Jeannine's POV
"So ano ng gagawin natin?" Tanong ni Ren sa amin.
Bigla naman akong naexcite dahil sa naisip ko. Hah! Malamang na magtetraining kami neto dahil hindi pa sila marunong kung paano kontrolin ang element nila. Though mukhang marunong na si Troy at Pierce ba yun? Ah basta! Kailangan parin nila ng training. Inaamin ko kailangan ko rin pero si Acelle no need na yan haha.
"Hoy Ms. Fashionista anong klaseng ngiti yan para kang timang" sabi ni Troy
"I know na Fashionista ako but I'm not timang, like duh!" Sabi ko at nagroll eye ng pa counter clock wise at pabalik. Kung pano ko nagawa yun saakin na lang yun mga bes.
Akmang babatuhin nya ako ng unan ng biglang tumayo si Acelle at inutusan kaming sumunod sa kanya.
Tahimik lang akong naglalakad habang si Troy ay nakikipagstoryahan kay Ren. Si Thea naman ay tahimik lang sa tabi ko. Nasa likod naman si Pierce na patingin tingin lang sa paligid. At syempre nasa unahan namin si Acelle, sakanya kaya itong bahay na ito. Haha
"Elle, san ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero diretso lang ito sa paglalakad. Hindi ko na lang sya kinulit at kinausap ko na lang si Thea.
Maya maya pa ay nakarating kami sa basement. Ang training room. Mukhang mag-uumisa na ang paghihirap namin ah.
Si Elle, hindi yan mababansagang Hell kung wala syang binatbat.
"Asan tayo Jeannine?" Tanong saakin ni Thea
"Nasa basement tayo"
"Ano kayang gagawin natin dito?"
Hindi ko na nasagot ang tanong nya dahil naunahan na ako ni Elle. Kanina pa ito singit ng singit ah! Kung hindi ko lang to best friend ay naku!
"Nandito tayo para magtraining. Umupo kayo sa kahit saang parte nitong basement at magkoncentrate. Damhin nyo ang paligid at kumunekta kayo sa Spirit Force nyo para makaisa nyo na ang Element Source nyo"
Tiningnan ko lang sika na umupo sa mga pwesto nila dahil kaisa na ako ng Earth Element Source.
Thea's POV
Gaya ng sabi ni Elle. Makikigaya na ako kay Jeannine sa tawag sa kanya ang haba kasi ng Acelle eh.
Ayun nga, umupo sa gilid nitong basement. Sa katapat na sulok naman si Ren.
Naka upo na kaming apat sa kanya kandang pwesto at nagumpisa ng magmeditate. Muki kong iminulat ang mata ko at nakita ko si Elle at Jeannine na nanunuod lang samin. Kaisa na siguro nila ang Source nila.
Pumikit ulit ako at nagkoncentrate pinakiramdaman kong maigi ang paligid ko at nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya.
Medyo malamig ito na mainit na dumadaloy sa katawan ko. Iminulat ko ang mata ko at nasa isang lugar ako na kulay puti. Naglakad lakad ako at maya maya'y may mga kulay sky blue na hugis bilog.
Makikinang ito at umiikot sa katawan ko. Bahagya akong nasilaw ng may lumiwanag sa harap ko. Nang maka adjust na ang paningin ko nakita ko ang isang lalaki na nakakulay sky blue.
Infairness gwapo sya. Aish! Nakakahiya ka Thea!
"Ah hello po?" Naiilang kong bati sa kanya.
Ngumiti naman ito saakin at tiningnan akong mabuti.
"Maligaya akong nakita na kita, ako nga pala si Aqua. Ang Source ng Water Element. Kinagagalak kong makita ka Thea Moñere." Yun lamang ang sinabi nya at muli nanaman syang nagliwanag.
Naipikit ko ulit ang mata at sa pagmulat ko ay nasa basement na ulit ako. Hingal na hingal akong sumandal sa pader at tumingin sa paligid. Nakatingin silang lahat sakin. Kahuli pala akong natapos.
