Chapter 8: The Punishment (Part 2)
I almost regretted going with him. I would have enjoyed my lunch more if I decided to eat alone. Pakiramdam ko ay may mga matang nakasunod sa aking bawat galaw. Hindi ko gustong makakuha pa ng atensyon. Hindi rin nakatulong na mukhang kumalat na sa Montello High ang balita tungkol sa aking punishment. Imagine a transferee who got involved in the fight at the sixth floor. Masyadong mabilis para sa isang estudyanteng hindi pa nakakatapos ng first quarter sa school na ito.
"What do you want for lunch?"
And yeah, it didn't help that I was having lunch with the student council's vice president who happened to be a Black Government member as well. How did I get myself in this situation? Hindi naman ako kasama sa away ng mga gangsters kagabi na ngayon ay nagko-community service.
"That one. That one. That one!" Magkakasunod kong tinuro ang pizza, chocolate cake, and chicken meal. And it was so frustrating that Ethan easily persuaded me with free food. How could I be so weak when it came to food?
"Wow. Hindi ako makapaniwalang kaya mong kumain nang ganito karami," nanggigilalas niyang usal habang nilalagay sa tray ang mga pagkain.
"Don't judge. I'm just taking advantage of your generosity," malamig kong depensa. It was too obvious na sumama lang ako sa kaniya para sa libreng pagkain.
Kung na-offend man siya sa aking sinabi ay hindi ko iyon nakita. Naiiling na ngumiti lang ito habang binabayaran sa counter ang mga pagkain namin. Kumpara sa pasta niya, pakiramdam ko ay isa akong taong-grasa na ilang araw na walang laman ang sikmura kung kaya naman nang magmagandaang-loob ang isang tulad ni Ethan ay nilubos ko na ang pagkain ng pang-isang lingo.
"Magkakasundo kayo ni Makki pagdating sa pagiging food monster," aniya nang maka-upo na kami sa bakanteng mesa.
Agad akong nagsimula sa pagkain. I was so damn hungry. And I didn't trust my mood and decision-making skills when I was hangry. Nang napapangalahati ko na ang pagkain ay nag-angat ako ng tingin.
"Bakit mo 'ko nilibre ng lunch, Ethan?" tanong ko.
"I bought you dinner last time. And now I'm looking forward for breakfast," kaswal nitong sagot.
I eyed him skeptically. "You're really a complicated person, aren't you? A student leader and a gangster. A rule-implementer and a rule-breaker. What do you want from me, two-faced creature?"
Bahagyang nawala ang kaniyang ngiti at huminga nang malalim. "Why do I have to need something from you to be your friend?"
Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. "I don't trust gangsters," sa halip ay sagot ko.
"But I'm also a student leader."
"I don't trust corrupt leaders as well."
Matiim niya akong pinagmasdan na tila binabasa ang ekspresyon sa aking mukha. Siguro naman ay maiisip na niyang hindi ko maibibigay sa kaniya ang kung ano mang kailangan niya sa akin kahit pa pakikipagkaibigan lang iyon.
"If I wear a mask then you are building walls," kapagkuwa'y saad nito. "Thick and high walls no one can invade."
Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Kung totoo man ang sinasabi niya, pinatutunayan lang nito na may kani-kaniya kaming issue na lihim na hinaharap. Hindi na kailangan abalahin pa namin ang isa't isa tungkol doon. Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain.
"Stay away from the dark, Summer," muli ay wika nito nang hindi na matiis ang katahimikan.
Bigla ay tila nawalan na ako ng ganang kumain. Tuluyan ko nang ibinaba ang aking kubyertos at sinalubong ang kaniyang mga mata. "Feeding me doesn't mean that you can now tell me what to do, Ethan. Even cats bite their owners' hands."
BINABASA MO ANG
Montello High: School of Gangsters
Teen FictionWhat's a reckless transferee with a feisty attitude got to do when her new school puts the lives of its students in danger? According to Summer Leondale...try and save it, of course. *** Used to being the new girl, Summer Leondale thinks nothing of...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte