Chapter 1
"Hoy babae! Gumising ka na, may pasok pa tayo" inuga-uga ni Yuan sa balikat si Russiela na ngayon ay mahimbing na natutulog habang nakabaluktot.
"Tss. Kailangan ko na naman bang ilagpak yung kaserola sa sahig para lang magising sya? Taena tibay ng alarm clock nya hah!" Sabi nya bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina at pakamot kamot sa ulo.
Sya si Kakinouchi Yuan, isang pure Japanese pero sa Pilipinas isinilang. Nasa condo nya na naman natulog ang bestfriend nya. Siguro ay tinamad na namang umuwi sa kanilang bahay. Pumapasok silang dalawa, kapwa 4th year high school at hindi na naman problema ang damit at uniform ni Russiela dahil meron na sa condo ni Yuan. Ginawa ng pangalawang bahay ang condo nya.
"Tsk! Sorry minamahal kong kaserola. Ikaw ay pupukaw na naman sa damdamin ng natutulog nating bida.." Madamdamin nya pang hinaplos ang pwetan ng kaserola bago inilagpak sa sahig ng kwarto kung nasaan si Russiela. Umalingawngaw ang nakakabingi nitong tunog na kahit sya ay napatakip sa tenga
Pero teka!? Bakit hindi man lang ata nagising ang babaeng yun? Hinablot nya ang kumot pero wala na sa kama ang babae. Tss. Sayang pala ang effort nya. Biglang bumukas ang pinto ng CR
"Ano yun!?" Naka panty at bra na tanong ni Russiela habang nagtatakang nakasilip. Napalingon naman si Yuan sa kanya at napakamot sa ulo.
"Hehehe! Bwiset kang babae ka, akala ko natutulog ka pa! Kawawa naman ang kaserola ko, naibagsak ko pa. Tss." Dinampot nito ang kaserola na tumaob saka kinuha ang tuwalyang nakita at ibinato kay Russiela bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Bwiset ka Yuan!!!" Naimagine pa nya ang hitsura nitong naasar at agad syang napangisi.
Sanay na silang dalawa sa isa't-isa. Minsan ay palakad lakad sa loob ng bahay na naka boxer lang si Yuan at si Russiela naman ay naka sando at maikling short. Noong una ay ilang na ilang sila sa isa't-isa pero ng tumagal ay nakasanyan na din.
Nauna na si Yuan sa lamesa para kumain. Sigurado kasi syang na-freeze na ang pagkain ay hindi pa lumalabas si Russiela. Napakatagal nito mag-ayos kahit paglabas ay nakalugay din naman ang buhok at simpleng naka uniform lang. Hindi ito mahilig mag make-up.
Patapos na syang kumain ng lumabas ng kwarto si Russiela.
"Kumain ka na agad? Di man lang nang-intay!" Anito at saka umupo sa isang upuan. Inirapan pa si Yuan.
"Eh syempre, antagal-tagal mong lumabas! Kesa naman lumamig agad yung pagkain,masarap kumain pag mainit pa"
"Di shing. Baka naman iwanan mo ulit ako? Hintayin mo ko hah, sabay tayo pagpasok" sabi ni Russiela ng makita nyang tumayo na si Yuan at inilagay ang mga pinagkainan nya sa sink.
"Punta lang muna ako kina Ash" sabi nito at bago makapagzalita si Russiela para tumutol ay nagtatakbo na palabas si Yuan.
Pagdating nya sa unit ng kaibigan ay nakita nyang prente pa itong nakaupo at nanonood sa TV.
"Oy! Di ka papasok?" Tanong nya. Nagulat naman si Ash pero agad ding ibinalik ang paningin sa TV.
'Di na talaga uso ang katok ngayon' usal ni Ash sa isip habang tutok na tutok sa pinapanood.
"Di talaga ako pinansin oh! Uy! Papasok ka ba o hinde?" Tanong nya ulit at saka nakitingin sa kung ano ang palabas.
"Kita mo naman na naka-uniform ako dba? Sapakin kita dyan eh. Alis ka na nga! Istorbo ka nanonood pa ako eh!"
"Tangina ka tol. Favorite mo yan?"
"Oo kaya wag ka magulo. At walang basagan ng trip!" Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa TV.
YOU ARE READING
One Last Memory
Teen FictionRussiela was born a happy go lucky woman. kahit may problema ngumingiti lang sya, kahit alam nyang di nya kaya, kakayanin nya. She WAS kind to anyone who needs help. She always cheer up those who feel down. She makes her friends laugh on her simple...