One Last Memory

7 0 0
                                    

One Last Memory
Written by: Sasuke









Introduction




"Putspa! Hoy tama na yan!" Pinigilan sya ng isang lalaki sa muli nyang pag angat ng baso para inumin ang laman non. Nilingon nya naman ito ng nakakunot ang noo.

"Wag ka ngang makialam!" Sabi nya at saka kinuha ng kabilang kamay ang baso at tinungga ang lamang alak. Diretso lang, hindi iniinda ang pait niyon sa kanyang lalamunan.

"Tss. Lasing ka na po iha. Concern lang naman ako kasi mag-isa ka. Wala ka bang kasama?" Tanong pa ng lalaki.

Napakunot-noo sya. Naalala nya ang mga nangyari kanina lang bago sya mapunta sa bar na ito para mag-inom. Or must say, para kalimutan na may problema sya.

"Mag-isha!? Hahaha.. Oo mag-i.. Mah-isha lang akho.. *hik* w-wala kase akong *hik* kaibigan na! Hahahah"

This time ay yung lalaki naman ang napakunot ng noo. Hindi nya kasi maintindihan kung anong ibig sabihin nito. Tinignan nya na lang ang tumatawang babae sa harap nya at lasing na lasing.

"They left me. They just ignore and left me*hik* S-seriously!? W-wala naman akong g-ginawa sa kanila.. U-umasa kong *hik* dadamayan nila ko ngayon pero hahahaha! Ang babait nilang kaibigan!" Tumulo ang luha nito kasabay ang pagbagsak ng ulo sa bar counter. Kung hindi nya pa naalalayan sa balikat ay baka dere-deretso na itong nahulog mula sa kinauupuan.

"Hala ka! Uy gising! Saan kita iuuwi nyan malay ko ng bahay mo aba. Hey wake---wtf!? Aish!" Binuhat nya ito at isinakay sa kotse.

'Saan ba dinadala ang mga babaeng lasing?' Bulong ng lalaki sa isip. Pero kapagkuwan ay sa apartment na tinutuluyan nya ito dadalhin. No choice kasi, alangan iwan nya sa kalsada, kawawa naman baka ma-rape pa.

"Hahaha friends are nothing diba?" Biglang imik nya sa lalaki na katabi nya at nagda-drive.

"No. I don't think so" sagot ng lalaki kahit medyo nagulat sya at muntik pa ngang mapatalon sa kinauupuan ng magsalita ito.

"No. They're nothing. I was always there by their side kapag may problema sila. Ako ang takbuhan nila, sakin sila humihingi ng advice, pero ngayon.. Tignan mo ko, I'm helpless. Nilapitan ko sila but they just said.. No. I can't help you. I know you can do that. Your strong, you can make it up. Ang unfair nila! Kahit saglit di man lang nila ako na comfort but instead they just shoo me away." Tila nawala ang pagkalasing nya at nasabi nya yon. Tahimik lang naman ang lalaki sa tabi nya at nakikinig.

"Nag away ulit ang parents ko kanina... Tanggap ko naman na lagi silang ganon.. Ang h-hindi ko lang matanggap ay yung m-maghihiwalay na sila at...at...pinagpapasahan nila ako kung sinong magdadala sakin. F-for all those years.. I thought I was okay. I think I should be better" mahabang litanya nya habang umiiyak. Panay ang pahid nya sa mata gamit ang kamay.

Hindi naman nagsalita ang lalaki. Hindi nya lubos maisip na ganun pala kasaklap ang pinagdadaanan ng babae.

"Saan ang bahay nyo?" Bigla ay tanong nya.

"No. I don't wanna go home"

One Last MemoryWhere stories live. Discover now