Guys?! Happy New Year sa inyo~ Haha eto na yung Update ko. Enjoy!
Err... Guys! Vote and Comment! Isupport nyo po ang story na to!
-------------------------------------------------------------
Usapan parin ang papakita ng Phantom Gang na tumalo sa Askals. Sila na ngayon ang Rank 3 dahil sa pagkakatalo nila sa Askals.
Nang magising ang natalong gang ay halos hindi makapagsalita ang iba sa takot. Ayon sa kanila napakagaling daw ng gang na nakalaban nila.
Sa kabilang banda naman ay nagkakasiyahan ang Phantom. Nakasakay sila sa kanikanilang motorsiklo at nagpapaunahan sa pag-uwi.
Thea's POV
Kahulihan akong nakarating sa mansion pero hindi ako nalulungkot dahil sa pagdating ko ay naabutan kong nagmamaktol nanaman si Troy.
"Andaya ni Elle at ni Pierce!! Ako dapat yung una eh" reklamo nya
Ang cute lang tingnan ni Troy na nagtatantrums dun. Minsan nakakainis pero palagi naman na nakakapagpagaan ng atmosphere. Kumbaga sya ang joker ng grupo.
"Matunaw si Troy" nakasimangot na puna ng katabi ko.
"Oh bakit naman?" Tanong ko naman pabalik sa kanya. Bakit naman matutunaw si Troy? Ice Cream ba yun?
"Kanina mo pa kasi sya tinitingnan. May gusto ka kay Troy ano?" Sabi naman nya.
Ako may gusto kay Troy? Goodness! Takot ko na lang kay Jeannine!!
"Kilabutan ka nga dyan Ren! Ako at si Troy! Ayoko pang mamatay" nakataas kamay kong sabi sa kanya. Yung para bang pagnasuko sa pulis.
Sa totoo nyan secret lang natin to ha? Kaya ko nasabi na ayaw ko pang mamatay ay dahil
"Thea! Let go na sa luob! Im so naiinitan na dito sa suot ko" Pagtawag sakin ni Jeannine.
Ah haha.. Parang ayaw ng pagkakataon na masabi ko yun ah.. Sige next time na lang!
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Dumiretso na si Jeannine sa kwarto nya at dumiretso na ako sa akin. Hindi ko parin sukat akalain na totoo pala ang mga super powers. Akala ko kasi noon sa mga fairytale lang nageexist ang mga ganun eh. Pero look at me. I'm a living proof.
Elementals. Yaan daw ang tawag samin. Sa mga nilalang na kayang kumontrol ng kahit anong elemento. Marami daw ang kagaya namin noon. Nabubuhay daw ang mga gaya namin sa lugar na tinatawag na El Dorado. Ang sabi sakin ni Jeannine, nakita na daw nila ang El Dorado. Kaso nga lang ay hindi sa personal. Sa Vision lang at dahil yun sa tulong ng Master nila.
Masaya daw ang lahat sa mundo namin. Maganda ang lugar at lahat ay nagkaka-isa. Nang isang araw ay may isang tao sila na tinulungan. Nakita kasi nila ito sa labas ng portal ng nga taga lupa at mga elementalist. Duguan ito at malapit ng bawian ng buhay. Ngunit sa kabaitan daw ng Hari't Reyna ay tinulungan nila ito dahil na rin nararamdaman nila na mabait ito. Inalagaan nila ang taga lupa at natuklasan nito ang tungkol sa mga Elementals.
Nangako ito na hindi ipagsasabi ang mga nalaman kaya naman pinapayagan sya na makabakik sa El Dorado. Lingid naman sa kaalaman ng mga taga doon ay nag eespiya na pala ang nilalang kung paano nila matatalo ang mga Elementals.
Ginagawa nya iyon dahil sa takot na baka patayin daw ng mga kagaya namin ang mga tao kaya gumawa ng isang kasuklamsuklam na plano ang mga tao.
Nagtulong tulong ang lahat ng bansa sa mundo na ito at nilusob nila ang mga Elementals. Hindi ito napaghandaan ng kabilang panig kayat madali silang natalo. Gabi sumalakay ang kalaban. Sa panahong natutulog ang lahat.
BINABASA MO ANG
El Dorado
RandomOur World's been destroyed. Ipinapanako namin.. Me and my friend, for every Elementalist We'll find the El Dorado