Lumapit saakin si Elle at inalalayan akong tumayo
"Salamat" sabi ko
"Congrats Thea!" Nakangiting sabi ni Jeannine
"Naku! Kahulihan nga akong natapos" nahihiya ko namang sabi sa kanya
"Hindi rin naman. Halos iilang segundo lang ang pagitan"
"Tara na, ituturo sa inyo ni Jeannine ang mga kwarto nyo at ng makapagpahinga na kayo. Tatawagin ko kayo kapag kakain na"
Inihatid na kami ni Jeanine sa mga kwarto namin. Bale, nasa second floor lahat ng kwarto.
Ang unang kwarto ay kay Troy, tapos kwarto daw iyon ni Jeannine, kay Ren, saakin at kay Pierce. Siguro kay Elle yung sa dulo.
Pumasok na ako sa kwarto ko at hindi ko maiwasang mamangha sa laki at ganda ng pagkakadisenyo ng silid.
Kulay sky blue ito, tamang tama sa Element ko. May queen size bed din study table gilid ng kama na mayroong lamp shade. Mayron ding sofa, tv flat screen ha! Kumpleto din sa mga game console
Inikot ko ang tingin ko at may napansing dalawang pinto. Pumasok ako sa isa doon at nakita ko ang C.R may bath tub at shower sa loob noon at syempre may bowl din at maraming mga shampoo at sabon na ibat iba ang tatak
Sa sumunod naman na pinto ay ang isang walk in closet.
Puro damit na pangbabae ang naroon magaganda ang mga design at sakto sa taste ko.
Para talagang pinagplanuhan ang pagtira ko dito ah. Lumabas na ako doon at nahiga sa kama.
Ipinikit ko ang mata ko at natulog. Feeling ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa na kung ano.
Elle's POV
Isang linggo na ang nakalipas at magkakakilala na kaming anim. Wala na ring masyadong ilangan sa isa't isa dahil nangako kami na lagi kaming magkakaisa at magtutulungan.
Nasa basement kami ngayon at mag uumpisa na sa training nila. Mahabang oras na ang ibinigay ko para nakapaghanda sila.
Kinuha ko ang samurai ko na nakapatong sa lamesa sa sulok. Hindi ko tinatanggal ang telang itim na nakabalot dito. Kinuha na rin ni Jeannine ang metal na arnis nya. Maganda ang disenyo nito. May naka ukit na nga hugis dahon sa paligid at hindi rin biro ang bigat nito. Kung normal na tao ka lang hindi mo nakakayang tagalan ang paghawak dito.
Nakatingin lamang ang iba saamin at tila nagtatanong kung para saan ang mga sandata na hawak namin.
Bumaling akong muli sa lamesa at tiningnan ang mga sandata na naroon.
Ren's POV
Nakatayo lang kami at nanonood kina Elle. Grabe ang astig nung samurai! At nung arnis!
Napangiti naman ako ng humarap sya kay Troy at iniabot dito ang dalawang kutsilyo na may tali sa dulo
"Troy, ibinibigay ko ito sayo dahil sa elementong hawak mo. Ang mga kutsilyong ito ay madaling mo magagamit dahil sa hangin. Madali mo lamang itong makokontrol" sabi nya at ngumiti. Masaya naman itong tinanggap ni Troy at nagbiro pa
"Akala ko pamaypay ang bagay sakin eh! Hahaha" sabi nito at nakitawa na lang kami
Sumunod naman ay si Pierce. Inabutan nya ito ng isang spada. Maganda rin ang pagkakagawa dito. Kung ang kay Jeannine ay may mga na engrave na parang mga dahon kay Troy ay parang mga hangin kay Pierce naman ay mga nagliliyab na apoy. Tango lang ang iginanti ni Pierce dito.
Binigyan nya naman kami ni Thea ng tig isang baril. Kulay itim ang saakin at kulay puti ang kay Thea.
"Iyan ang twin gun. Hindi iyan basta basta dahil kayo mismo ang gagawa ng mga bala na lalabas diyan. Ingatan nyo sana ang mga ibinigay ko sa inyo dahil yan ang magiging armas nyo sa lahat ng laban"
Matapos nyang ibigay ang mga armas namin ay nag-umpisa na kami sa training at isa lang ang masasabi ko! Pambihira! Imyerno?!
BINABASA MO ANG
El Dorado
RandomOur World's been destroyed. Ipinapanako namin.. Me and my friend, for every Elementalist We'll find the El Dorado