Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 1: School of Monsters

5.7M 86.4K 31.3K
                                    

Chapter 1: School of Monster


Schools were cages. They set a particular standard expecting its students to fit in. They watch you every day and remind you of the rules. And when you failed to be molded to an acceptable shape that followed its criteria, they kicked you out—leaving behind a bad reputation and a sickening belief that something was wrong with you. I should know. I had been to different schools and they were all the same. And Montello High was going to be one of them.

Hindi kababakasan ng emosyon ang aking mga mata habang nakatayo sa nakabukas na gate at pinagmamasdan ang kabuuan ng paaralan. Isa itong lumang gusali na napanatili ang kagandahan dahil sa paglinang at pagkalinga ng modernisasyon. At kung pagbabasehan ang anyo nito sa labas ay nasisiguro kong maraming kuwento at kasaysayan ang nagdaan dito. Napakaganda nito at elegante, subalit napakalayo rin nito kung kaya naman ay kinakailangan kong manatili sa dormitoryo nito. Ayon sa aking research, collegiate gothic ang Montello High kung istilo ng arkitektura nito ang pagbabasehan—isang disenyong nababagay sa mga elegante at mararangyang estudyante.

Elegante at marangya? Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga. Hindi ako elegante at hindi rin ganoon kayaman ang aking pamilya. Kaya naman ipinagtataka kong dito ako ipinadala ng aking ama. Hindi kaya naubusan na siya ng mapagpipiliang paaralan kung kaya't pikit-mata niya akong ipinasok dito? Hindi iyon malabong mangyari dahil unang buwan ko pa lang bilang junior high ay heto at nasa ibang school na naman ako. Another cage, sa isip ko. I will never fit in a cage.

Matapos kong makaharap si Principal Steins ay inihatid niya ako sa building na nasa kanang bahagi ng school. Ang main building ng Montello High ang pinagdarausan ng mga klase. Napagigitnaan ito ng dalawang mas mababang gusali: ang dormitoryo ng mga lalaki sa kaliwa at ng mga babae sa kanan. Dire-diretso kaming pumasok sa loob. Wala kahit isang estudyante ang bumati sa principal. Ang ilang nakapansin sa amin ay tinapunan lang ako ng nanunuring tingin na tinugon ko naman ng pagtataas ng aking kilay. Huminto kami sa harap ng isang pinto sa ikalawang palapag. Isang maganda, maputi, at may mahabang buhok na estudyante ang nagbukas ng pinto at pinapasok kami. Hindi tulad ng mga estudyanteng nadaanan namin ay may nakahandang ngiti ito sa kaniyang labi na mas nagpaganda pa sa kaniyang mukha.

"This is Summer Leondale, your new roommate," pagpapakilala ni Principal Steins.

"Hi! I'm Jamie!" masigla nitong bati.

"And I'm Mirden!" Isang babaeng may suot na salamin at nagbabasa sa isa sa tatlong kama ang nakatingin sa amin. Ngumiti ito nang magtama ang aming mga mata.

Ilang paalala ang ibinigay sa akin ng principal. Marahil ay hindi lingid sa kaalaman niya kung bakit ako lumipat sa kanilang paaralan. Surely, it would end with fake regret and utter disappointment of how I didn't meet Montello High's qualifications for a good student. Nang matapos siya ay tahimik akong nagtungo sa kama sa dulong kaliwa at nagsimulang ayusin ang aking mga gamit.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong ni Jamie. Lumapit din si Mirden. She really looked like a nerd because of the thick glasses she was wearing. Nang sulyapan ko ang librong hawak niya ay nakita kong nagbabasa siya ng manga. She was reading The Melancholy of Haruhi Suzumiya! Buong akala ko'y tumaas ang grado ng mga mata niya dahil sa pagbabasa ng encyclopedia, almanac, atlas, or even Reader's Digest. But who knew? With that getup, I wouldn't be surprised to find a library in her house.

"Kaya ko na 'to," kaswal kong tanggi.

I was not really friendly and sociable. It was Sunday and I was used to spending it quietly. No people around. No noises—but it would be impossible starting today. These girls seemed nice. And I didn't like them. Don't get me wrong. I didn't prefer their hostility. I just didn't want to be disturbed for the sake of being kind towards me.

Montello High: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon