Chapter 4
"Hey Russ! Ano na namang problema---oh!? You're also here kuya Rum"nabibiglang sabi ni Yuan ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto sa isa sa mga guest room. Si Russ, inaasahan nya na talagang mangungulit ito, pero si Rumsell ang hindi. May sarili ng kwarto sa isa sa mga guest room si Yuan since madalas din syang nakikitulog kina Russ.
"Wow kuya Rum! What brought you here?" Tinignan sya nito ng matalim kaya agad syang natawa
"Tss. Wala lang. Masama ba?"
"Hahah di naman. Nakakapagtaka lang" hindi na sya pinansin ni Rumsell. Dumiretso na ito sa kama at humiga habang nagseselpon kaya nilingon nya na lang si Russ na nakaupo lang sa couch at nakatingin sa kuya nya. Nagtaka tuloy si Yuan
"Huy! Anong problema mo? Titig na titig ka sa kuya mo jan!" Napatingin din tuloy kay Russ si Rumsell
"Huh? Wala lang. Ang weird kasi ni kuya. Look. Ang gwapo nya tapos wala man lang naging gf o kahit naka date kahit isa. Wala din nasasabing babae na nagugustuhan tapos angsungit sungit pa at hindi namamansin ng ibang girls. Hindi kaya..." Tumingin sa kanya si Russ kaya napapailing na lang syang tumabi dito.
Si Rumsell naman ay medyo sumama ang mukha dahil sa narinig pero hindi na lang pinansin.
"Kung ano-ano naiisip mo dyan! Puntahan na lang natin si Ash, tara!" Hinatak ni Yuan ang kamay ni Russiela na biglang natahimik sa sinabi nya. Tss hahahaha! Why Russiela?
"Ayoko! Malulungkot si kuya na mag-isa!" Dahila ni Russ para pagtakpan ang sarili. Aba, ewan nya kasi sa sarili nya, mula kaninang kainan ay nailang na lang sya bigla kay Ash dahil sa QA nito at ng kuya nya.
Alam nya naman matagal na, na may gusto sa kanya si Ash, pero ngayon lang sya na-awkward bigla.
"I won't mind" singit ni Rumsell na nagseselpon pa din.
"Oh! He won't mind daw! Tara na, wag ka ng pabebe dyan" napairap na lang si Russiela at saka napipilitang tumayo. Sa loob loob nya ay gusto nyang sakalin ang kuya nya dahil sa sinabi nito.
"Sasama din pala eh, dyan ka muna kuya"
Pumunta muna sila sa kusina para kumuha ng pagkain sa ref pero naabutan nila doon si Ash na kumakain mag-isa.
'Napakatakaw talaga ng isang ito.tsk tsk' yan ang parehas na tumakbo sa isip nina Yuan at Russ pagkakita kay Ash.
"Hoy! Diba katatapos lang kumain? Anyare sayo?" Tanong ni Yuan
"Eh hindi ko na-enjoy ang pagkain kanina eh. Nakakailang kasi yung kuya ni Russiela!"
Sabi nito sabay subo ulit ng kanin"Wow! Sa lagay na yon, hindi mo pa naenjoy!? Eh ikaw nga halos ang umubos ng pagkain eh!" Sarkastikong sabi ni Yuan kaya natawa na lang si Russiela.
Totoo naman kasi. Ito pa nga ang naunang kumain sa kanila tapos sunod-sunod pa ang subo. Hindi na nahiya.
"Bakit ba?" Umirap si Ash at hindi na lang pinansin ang mga ito.
Nagsimula naman manguha ng snacks si Russiela kaya ganon na lang din ang ginawa ni Yuan. Hinayaan nila si Ash.
"After that, punta ka sa rooftop" sabi ni Yuan habang patuloy sa pagkalkal sa ref para kumuha ng drinks.
"After that ka jan!? Hindi pa noh!" Muling umirap si Ash at nagpatuloy sa paglamon nya.
Hindi na lang nagsalita si Yuan at napailing na lang sa kaibigan. Wala talagang makakapantay sa kakapalan ng mukha nito, pati sa katakawan.
*DINGDONG*
"Yuwon, may nagdsho-joorbell" sabi ni Ash kahit puno ang bibig.
"Ano!?" Hindi kasi nito naintindihan ang sinabi ni Ash maliban doon sa bell. Ano bang bell yun?
*DINGDONG*
"Yun! Dshorbell" tinuro pa nito ang pinto senyales na si Yuan daw ang magbukas.
Napakamot na lang si Yuan sa ulo at saka tinungo ang pinto.
