Chapter 3

9 0 0
                                    

Chapter 3

Uwian na. Iyon na ang oras na pinakahihintay ni Ash. Eksayted syang lumabas ng classroom at nagmamadaling pinuntahan ang room ni Russiela. Naisip nyang, kahit saglit, masolo nya man lang ito at makasabay maglakad!

Pagkarating doon ay ngiting ngiti sya ngunit agad ding nawala ng makita si Yuan na nakataas ang isang kilay sa kanya.

"Bakit ba lagi ka na lang nauuna?" Inis nyang sabi dito.

Konti na lang talaga at iisipin nyang hindi lang magbestfriend ang mga ito.

"Bestfriend eh, bakit ba? Selos ka?" Ngising sabi naman ni Yuan na ikinainis ni Ash.

'Ang sarap sakalin namputs!' Inis nitong bulong bago sinilip si Russiela sa loob ng room.

"Let's go Yuan. Nagtext si mama,nandoon din daw si kuya at hinahanap ka" agad namang napakunot-noo si Ash at saka napalunok.

Takot kasi sya sa kuya ni Russ! Napakasungit nito at parang laging may masamang balak sa kanya pag tumitingin sa kanya. Hindi nya alam kung bakit pero ang creepy ng pagkakakilala nya sa kuya ni Russ.

Agad na naglakad ang dalawa kaya sumunod na lang ang laging napapag-iwanan na si Ash. Kawawa naman..tsk..tsk.

Simula nung araw na naglasing si Russ at hindi umuwi ng mga tatlong araw ay medyo-medyo nag-alala naman ang mga magulang nya. Pero kahit ganon ay natuloy pa din ang paghihiwalay ng mga ito at napunta si Russ sa kanyang nanay at ang kuya nya naman at dalawa pang kapatid ay kasama ng tatay nya sa Cali. Sya lang ang naiwan sa Pinas dahil ayaw nyang mangibang bansa. Nakakasuper ganda daw eh. Gusto nya maganda lang

"Bakit naman kaya umuwi ang kuya mong sungit?" Napangiti ng malaki si Ash dahil sa tanong ni Yuan. Gusto nya kasi yun itanong kanina pa pero ..syempre..bilang isang binatilyong pilipino,nahihiya din naman sya sa crush nya! Tahahahaha

"Aba malay ko. Baka naiinip sa Cali." Kibit-balikat na sabi ni Russ.

Si Ash naman ay mahigpit ang pagkakahawak sa strap ng kanyang bag at sumabay ng lakad sa dalawa para hindi naman sya magmukhang julalay lang. Aba! Sa gwapo nyang iyon tas nakakaawa lang eh.

"He's weird,you know" komento ni Yuan

'Ano daw?' Bulong naman ni Ash na hindi agad nagets ang ibig sabihin ni Yuan. It takes minutes bago nya magets ang English pero dahil nahihirapan sya ay hindi nya na lang iniintindi.

"Yeah. I think, he needs someone who will love him" agad na napasang-ayon si Yuan sa ideya ni Russ.

At yung mga hindi maka relate jan sa tabi-tabi ay nganga na lang at watch out sa paligid.

Napagplanuhan ng dalawa na ihahanap nila ng babae si Rumsell na magpapangiti naman dito.

Pero bukas na,uuwi muna sila!

***

"Huy hapon,anong pinag-uusapan nyo kanina ni Russ?" Tanong ni Ash kay Yuan. Nakaupo sila sa sofa samantalang si Russiela ay nagpapalit ng damit sa itaas.

"Wala ka na don noh! Usapang marunong mag english operation lang yun" inirapan pa sya ni Yuan bago ito tumayo.

Napanguso na lang si Ash. Hays! Mag-aaral na talaga sya ng english! Magbabasa na din sya ng dictionary at ng mga english na libro.

Napatayo si Ash ng makita nyang naglalakad papunta sa kanya ang mommy ni Russ.

"Hi tita!" Nakangiti nyang bati dito. Nginitian sya nito at sinenyasan sya na maupo na ulit kaya naman sumunod sya.

One Last MemoryWhere stories live. Discover now