Ilang linggo na ang nakalipas. Ilang linggo na pero hindi pa rin ako pinapansin ni Ago. Ang sakit. Sabi sa akin ni Lympus sa akin, ang arte daw nang kuya niya. Pero pilit ko namang pina intindi sa kaniya na dapat hindi siya mag isip nang ganoon. Umirap lang siya sa akin sabay walked out.
Wala na iyong bandahe ni Ago sa ulo niya. Wala na din mga pasa sa kaniyang mukha. Nawala na din yung nakalagay na brace sa leeg niya. Pero na andoon pa rin yung semento sa kaniyang binti.
Ginawa ko na ring bahay ang kwartong iyon. Palagi din namang nandoon ang pamilya niya. Habang paminsan minsan lang ang mga kaibigan niya. Pero ni hindi pa rin namin nakikita siyang nakangiti.
Palaging nasa labas nang bintana ang kaniyang tingin. Malungkot kami. Malungkot ako. Kasi dapat ay sa akin lang siya galit, pero lahat damay na.
Nang magpagsolo na kami ay sinubukan ko siyang yayain na na kumain. Pero hindi siya umimik. Hindi niya ako tinapunan nang tingin.
''Ago, kailangan mong kumain. Iinom ka pa nang gamot.''
''Damn! Ilang beses ko bang dapat ulit ulitin sayo? I said back off! Don't touch me! Nasaan ba ang pamilya ko? Bakit ka palaging nandito?!''
Mataas ang boses ni Ago. Natahimik ako. Galit na galit pa rin siya sa akin.
''I - I'm sorry..''
''Tang ina! Ilang beses ko na bang narinig yan? Maibabalik ba nang sorry mo ang paglakad ko?! --- damn! It's all because of you! Nakalimutan mo na ba? Pwes! Ako hindi. So, leave me alone!''
Umagos ang luha sa pisngi ko. Ang sakit lang. Ang sakit nang mga salitang binitawan niya. At wala akong magawa dahil yun naman ang totoo.
''Hindi ako aalis. Oo, nagkamali ako Ago. Maling mali. Tatanggapin ko lahat. Kahit anong sasabihin mo sa akin. But i will stay. I'll stay, dahil m - mahal kita..''
Napayuko ako. Sa wakas nasabi ko rin. Pero tawa ang narinig ko sa kaniya. Nang uuyam. Nang gagalaiti.
''Bakit? Dahil naawa ka na sa akin? Ngayon - - mahal mo na ako dahil -- kaawa awa na akong tingnan?! Edi -- puta! You don't know how i feel, Tashia. So shut up and love yourself, instead. Now, leave.''
Naikuyom ko ang palad. Napapikit pa ako at nilulunok nalang ang mga salitang yun. Kinain ko na ang hiya ko at lumipat sa kung saan nakaharap si Ago.
''Ago, i am so sorry. G - gagawin ko ang lahat. L - lahat. Patawarin mo lang ako.'' i beg.
He smirked.
''Really?''
Tumango ako sa kaniya. Tumawa ito. Yung tawang nang aasar. Nang iinis.
''So, get off. Umalis ka na.''
Bigo ako. Nabigo akong kumbinsihin siya. Mahal ko siya at kaya kong magtiis. Noon pa ay nagtiis na ako sa kaniya, ngayon pa kaya. Umiling ako at kumuha nang isang pinggan nang kanin at nilagyan ko iyon nang kaonting ulam.
Lumugar ako sa gilid niya. Inis siyang nakatingin sa akin pero di ko na iyon pinansin.
Napangiti pa ako nang biglang pumasok sa ala ala ko yung panahong nagkasakit siya noon nasa grade seven kami.
----
''Tashia, may lagnat ako, bakit para sa LBM ang gamot na'to -- kahit kailan ang bobo mo talaga.''
''Sorry, minadali mo kasi ako eh. Bakit ba madilim dito?''
Pinigilan niya ako nang akma kong bubuksan ang kurtina nang bintana.
''Pakialamera ka talaga. Masakit sa mata ang liwanag.''
''Ago -- nanginginig ka na -- tatawagin ko lang si sir.'' naalarma ako.
BINABASA MO ANG
I Am Not Yours - Completed
RomanceThiago Godz Lambert. Gwapo, matalino, malakas ang appeal, habulin nang babae, mapag laro sa feelings nang mga babae, pinag kakaguluhan nang mga babae at madalas may mga nakaka away dahil lang sa babae. Tashia Batonghinog Malaki ang boobs, makurba an...