19 ''It'll be okay''

13.2K 398 10
                                    

Nag excuse ako kay maam Bree at tinungo ang chappel nang hospital. Lumuhod ako sa harap nang alatar. Umiyak agad ako sa Kaniya. Kasalanan ko talaga kasi. Ako ang dahilan bakit umabot sa ganito ang lahat. Kung sana'y hindi ako lumabas nang kotse niya. Kung sana ay pinili kong sa tabi niya nalang.

Tumingala ako.

Dios ko, nakikiusap ako -- magsasakripisyo ako para sa kaniya. Hwag niyo lang po siyang kunin sa amin. -- alam ko naman pong -- may pag asa pa kaming dalawa. Lumunok ako nang ilang beses dahil parang may nakabarang konsensya sa lalamunan ko. Kahit ilang beses niya pa po akong awayin. Kahit saktan niya man ako --- j-just please let him stay. Magtitiis ako, Dios ko..

Naalala ko pa yung sinabi niyang hindi niya ako maturing na kapatid. Okay lang naman sa akin iyon dahil ayaw ko rin naman. Mahal ko siya kaya ayaw ko rin.

Magpapakasal pa kami. Ang sabi ni maam Bree ay siya ang may set up nang dinner para mag propose sa akin. But i ruined it. Ang sakit.

Umupo ako at nasa Poing Nazareno pa rin ang tingin. Patuloy pa rin ang paglandas nang luha sa mukha ko. Hindi ko na alam ang itsura ko pero wala naman akong pakialam. Ang bigat bigat nang pakiramdam ko.

''Ate---''

Si Lalang ang nalingunan ko. Nakayuko siya sa akin at may ngiti sa labi kahit puno nang lungkot ang mata niya. Wala iyong dating sigla, taray at kislap doon.  Tanging lungkot ang bumabalot dito na any minute ay luluha na siya.

''He's okay -- i mean -- tapos na ang operation.''

My face lit up. Napahawak ako sa aking dibdib at tahimik na nagpapasalamat sa Dios.

''-- pero ..''

Bigla ulit akong napatingin sa kaniya. She sigh at tumabi sa akin. Humikbi siya na lalong nagpadaloy sa luha ko.

Bakit?

''May semento ang dalawa niyang paa..''

Nahinto ako. My mouth parted at ini - imagine kung ano ang ibig niyang sabihin.

''Ang sabi nang doctor ay may mga stitches din ang ulo niya gawa nang basak na salamin. Oh my god  -- ang kuya ko!''

Napahawak siya sa kaniyang mukha. Napatulala lang ako sa kaniya. Wala sa sariling tumayo na ako at binaybay ang lugar kung saan ko sila iniwan kanina. Wala na sila doon. Tinanong ko nalang ang nurse na lumabas galing sa OR at dumaan sa gawi ko.

''Nasa third floor na po. Kanina pa po siya nilapat. Room 807 po."

Mabilis akong naglakad papunta sa third floor. May elevator naman kaso nga lang kakababa lang. Kaya dumaan na ako hagdanan. Di naman ako nabigo at nakita ko agad ang numero nang kwarto. Mahinang katok ang ginawa ko bago binuksa  iyon.

''-- bakit ba lahat nang mga anak ko ay kailangang dumaan sa ospital? Nahihirapan din ako. Shiba, ang panganay ko di pa halos magaling, ngayon ang pangalawa ko naman? --- Narasan ko nang matulog nang ilang buwan at gumising na walang makilala sa inyo. Sana naman hwag nang mangyari kay T iyon.''

''Sshhh, it'll be okay.''

Tumikhim na ako at naagaw naman ang atensyon nang mag asawa. Sila nalang ang naroon mag aalas dose na din kasi nang madaling araw kaya siguro nagpahinga na ang iba.

''Tash -- anak..''

Sinalubong at niyakap agad ako ni ate Youmie. Nangingilid ulot ang luha ko lalo na nung napag masdan ko ang kaawa awang si Ago.

May semento nga ang dalawa niyang paa, neck brace at bandage ang kaniyang ulo.

Tuluyang tumulo ang luha ko at lumapit dito. Nanginginig ako.

I Am Not Yours - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon