lang ako."

Tumango ako kahit wala naman akong plano na gawin yun.

Hinatid ko sya sa pinto. I don't want to be rude to him. Kahit nakakainis sya, di ko maipagkakailang mabait sya di katulad ng Seth na yun na antipatiko. Di ko parin talaga makalimutan ang ginawa nya sa girlfriend nya. Nung una pinaiyak nya tapos kahapon naman ay nilayasan nya. Di ko sya kayang ispellingin.

"Georgianne!" Napatingin kami pareho sa nagsalita na kalalabas lang ng unit ni Seth. "Dito ka nakatira?"

Tumango ako. "Kakalipat ko lang nung isang araw."

"Ba't magkasama kayo ni Ethan? Akala ko ba-"

"Nagkasabay lang kami sa grocery." i immediately cut him off dahil sumasakit na talaga ang tenga ko sa termenong liligawan ko si Seth. Naninindig talaga ang balahibo ko at para bang gusto kong masuka pag naririnig ko yun.

Ngumiti sya.

Nagulat ako ng lumapit sya at hinila nya ako. Nanlaki talaga ang mga mata ko sa gulat at di ako nakapag protesta agad.

"Tara, nasa loob si Seth! Magbonding kayo!" 
 
 
What the...?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Notorious Assassin's Mission (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon