Chapter Three

31 2 1
                                    

Troy's POV

Isang buwan na ang nakalipas at grabe! Sobrang hirap ng mga pinagawa samin ni Elle. Pinatakbo nya kami ng isang daang ikot sa loob ng basement at may weights pa sa parehas na paa at kamay. Tig  sampung kilo sa paa sa kamay naman ay limang kilo.

Sabagay, hindi nahihirapan ang tunay na gwapo kaya ok lang ako.

Nakaupo ako ngayon sa may sala at nababagot na nakatingin lang sa mga kasama ko.

Wala naman sanang kaso kung mga nakaupo lang sila dyan eh ang problema hindi nila pinapansin ang kagwapuhan ko!

Kanina pa ako imik ng imik sa kanila pero ayun deadma. Gumawa na lang ako ng maliit na tornado sa palad ko at nilaro laro yun. Malakas naman talaga ako pero mas lumakas ako ng turuan kami ni Elle. Idol ko talaga yun. Hindi ko aakalain na ang isang katulad nya ang magtuturo saamin eh. Bukod kasi sa nakakatangin na mga tingin nito ay hindi talaga mahahalata namalakas sya.

Nakikipag one on one pa ito sa kahit sino samin at lahat kami talo. Partida may balot pang tela yung samurai nya.

Shoot! Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng bigla na lang nagkislapan sa gilid ko. Buti na lang hindi nila kita kung hindi bawas pogi point!

"Tigil nyo muna ang ginagawa nyo may importante akong sasabihin sainyo" sabi ni Elle

"Wala naman talaga kaming ginagawa" bulong ko at binato nya ako ng unan. Teka nga?! Ano bang kasalanan ko?!

Nagsisi ako bigla at narealize ko kung gaano kahala ang mabuhay.

"Argh! Tama na!!" Sigaw ko at pilit nainiiwasan ang mga atake ni Elle

Pambihira! Dual Sword ang armas nya na may nakabalot na tela. Props lang pala yung samurai na nakita ko dati. Ilag dito. Ilag doon. Yaan ang kanina ko pa ginagawa.

Pagod na ko! Oh picture ko pala yung nasa (taas/gilid) Ang gwapo ko ba? Stolen shot ko pa yan!!

"Troy!" Sigaw ni Ren na nakatingin sa kin na may pag-aalala. Oh bakit?

Lumingon ako sa paligid at hinanap si Elle pero sheyt! Wala. Dahan dahan ako tumingin sa taas at nakita ko syang pabagsak sa harap ko at naka cross ang twin sword nya na paniguradong masakit pag natamaan ako.

Kabaklaan mang aminin pero pumikit na lang ako at hinintay ang pagtama saakin ng spada. Iminulat ko ang kaliwa kong mata at nakitang nakatayo na ito at nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Kulang pa ang kakayahan mo na pakiramdaman ang paligid Troy pero masasabi kong lumakas ka na. Magpahinga ka na doon at mamaya naman ay ang elemento mo ang sasanayin natin" sabi nya at bahagyang ngumiti. Sawakas! Tapos na ang paghihirap ko!

Dali dali akong tumakbo sa isang tabi at humiga. Kapagod.

Ang sumunod naman na nagtraining ay sina Thea at Ren. Gamit ang nila ang Twin Gun.

Panay bato lang si Elle ng kung ano ano sa kanya gaya ng mga tipak ng bato, mga kahoy at pati na rin ang mga puting liwanag na mistulang mga bomba. Ah! Element yun ni Elle.

Yung dalawa naman ay magkatalikudan kung lumaban.

"Huwag kayong dumipende sa isa't isa! Oo maganda ang team work nyo pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkasama kayo!"

Elle's POV

"Huwag kayong dumipende sa isa't isa! Oo maganda ang team work nyo pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkasama kayo" sigaw ko kina Ren at Thea na kasalukuyang nagtetraining. Masasabi ko ngang maganda na ang team work nila. Kumbagay compatible silang dalawa.

El DoradoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon