11 unang araw

13.3K 416 12
                                    

Nanatiling kaaway ang turing sa akin ni Ago, parang walang nangyari sa ming dalawa. Hanggang sa lumipas ang mga araw ay miminsan ko nalang siyang nakikita sa boung kabahayan. Ipinag walang bahala ko iyon, ilang araw nalang din naman at magpapaalam na ako nang tuluyan kina ate Youmie at sir Shiba.

Kailangan ko nang mgbukod para sa sarili. Syempre para makabayad na din ko sa mabait na mag asawa. Ang saya ko ng dahil naipasok na ako ni ate Youmie sa Lamberts Company. Ang nakakatuwa pa doon ay magiging secretary agad ako. Wala eh, sadyang malakas ako kay ate.

NGAYON ang unang araw ko. Noong isang araw lang ako in - interview ni Sir Shiba, wala naman na din siyng maraming tanong. Basta nakatingin lang ako sa kaniya, noon ko lang kasi siya natingnan nang harap harapan at matagalan. Totoong mang halong kulay berde ang mata ni sir, matangos din ang ilong at mapula pa rin ang labi, gwapo siya for short at mabait pa. Di ko nga alam kung saan nagmana ang panganay niyang lalaki.

Espesyalista siya sa utak. May clinic na din siya kasama ang ibang espcialista din. Si maam Bree ang kaniyang pangunahing pasyente. Kaso nga lang sa ngayon ay pinagtutuunan niya nang pansin ang kanilang kompanya dahil nasa estado ito nang branching sa ibang lugar sa parte nang Pilipinas.

Sinipat ko ang aking sarili sa salamin. Sout ko na kasi ang bago kong uniporme na kulay grey na may itim na lining sa kwelyo, above the knee length din ito kaya kita ang legs ko. Nakasout na din ako nang sapatos na itim na may 2 inches ang takong.

Napangiti ako, ang ganda  ko kasi. Nang sumapit ang alas otso y media ay nagmadali kong kinuha ang bag ko at lumabas nang kwarto. Nakangiting mukha agad ni ate Youmie, Ysean at manang Costa ang sumalubong sa akin sa loob nang bahay.

''You're so beautiful ate T. Wait when i grow up, I'll marry you.''

Napatingin agad ako kay Ysean na nasa gilid ni ate Youmie. Otso anyos na si Ysean pero magkaiba sila nang ugali ni Ago. Si Sean ay makulit at palangiti kahit suplado ito habang si Ago ay suplado, strikto at bossy.

''Kuh! Ang bata mo pa nga, E.'' Si ate Youmie.

'E' ang nickname nito shortcut daw nang Ysean. Sumimangot ito sa mommy niya at nang bumaling sa akin ay ngumiti ulit.

''Tash, ngayon ang unang araw mo doon. Goodluck!''

Nag thumbs up pa sila kaya ngumiti ako.

''Salamat po sa inyo. Sege, baka mahuli na ako.'' Sa huli ay natitigan ko lang si ate Youmie at hinalikan siya sa pisngi. ''Salamat.'' bulong ko.

Ngiti lang din ang sagot niya sa akin at tumango na.

HINDI naman maawat ang kaba ko nang nasa loob na ako  nang kompaniya. Sa sobrang laki kasi at magara ay di ko na halos maalala ang pakay ko dito. Ilang beses naman na din akong nakapasok dito pero di ko pa rin mapigilang mamangha.

''Miss Batonghinog. Hurry up, pinapahanap ka na ni sir Lambert.''

Kumurap ako nang ilang ulit saka ngumiti nang malawak. Oo nga pala. Isang babae ang sumundo sa akin sa lobby kanina. Maganda, sexy at bata. Nagkibit balikat nalang ako at sumunod dito. Sumakay kami ng elevator at nang makarating kami sa ika tatlongpo ay humarap sa akin ang babae.

''Gusto kong ipa ala ala sa iyo, Miss Batonghinog ---  strikto si Sir pagdating sa trabaho and base on your credentials ay graduate ka nang Management but wala ka pang MBA. Sa trabaho na to. Okay lang, kapag napapagalitan, -- gwapo naman si sir kaya okay lang.'' Bulong niya sa huli sabay tawa.

A-Ano daw? Well, kahit naman may edad na si Sir ay may dating pa rin talaga ito. Tumango ako at ngumiti nalang din. Humarap kami pareho sa pinto nang CEO office.

''Ayaw ko mang sabihin sa'yo ito miss Batonghinog --- pero --- crush ko si sir. Walang talo talo.''

''H-Ha?'' Bigla akong nakaramdam nang inis  sa mga pinagsasabi nang babae.

Nilingon niya ulit ako.

''At may lihim kaming relasyon, sana alam mong lumugar kung saan ka lang nararapat.''

Gusto kong ngumisi sa babae. Lakas loob akong tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Wala sa isipan kong nangangaliwa ang amo ko, ni hindi pumasok sa kokote ko yun.

''Miss, mahigit sampung taon akong nanilibihan sa pamilyang 'to. Kaya ikaw ang dapat marunong lumugar. Itigil mo na yang pag aambisyon mo or else isusumbong kita sa amo kong babae.''

Gusto kong panlakihan siya nang mata o awayin. Pero nanatili akong composed at nang makahuma ay inirapan ko siya. Nakita ko naman siyang natitigilan at tila inis na tinitingnan ang cellphone niya nang mag vibrate ito.

Ang kapal naman niya kung ganoon.

Sabay pa kaming humugot nang hininga at binuga iyon makalipas ang ilang sandali. Kahit naman kasi naagtatagpo kami ni Sir sa bahay ay iba pa rin talaga pag dito na sa labas, pero hindi ko talaga lubos maisip na nagkakaroon nang karelasyon sa iba ang amo kong lalaki. Mabait si sir Shiba, lalo na pag dating kay ate Youmie. Kaya masasabi kong faithful husband siya.

Kumatok ang babae nang tatlong beses saka binuksan ang pinto.

''Excuse me, sir. Miss Batonghinog is here.''

Napaplastikan ako sa mabait na aura nang babae ngayon. Ni hindi siya makatingin sa amo namin. Humugot ulit ako nang hininga para ikalma ang sarili.

''Okay, you may leave now.''

Nanigas ang likod ko sa boses na yun. Agad na nilipad nang tingin ko ang kinaroroonan nang nagsalita. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko. Di siya nakatingin sa akin kundi doon sa babaeng tumalikod na.

Siya ang CEO?

He's wearing a black three piece suit. Fresh look and with his glasses on. Napanganga ako. Ilang araw ko din siyang hindi nakita. Ang sabi ni Lalang ay may sariling bahay na daw ito kaya hindi na umuwi mula nang araw na yun.

''Have a sit, Miss Batonghinog.''

Hindi pa nagtatama ang tingin namin.

Iniiwasan niya kaya ako? Pormal?

''I said. Take a seat.'' Mariin ulit nitong sabi.

Natameme ako. Bakit siya ganito? Unang araw ko pero bakit napalitan nang sobrang kaba ang dapat na saya ko?

---

pls votes and please drop some comments!

Thanks!

I Am Not Yours - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon