Chapter One

26 2 0
                                    

'Whoo~ bugbugin mo pa!'

'Tadyakan mo!!'

'Talunin nyo na yan!!'

Ilan lamang yan sa mga naririnig ng dalaga sa pagpasok pa lamang niya sa isang private establishment. Bibihira lamang ang nakakapasok dito, pawang malalakas at kayang ipagtanggol lamang ang sarili. Dirediretso lamang ang babaeng ito at naupo sa isang sulok na hindi gaano nasisinagan ng liwanag.

Nakagawian na ng dalaga ang pag-upo sa pwestong iyon. Bata pa lamang ay nagagawi na sya sa lugar na ito. Noong una'y hindi sya pinapasok dito ngunit ng mapatulog nya ng walang kahirap hirap ang isang bouncer ay pinahintulutan na siya.

Wala pang nakakakita ng mukha niya dahil natatakluban ito ng isang  itim na maskara na may shades ng pula. Sa tuwing pupunta sya doon, lagi siyang naka fitted jeans na stretchable, gray fitted sando at leather black jacket at ang code name nya ay si Hell or simple as H.

Lagi lamang syang nagmamasid sa lugar pero minsan hindi sya nag-iisa. Kadalasan kasi'y kasama nya ang kaibigan na si Fear.

Nakamaskara din ito gaya nya, ngunit sa kanya ay kulay gray at red. Wala silang ibang pinagkakatiwalaan dahil alam nilang pagtataksilan din sila nito pagdating ng araw.

Fierce's POV

Kakalabas ko lamang at kasalukuyan akong naglalakad palabas sa gubat na pinagtataguan ng building na iyon.

Tanging mga insekto lang ang naririnig ko habang naglalakad. Ilang minuto lamang ang lumipas at nakalabas na rin ako.

"Halimaw!!" Agad akong napatingin sa gawi kung saan narinig ko ang sigaw.

Agad akong tumakbo papunta doon at nakakita ako ng dalawang kabataan na kasing edadan ko rin.

Nanlalaki ang mata ng lalaki habang sa likod nito ay may mga nagtutulisang yelo. Sa harap naman niya ay ang babaeng gulat at takot na nakatingin sa kanya.

Unti unti akong lumapit sa kanila para hindi mapansin kaso nakaapak ako ng isang plastic at sabay silang napalingon sa akin.

"H-huwag ka ng lumapit baka masaktan k-kita!" Kinakabahang sigaw nung lalaki. Bakas sa boses nya ang takot at pagkabalisa.

"Beatrice!!" Sigaw ng kung sino naman. Nataranta ako ng maramdaman na malapit na ito sa direksyon namin kaya nag-aalangan man ay gumawa ako ng isang ilusyon.

"Beatrice, nandyan ka lang pala. Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ng isang ginang na bumungad sa harap namin.

"M-mama, h-halimaw!" Naiiyak na sabi ni Beatrice? At itinuro pa ang lalaki.

Kinabahan naman ng todo todo ang huli at tila hindi alam ang gagawin.

"Naku! Pasensya na mga bata, ito kasing anak ko ay may sakit sa pag-iisip. Natakot siguro sa maskara mo hija.Pasensya na talaga sa inyo. Sha, mauuna na kami sa inyo" hingi nya ng paumanhin at umalis na.

"P-paanong? A-a-anong?" Takang tingin sakin ng binata

"Makinig ka sakin" utos ko sa kanya at tumingun ng matalim sa mata nya.

"Hindi ka ba natatakot s-sakin?"

"Mamaya na tayo mag-usap, ipapaliwanag ko sayo. Pero bago yun, magconcentrate ka, hinga ng malalim at isipin mong mawala ang mga yelo na yan" paliwanag ko sa kanya. Ilang segundo rin nya akong tinitigan pero di nagtagal ay sinunod din niya.

Limang minuto ang lumipas bago nya nakontrol ang mga yelo na nakapalibot sa kanya. Kaso dahil narin siguro hindi sya sanay ay nahimatay ito at bumalik ulit ang mga yelo.

El DoradoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon