Hatred

18 0 1
                                    

September 29, 2013

Dear Mr. G,

   Ako nga po pala si Alex. Alexandra Lavilla. Anak po ako ng may-ari ng isang sikat na clothing company. Yan ang alam ng lahat. Ang hindi nila alam ay ampon lang ako.

   Anak lang ako ng dating katulong ng mga Lavilla. Nagkaroon ng lihim na relasyon si Mr.Lavilla at ang nanay ko. Tumagal ang relasyon nila hanggang sa nabuo nga ako. Dahil sa galit ni Mrs. Lavilla, pinalayas niya si mama sa bahay nila, hindi na pinigilan ni Mr. Lavilla ang desisyon ng asawa niya dahil ayaw niyang mag away pa sila at humantong pa sa hiwalayan.

   Ang mga Lavilla na ang nagpalaki sakin. Hindi ko masasabing "nag-alaga" dahil hindi ko naman naramdaman na inalagaan nila ako. Oo, nung buhay pa si papa ramdam ko ang pag mamahal niya sakin, pero nung mamatay siya nung limang taon palang ako nag bago ang lahat.

   Hindi naging maganda ang trato sakin ni Mrs. Lavilla, sino ba namang may gustong alagaan ang anak sa labas ng asawa mo. Bata pa lang ako sinanay na ako ni Mrs. Lavilla para maging kasambahay nila. Minsan naiisip kong umalis na lang dun. Pumunta na lang sa ibang lugar kung saan magagawa ko lahat ng gusto kong gawin. Minsan naisip ko na hahanapin ko na lang yung nanay ko. Kahit mahirap lang siya alam ko namang magiging masaya ako sa kanya.

   Mahirap lumaki ng walang magulang. Walang pumupunta tuwing family day sa school. Walang pumupunta tuwing graduation mo. Lalo na para sakin dahil babae ako, wala akong katulong sa pagdadalaga. Kahit isang beses hindi ko maalalang tinulungan ako ni Mrs. Lavilla sa pag papalit ng napkin ko.

   Kahit papaano meron naman akong karamay sa bahay na to. Si Francis, half-brother ko. Magkasing edad lang kami kaya hindi mahirap makibagay. Mabait sakin si Francis dahil sa lahat ng tao dito sa bahay, ako lang ang nakakaalam ng sikreto niya. Pusong babae kasi itong si Francis pero ayaw niyang malaman ng mama niya.

   Masaya ako kapag nasa school ako. Yun lang kasi yung lugar na hindi ko nakikita si Mrs. Lavilla. Marami akong kaibigan sa school dahil ang alam nga nila mayaman ako. Marami din ang nanliligaw sakin pero merong isang lalake ang talagang gusto ko.

   Si Ethan. Sa lahat kasi ng lalake sa school siya lang yung nakikita kong pinakasimple at hindi mayabang. Minsan gusto ko siyang kausapin kaso natatakot ako. Baka kasi hindi niya ako magustuhan o hindi din niya ako pansinin. Masipag na estudyante kasi si Ethan. Nag tatrabaho siya para sa scholarship kaya naisip ko na baka wala pa sa isip niya ang mga babae.

   Nung malaman ko na tumatanggap siya na gumawa ng mga projects at assignments nagkaroon ako ng ideya para mapalapit sa kanya. Sa kanya ako nag papatulong sa mga assignments ko. Nagpapatulong lang ako, hindi ako nagpapagawa, gusto ko lang talagang makasama siya. Pareho naman kaming 4th year high school kaso magkaiba kami ng section kaya hindi ko siya nakakasama. Ito lang ang tanging paraan ko.

   Minsan pinapapunta ko siya sa bahay para mas makapag-usap kami. Syempre hindi alam ni Mrs. Lavilla. Tuwing pupunta ssa bahay si Ethan inaaya ni Francis ang mama niya para mag mall. Pinakilala ko din si Ethan sa mga kaibigan ko. Ramdam kong hindi masaya si Ethan kapag kasama namin ang mga kaibigan ko pero wala akong magagawa.

   Isang araw nag tapat sakin si Ethan na gusto niya ako. Nagulat ako. Yung taong gusto ko, may gusto din sakin. Pero natakot ako na baka pag nalaman niya kung sino talaga ako baka magbago ang tingin niya sakin. Mas pinili kong sabihin na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya kesa naman mawala ang lahat. Pero parang ganun pa rin. Nag bago pa rin ang lahat. Hindi na ako kinakausap ni Ethan.

   Pinili kong libangin ang sarili ko kesa mag mukmok. Pero hindi talaga mawawala yung mga panahong mag-isa ako at walang kausap. Tuwing nangyayari yun bumabalik lahat ng alaala sakin. Tuwing nangyayari yun si Francis lang ang tanging nakakausap ko.

   Minsan naiinis na ako sa buhay ko. Bakit ba ako naging anak sa labas. Bakit kailangan kong pakisamahan ang step-mother ko. Bakit hindi na ako binalikan ng nanay ko. Bakit ba hindi ko masabi sa lahat kung sino ba talaga ako. Pakiramdam ko lahat na ng problema na sakin. Bakit ko ba dapat dalhin lahat ng problemang ito.

   Hindi po ako humihingi ng tulong sa pag sagot ng problema ko. Gusto ko lang po sana humingi ng tulong kung pano ko kakalimutan lahat ng to.

                                                                                                                              - Alexandra Lavilla

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon