Love

13 0 0
                                    

October 3, 2013

Dear Mr. G,

   May nakapagsabi po sakin na tumutulong kayo sa pag sagot ng mga problema ng mga taong nagpapadala ng sulat sa inyo. Gusto ko lang pong humingi ng tulong.

   Ako si Ethan. Mahirap lang ang pamilya namin. Maswerte na ako dahil nakakapag-aral pa ko sa isang magandang school ng dahil sa scholarship na nakuha ko. Dahil nga hindi ako mayaman, iba ang trato sakin sa school na pinapasukan ko. Alam niyo na, bullies.

   Noong bata ako meron akong kaibigan na tanggap ako kahit mahirap lang ako. Kahit na mayaman sila nakikipaglaro pa rin siya saken. Pero isang araw nawala na lang siya bigla. Siguro naisip niya na tama yung mga magulang niya na hindi siya dapat nakikipag-usap sakin dahil sa estado ng buhay namin.

   Mula noon nag sumikap ako para makapag-aral sa magandang eskwelahan. Isang mayamang musikero ang nakakita ng kantang sinulat ko. Siya ang nagbigay sakin ng scholarship kapalit ng pag gawa ko ng mga kanta para sa kanya. Masaya ako dahil may natuwa sa mga sinulat kong kanta. Bukod kasi kay Riley, siya yung tinutukoy kong kaibigan ko dati, wala ng nakaka-appreciate ng gawa ko.

   Masaya ako dahil nakakapag-aral ako sa isang magandang school. Fourth year high school na ako ngayon. Pipilitin kong makapatapos para magkaroon ako ng magandang trabaho at makatulong ako sa mga magulang ko. Hindi na nila kami mamaliitin ulit. Pero alam kong matinding paghihirap ang kailangan kong pag daanan bago ko marating yan.

   Kailangan kong mag trabaho bilang student assistant para magkaroon ng extrang pera na maibibigay ko kina mama. Minsan tumatanggap din ako ng mga magpapagawa ng project. Isang araw isang babae ang lumapit sakin. Humihingi siya ng tulong sa assignment niya.

   Ang babaeng tinutukoy ko ay si Alex. Sikat siya sa buong school dahil bukod sa maganda siya, anak pa siya ng may-ari ng isang sikat na clothing line. Madaming lalake ang nagkakagusto kay Alex, at isa na ako dun. Lahat sila nag eeffort sa panliligaw. Hindi ko na ipipilit ligawan siya dahil alam ko namang wala akong pag-asa.

   Medyo naging close kami ni Alex mula nung araw na humingi siya ng tulong saken. Palagi kaming magkasama. Hindi ko alam kung masaya siya dahil kasama niya ako o masaya siya dahil siguradong papasa siya sa quiz nila sa math.

   Minsan pinapapunta niya ako sa bahay nila para turuan siya sa physics. Di na ako nagulat sa laki ng bahay nila. Siguro kasing laki din ng bahay nila Riley. Nagkakaroon kami ng oras para makapag-usap ng kaming dalawa lang. Marami akong nalaman tungkol sa kanya.

   Pero hindi alam ng kahit na sino ang pagkakaibigan namin ni Alex. Ayaw niyang ipaalam sa iba. Ayaw niyang malaman ng mga kaibigan niya at lalo na ng mga magulang niya. Siguro dahil ikinahihiya niya ako. Alam ko naman yun. Sa school ang turing lang niya sakin ay taga-gawa ng assignments. Hindi nga niya ako kinakausap ng matagal sa school.

   Nagulat na lang ako isang araw, ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Hindi bilang "Si Ethan, taga-gawa ko ng assignments" kundi bilang "Si Ethan, kaibigan ko." Masaya ako sa nangyari. Ngayon alam ko na, posible palang makisama ang tulad ko sa mga tulad nila.

   Okay naman ang naging pag tanggap sakin ng mga kaibigan niya. Pero parang kakaiba sa pakiramdam. Hindi kasi tulad ni Alex, hindi nila ako kinakausap. Parang kasama ko sila pero di nila ako kasama. Pero okay na din ako sa ganun, kesa naman wala.

   Di nag tagal, dumating yung araw na nagtapat na ako sa kanya. Sinabi ko na sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Sa tingin ko naman kasi may pag-asa na ako sa kanya. Pero nagkamali ako.

   "Ayaw kong sirain kung ano man ang meron tayo ngayon. Masaya na ako dahil kaibigan kita."

   Ganyan lang ang isinagot niya sa akin. Siguro nga tama sila. Hindi kailanman pwedeng mag sama ang tulad namin. Kung sila Romeo at Juliet nga walang happy ending, kami pa kaya ? Ganun ba talaga kamakapangyarihan ang pera, at lahat ay kaya niyang pag hiwalayin.

   Lumipas ang mga araw nag bago na ang lahat. Hindi na kami nakakapag-usap ni Alex. Hindi na siya nagpapatulong sakin. Hindi na ako nakakapunta sa bahay niya. Parang hindi kami kailanman nagkakilala.

   Sinayang ko lang ang lahat. Dapat na kuntento na ako na kaibigan ko siya. Ngayon wala na ang lahat. Hindi ko alam kung maibabalik ko pa ang dati. Yan po ang problema ko ngayon. Sana po matulungan niyo akong maibalik sa dati ang pagkakaibigan namin ni Alex. Sabi nila lahat ng problema na sosolusyunan ninyo kaya po umaasa ako.

                                                                                                                              - Ethan Delos Santos.

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon