16

12.6K 395 11
                                    

''Wow! Bagay na bagay sa'yo, Tashia! Sege na, nak, hubarin mo na. Di ba may pamahiin tayong bawal isukat ang gown? Bakit mo naman kasi sinukat, anak?''

Di ako umimik. Pamahiin lang naman eh, mas okay nga siguro kung hindi matutuloy. Lumapit agad sa akin ang bading na siyang may gawa nang damit ko.

''Tash, may dinner tayo mamaya sa bahay. Mag dress ka ha? Nandoon ang angkan nila. Pasensya ka na anak.''

Pilit akong ngumiti sa kaniya.

''Naiintindihan kita Tash. Para din sa kabutihan ninyong dalawa ni T ang desisyon kong ito. Siguro nagtatampo kayo sa akin, tatanggapin ko. Pero alam ko, balang araw ay papasalamatan nyo din ako.''

Humugot ako nang hininga saka yumakap sa kaniya. Ayaw kong magsumbong sa ginawang pagsampal sa akin ni Ago noong nakaraan. Ayokong gumawa na naman nang gulo.

Wala na naman si Ago. Di ko naman alam kung saan na naman ang business trip niya ngayon. Siguro nandyan siya mamaya.

''Siya nga pala. Uuwi ngayon si Briella, kasama ang nobyo niya. Naku! Ang batang yun, nagno-nobyo na ang bata pa.''

Biglang umusbong ang sabik sa dibdib ko. Malamang si Judrigo ang sinasabi niyang nobyo. Alam ko na eh, magkakabalikan din ang dalawa.

''Tagala po? Hayaan niyo po at aagahan namin ni Ago mamaya.''

Sinadya ko pang isama ang pangalan ni Ago para naman hindi na mag isip nang kung ano ano pa ang babae.

''Sorry Tash, nasa Siargao ngayon si Ago. Hindi ko nga alam kung kelan na  naman ang balik noon. Ipapasundo nalang kita kay Loki mamaya, okay?''

Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ko. Mas okay na kasi sa akin kung wala siya doon. Malawak ang ngiti ko kay mommy Youmie.

''Sege po.''

Naagaw ang atensyon namin nang tumunog ang cellphone niya.

''Teka lang Tash. Si daady mo tumatawag.''

Gusto kong mapangiwi. Ang hirap talaga ang sitwasyon ko dahil sa ang dati kong amo ay mommy at daddy na ang dapat na itawag ko. Ang awkward..

Sinilip ko din ang cellphone ko. May isang message akong natanggap.

+63946157****

Nagtaka naman ako. Di ko kasi alam ang numerong iyon.

I'm outside. Tash. Let's talk. Now.
-Niel Mark

Bigla akong nanlamig. Di ko alam ang isasagot dito. Napatingin ako sa labas nang boutique at di ako nagkamali sa ibig sabihin niyang outside. Sa labas iyon kung saan kami ngayon.

Nasa bulsa ang kamay nito at puno mang lungkot ang mata nitong nakatingin sa akin.

Binuhusan ng kung anong lungkot ang puso ko. Nagbawi ako nang tingin nang marinig ko ang yabag ni mommy Youmie.

''Uhm-- Tash, may pupuntahan ka pa ba? Nag iiyak na naman kasi daw si bunso. Ang laki na nga iyakin pa din, ewan ko ba kung saan nagmana ang batang yon.''

''Ah-- may dadaanan pa po kasi ako. Una nalang po kayo, mom.''

''Oh siya sege, mag ingat ka.'' Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. ''Mahal ka ni Thiago, Tash. Mother knows first before himself.'' Ngumiti siya at tumalikod na.

Naestatwa ako. Hindi ko alam ang dapat na ereaksyon. Mahal ako ni Ago? Umiling iling ako.

''Maam, paki pirma mo nalang dito.'' Sabi noong bading.

I Am Not Yours - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon