12:59

24.4K 630 50
                                    

Everybody was busy.

Lahat ay nandito sa ancestral house nang mga Alegria. Parents iyon nang mga magulang nang lolo ng daddy ni Ago. Dito kasi namin e-ce celebrate ang bagong taon. Tarlac is very nice.

Malaki yung bahay at maraming kwarto. May mga kaniya kaniyang kubo ding nakahilera sa likod nang bahay. Ang sabi sa akin ni Ago ay doon daw nagpapalipas nang bakasyon ang bawat pamilya katulad sa mga ganitong pagkakataon.

Oo, alam ko yun. Noong mga nakaraan kasi ay hindi ako sumasama dito, ngayon pa lang talaga.

Malaki ang pamilya ni Ago. Minsan nga ay naikukumpara ko ang aking sarili sa kanila. Kompleto ang bawat isa sa kanila habang ako, wala ni isang kapamilya. Okay na din iyon. Alam kong ito yung pamilyang binigay sa akin nang Dios dahil ito yung pamilya na wala ako.

---

''Ate?''

Nalingunan ko si Lympus na may dalang torotot. Ngumiti ako sa kaniya. Hanggang ngayon baby parin turing ko sa kaniya.

''Baby..''

Ngumiti siya. Lalo akong napangiti dahil nakita ko ang bungal niya. Si Lympus lang ang naiiba sa kanilang magkapatid. Hindi ito kasing puti katulad nang iba. Itim ang mata nito.

''Love mo pa rin ba ako kahit lalabas na si Ana?''

Yes, Anastasha ang balak naming pangalan sa baby namin. Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan siya sa lips.

''You're always ate Tash's baby boy, Lympus. Ikaw ba, mamahalin mo rin ba ang pamangkin mong ito kapag lalabas na?''

He giggled and caress my tummy.

''I promise po. I will love her, like how you love me.''

Sabi niya sabay takbo palabas. I smiled. Napahaplos ako sa aking tyan nang may maramdaman akong kakaiba dito.  Namamanas ang binti ko.

''Ate...''

Si Ysean naman ng napag angatan ko nang mukha. Napangiti ako. Biglang sumagi sa ala ala ko noong gabing umiiyak siya. Ang sabi niya noon ikakasal na daw ang crush niya.

''Kuya Ysean, ..''

Tumabi siya sa akin at sabay kaming napatingin sa pagpasok din ni Raffa.

''Oh, kulet..'' Sabi ni Ysean at kinandong ang bata.

Ang laki na nang batang para kelan lang ay sinusubuan ko pa. He's so responsible.

''Happy new year, te. Si kuya -- sinasaktan ka pa ba niya?''

Bahagya akong natigilan pero napawi naman agad iyon. Ngumiti ako sa kaniya.

''Hindi naman ako sinasaktan nang kuya mo. Minsan kasi may pagkakataong hindi kami nagkakaintindihan. Siguro sabihin nalang nating, nagsasakitan kami pero dahil lang naman iyon sa selos. Nagseselos kami kasi mahal namin ang isa't-isa.''

He sigh.

''Okay, alright. --- We can't wait to see Ana to come out. Sana kamukha mo para maganda, hwag kay kuya siguradong pangit. Sege ate, matutulog muna ako. Nine palang naman. -- sleepy Afa?''

Humikab ang bata sa balikat ni Ysean. Tumango naman ako sa kanila. Napahilot ulit ako sa aking tyan nang nag gagalaw ang bata. I humm a lullaby, yun kasi ang madalas kong ginagawa kapag naglilikot ito sa tyan ko. Pero hindi naman siya tumigil.

Dahan dahan akong tumayo. Pakiramdam ko kasi ay naiihi ako. Pero wrong move. Naihi na ako. Malakas, hindi iyon normal.

Natataranta akong luminga. Bakit walang tao dito sa loob? Lahat yata ay nasa lawn at nag iihaw. Bigla akong napahawak sa aking balakang nang may kung anong sakit akong naramdaman dito.

I Am Not Yours - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon