Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 2: The Bloody Welcome Party

2.5M 57.1K 16.8K
                                    

Chapter 2: The Bloody Welcome Party


I was never a morning person. I was still yawning while checking the schedule of my classes. I probably failed to meet the standards of being a good and decent student, but I wasn't stupid. Pumapasok naman sa isip ko ang mga tinatalakay sa klase. Nasa fifth floor ang una kong subject. English. Walang elevator para sa mga estudyante. Kung mayroon man ay pribado iyon at nasa faculty area lang. Tuluyan nang nawala ang antok ko nang makita ang hagdan. Ilang pagkasuklam na kaya ang natamo nito mula sa mga pagod o inaantok na mga estudyanteng kailangang akyatin ito?

Nang makarating sa fifth floor ay agad kong nakita ang room number. May kaunting kaba sa aking dibdib subalit agad ko iyong iwinaksi. I should be getting used to it already. Marahan kong binuksan ang pinto ng silid.

"You must be the new girl. Introduce yourself to the class, please," wika ng teacher na bumungad sa akin at iminuwestra ang unahang parte ng silid.

Humugot ako ng malalim na paghinga at saka naglakad sa itinurong direksyon. It was another cliché in my school-hopping adventure. Everyone's attention was focused on me, but I refused to be intimidated.

"Hi. I'm Summer Leondale," matipid kong pagpapakilala.

Nanatiling tahimik ang klase. Mukhang naghihintay sila ng sunod ko pang sasabihin, ngunit agad na naintindihan ng guro ang kawalan ng intensyon kong sundan ang aking mga sinabi.

"I'm Mr. Daniel Flores, your English instructor. You may take your seat anywhere as long as it is vacant," wika ng gurong may katandaan na at nakasuot ng salamin. Tahimik kong tinungo ang dulong bahagi ng silid na kinaroronan ng mga bakanteng silya. Naupo ako at nagsimulang makinig sa klase.

Mr. Flores captured the interest of the students while teaching. He was good at it, actually. Maayos ang takbo ng diskusyon nang marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang limang estudyanteng lalaki. Bahagya lang ang aking pagkagulat nang mapagsino ang mga ito. They were the Black Government gangsters from yesterday. Coming late to class and making a despicable, grand entrance was definitely something they would do.

I was about to make internal remarks about gangs when my attention was caught by the guy leading the group. He had this fashionably styled, disheveled brown hair, aristocratic posture, arrogant straight nose, sensual lips, and dark, brown eyes that seemed to be a set of black holes with a gravity that was too strong they were pulling me to look into them.

Pinakawalan ko ang paghingang hindi ko namamalayang pinipigil ko na pala. Hindi ko alam kung bakit ganoon kalakas ang dating ng lalaking iyon upang maapektuhan ako. He was standing tall and ahead of his group. And the moment his eyes landed on me, I felt the intensity of an earthquake. Although, I wasn't sure if he really saw me. Nevertheless, the effect was the same.

"Freniere! Montreal! Sison! Lowe! West! For heaven's sake! You're forty-five minutes late!" nagpipigil sa galit na wika ni Mr. Flores sa kanila. Tila ibinalik ako niyon sa reyalidad. Paismid kong ibinaling sa ibang direksyon ang aking tingin. These latecomers just ruined an interesting discussion.

"Aren't you used to it?" amused na tanong ng lalaking bulky at itim ang buhok mula kahapon. If I wasn't mistaken, his name was Makki.

Hinayon nila ang direksyon patungo sa dulong parte ng silid. Kusang lumipat ng upuan ang mga naroon para sa mga paparating. I frowned at how they could control the class. Anong mayro'n sa kanila?

Bagaman at nagtitimpi ay hindi na sila pinansin ni Mr. Flores at sa halip ay ipinagpatuloy nito ang naudlot na diskusyon. At dahil nasa dulo rin ako ay nahahagip ng aking paningin ang grupo sa kabilang bahagi. Tahimik lang sila. Hindi ko mawari kung nakikinig sa leksyon o nagmamasid—o maaring pareho. Paminsan-minsan ay nararamdaman ko rin ang mga pares ng mga matang nakatuon sa aking direksyon. May bahagi sa aking isip na bumubulong upang huwag lumingon at sinunod ko iyon. Better safe than sorry, I guessed.

Montello High: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon