Chapter 5

12 0 0
                                    

Chapter 5

Kanina pa nagba-vibrate ang cellphone ni Ash pero hindi nya yon pinapansin. Pokus na pokus sya sa kanyang ginagawa. Seryosong seryoso pa at may eyeglass pa talaga para daw mas effective, kahit props nya lang talaga yun.

May ilang mga babae din na ninanakawan sya ng picture habang naghahagikhikan dahil sa kakaiba nilang nakikita kay Ash. Akala nila nasasapian si Ash pero binalewala ma lang nila yon.

"Hihihi! Po-post ko to sa facebook. Like Oh Em Gee! He's so gwapo!"

"Oo nga! Amg gwapo nya talaga ano? Sana mapansin nya ako kahit kaunting-kaunti lang!"

"Tseh! Tumigil ka nga! Alam mo namang pokus yan sa iisang babae, hanggang tingin na lang tayo girl"

"Shhhhhh!!" Saway ng librarian kaya napatigil ang dalawang babae sa pag-uusap tungkol kay Ash.

At si Ash, ang dakila nating bida ay nagpapakadalubhasa ngayon. Nagbabasa ng English-Tagalog Dictionary. Naisip nya kasi na baka biglang nagtatapat na sa kanya si Russ eh hindi nya pa alam kaya nag search na sya

Muling nag-vibrate ang kanyang cellphone at dahil sa inis ay tinignan nya na kung sino ang nagtext na makulit ang lahi. Lahat ay galing kay Yuan. Napakunot noo tuloy sya

From: Yuanget

Hey! Where are you?

From: Yuanget

Where the hell are you!?

From: Yuanget

Russ is looking for you! Aish

From: Yuanget

Tss. Bahala ka nga. Mauna na kaming mag lunch

Agad na sinearch ni Ash ang mga english spokening na message ni Yuan at ng malaman ang ibig sabihin ay napangisi na lang sya. Hay! May alam na din syang eglish! Ewan ba at napaka slow nya kahit nag aral naman siya sa english noong simula kinder pa lang sya. Pero kasi simula pa lang noon ay hirap na sya kaya talagang hindi nya na pinagtuunan ng pansin.

Iniligpit nya ang kanyang mga gamit at saka lumabas ng library. Dumiretso sya sa cafeteria at nakasalubong nya si Laurent

"Where the hell have you been?" Kunot-noong tanong nito kaya napakunot noo din sya. Aba, hindi nya naisearch yun kanina ha! Pero alam nya na ang hell ay impyerno! Pinagbibintangan pa ata sya nito

"Ano? Umayos ka nga pre!" Iyon na lang ang sinabi nya dahil nakakahiya sa mga fans nya pag sinabi nya ang totoo na wag sya inglesin dahil hindi nya maintindihan. Bawas pogi points yun tahahaha

"Tss. Saan ka ba galing?" Tila naiinis nitong tanong

"Sa library lang, tara kain" tatanggi sana si Laurent "libre ko" pero agad kuminang ang mata sa narinig.

**

Maagang pinalabas sina Yuan kaya naman tumambay tambay muna sya sa may garden habang hinihintay ang oras ng labas ni Russiela. Humiga sya sa damuhan at saka ipinikit ang mata. Balak nyang matulog muna para mas masaya ang life.

Makakatulog na sana sya ng may naramdaman syang tumama sa binti nya at pagkatapos ay may lumagabog sa damuhan kaya napamulat sya ng mata, only to saw a girl facing the grass. Nakadapa ang babae sa damuhan. Natisod pala sa kanyang binti, siguro ay hindi tumitingin sa dinadaanan.

Bilang isang mabait at may ginintuang puso ay tinawanan nya ang babae.

"What are you laughing at?" Maangas na sabi nito at saka mabilis na tumayo na parang walang nangyari habang pinapagpag pa ang palda.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Last MemoryWhere stories live. Discover now