Chapter 2
"Uy si Russiela oh! Tara lapitan natin" dinig ni Russiela na sabi ng isang babae habang naglalakad sya sa corridor. Pupuntahan nya kasi si Yuan sa classroom nito, dahil sa katangahan ay nakalimutan niyang nandito nga pala ang bag nya at nakalimutan din naman ni Yuan na nasa kanya ang bag ni Russiela.
Akala niya ay ihahatid yun sa kanya ni Yuan pero kingina lang, walang dumating. Kaya heto, sya na ang pumunta.
"Ayoko nahihiya ako! Saka balita ko masungit daw yan"
"Hindi yan! Tara na,chance na natin to" nakita nya lang hinihila ng isa ang kasama nito sa braso
Napa bored look na lang tuloy sya at mas binilisan ang paglalakad. Wala syang pakialam sa kanila. Hindi nya naman kaano-ano ang mga yon.
Pagkarating sa room ni Yuan ay walang alinlangan syang pumasok doon. Ponagtitinginan tuloy sya ng mga estudyante, at ang mga babaeng busy sa pagpalibot kay Yuan ay nagsibalik sa kanya kanyang upuan.
"Oh, Russ? Bat ka nandito?" Tanong nito sa kanya na mukhang naguguluhan at nagtataka.
"Nakalimutan ko to" sabi nya sabay kuha ng bag nya sa tabi nito. Bago lumabas ng room ay binatukan nya muna si Yuan
"What the!?"
"Gomennasai!" Tumakbo na sya paalis at nakasalubong nya pa yung dalawang nag-uusap kanina. Tinignan nya lang ang mga yon at saka nilagpasan.
"Sungit" bulong nung isa
"Oo nga."
*
Lunch break. Inaayos pa lang ni Russiela ang mga gamit ay nakaabang na sa labas ng room sina Yuan at Ash.
"Kyaaaah! Si Yuan ba at Ash yung nasa labas ng room natin? "
"Huh? Sina Yuan at Ash nasa labas ng room natin? Oh my! Sinusundo na ba nila ako!?"
"Kyaaaah! Tara lapitan natin! Magpapicture tayo"
"Hoy! Mga asaness naman ang byuti nyo! Ako ang ipinunta nila dito noh"
"Uy ako una!"
Nag-uunahan na makalabas ang mga kaklase ni Russ kaya naman nagsiksikan na.
"Kingina ang gwapo ko talaga" saad ni Ash at hinimas pa ang baba
"Tss. Mas gwapo ako sayo. Mabuti pa ay puntahan mo na si Laurent. Baka magtampo yun" suhestiyon ni Yuan kay Ash.
Si Laurent ay kaibigan din nila. Pero ang isang ito ay kakaiba sa kanila. Masungit, tahimik at KJ.
"Bakit hindi ikaw? Ako ng bahala kay Russ" napangiti pa sya ng malapad. Naisip nya pa lang na magkakasolo silang dalawa ni Russ ay kinikilig na sya.
Matagal nya na kasing crush si Russiela. Simula pa lang nung makilala nila ni Laurent ang dalawang mag best friend. At talaga namang tuwing nakikita nya ay nagpupuso puso ang kanyang mata.
"No. Mukha mong yan? Baka kung anong masama pa ang gawin mo sa kaibigan ko eh, masaktan KA pa" sabi ni Yuan emphasizing the word 'ka' kaya nagtaka si Ash.
'Ako na gagawa ng masama, ako pa masasaktan? May ganun..?'
"Uy grabe ka! Ang bait ko kaya. Sige na ako na bahala kay Russ" sabi ni Ash at itinaboy pa ng kamay si Yuan na masama ang tingin sa kanya.
"Tss. Why don't we fetch Laurent together? What do you think Yuan?" Biglang sulpot ni Russiela na ikinagulat ng dalawa.
Napasimangot si Ash sa isipan pero ngayon ay ngiting ngiti kay Russiela. Nanghihinayang sya sa pagkakataon na masolo si Russ. Sinisisi nya si Yuan, kung bakit ba kasi ang over protective nito at hindi maiwan-iwan si Russ. 'Daig pa ang boyfriend! '
YOU ARE READING
One Last Memory
Teen FictionRussiela was born a happy go lucky woman. kahit may problema ngumingiti lang sya, kahit alam nyang di nya kaya, kakayanin nya. She WAS kind to anyone who needs help. She always cheer up those who feel down. She makes her friends laugh on her simple...