Pagkabukas nya ng gate ay napakunot na lang ang kanyang noo at saka napailing
"200 po, sir" binayaran ni Yuan ang nagdedeliver ng pizza at saka nagpasalamat saka muling pumasok sa loob ng bahay.
"Ano yun? Sino? Bakit daw?" Sunod-sunod na tanong ni Russiela pero agad ding napailing pagkakita ng pizza na bitbit ni Yuan.
"Sunod ka na lang sa rooftop, Ash" bitbit ang mga snacks ay tinungo na nila ang daan papuntang rooftop. Pati yung pizza ay dinala, aba! Hindi nakapagreact dun si Ash! Pano kasi ay puno ang bibig.
"Uhmmp! Hey.. Mmmm mmmm!" Anito na parang pinipigilan sina Yuan na dalhin ang pizza nya pero dahil puno ang bibig.. Hay! Nevermind sa kanyang matakaw sya
"Oh, ask kuya Rum if he wants to go also" muling sabi ni Yuan bago muling naglakad paakyat ng hagdan.
'Ano daw? Ask Kuya Rum? Go? Ay! Ano bang ibig nyang sabihin!? Tsk'
Anito at saka frustrated na ipinagpatuloy ang pagkain.
Pagkarating sa rooftop ay agad na nahiga ang dalawa habang nakatanaw sa langit na puno ng bituin.
Si Russiela ay nakatingin sa isang bituin na hindi gaanong makinang pero kapansin-pansin pa din dahil nag-iisa ito. Si Yuan naman ay sa isang makinang pero napapalibutan ng iba pang bituin.
"Sino ang star sa buhay mo Yuan?" Walang pasubaling tanong ni Russ. Curious na sya sa bestfriend nya. Matagal na silang magkaibigan pero wala pa ding nasasabi si Yuan sa kanya
Napalingon naman sya kay Russiela na hindi inaalis ang paningin sa bituin na hindi naman masyadong makinang.
"Ikaw?" Hindi siguradong sabi nya kaya nahampas sya ni Russiela sa balikat.
"Hindi! I mean, yung parang crush? Ganoon"
"Ahh. Di mo naman sinasabi.. Hmmm, wala pa eh! Hahah" anito at saka muling ibinalik ang paningin sa tinitignan nya kanina pa.
"Akin si... heheh! Kilala mo na" napangiti pa ito ng malaki. From ear to ear tipong ganon.
Hindi na sila umimik. Kumain na lang sila ng pizza habang hinihintay si Ash
Mga ilang minuto din bago dumating ang hinihintay nila na bundat na ang tiyan sa sobrang kabusugan. Manggugulat pa nga sana ito kaya lang ay hindi nagtagumpay dahil bigla na lang napadighay ng malakas. Ayun! Nahuli at pinagtawanan pa. Katakawan kasi. Pero hindi lang yon, agad din nitong hinanap ang pizza na inorder (kahit si Yuan ang nagbayad) sa paligid. At ng makita ay kumikislap ang mata na lumapit doon sabay kuha ng dalawa.
"Ba't ang takaw mo ano?" Wala sa sariling tanong ni Russiela.
"Heheheh! Ikaw naman, Russel baby! Syempre masarap kumain eh saka ansarap ng food" ngiting ngiti na sabi nito, napailing na lang ang dalawa.
"Teka nga. Pinuntahan mo ba si kuya Rum?"
"Hindi. Bakit?" Takang tanong ni Ash
"Sabi ko puntahan mo eh tas tanungin mo kung gusto sumama sayo papunta dito" inis na sabi ni Yuan. Sinamaan nya pa ng tingin si Ash
"Aba malay ko, wala ka kayang sinasabi" inosenteng sabi ni Ash.
Napatampal na lang sa noo ni Russ si Yuan ng maalala na English nga pala ang pagkakasabi nya doon. Hinayaan nya na lang.
"Aray ha!" Reklamo nung isa. Napatitig tuloy ulit si Ash kay Russiela at saka nagsimula na naman mag imagine ng kung ano-anong bagay.
"Anong iniimagine mo dyan? Namumula ka pa! Hinahalay mo ba ako sa isip mo?!" Tinampal ni Russ ang noo ni Ash kaya nabalik ito sa katinuan at saka napailing iling habang nakangiti.
Natawa na lang si Yuan sa dalawa.
YOU ARE READING
One Last Memory
Teen FictionRussiela was born a happy go lucky woman. kahit may problema ngumingiti lang sya, kahit alam nyang di nya kaya, kakayanin nya. She WAS kind to anyone who needs help. She always cheer up those who feel down. She makes her friends laugh on her simple...