Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 4: Nightwoods

2.3M 50.3K 20.5K
                                    

Chapter 4: Nightwoods


Fight or flight. Iyon lang ang maaari kong pagpilian sa oras na iyon. And of course, I chose flight. I wasn't in any condition to have a confrontation with him. Akmang hahakbang na ako paakyat ng hagdan at sasagutin ang tawag sa cellphone upang maging abala sa pakikipag-usap nang maramdaman ko ang kamay na mahigpit na humawak sa aking balikat. At bago pa ako makapag-isip ng susunod na hakbang ay naagaw na niya mula sa aking kamay ang cellphone at ini-off ito.

I winced as his hold on my shoulder tightened and let out a soft grunt as he pushed me against the wall. Just how fast could this man move?

"Let go of me," may diin kong protesta at tumingala sa kaniya. Kung ano man ang mga balak kong sabihin ay napigil iyon nang magsalubong ang aming mga mata. His dark eyes were staring at me menacingly, like he was glaring directly at my soul.

"You're not going to be lucky this time, new girl." His voice was colder compared to how he talked to the other girl.

At hindi ko itatangging nakaramdam ako ng takot dahil doon. The girl before was way prettier than me and yet, he still treated her like trash. We were alone in these stairs. No witnesses. He could push me to my death and walk away like he didn't commit murder.

Ngunit ang takot na iyon ay mabilis na ikinubli ng aking galit at kagustuhang maipagtanggol ang sarili. "I didn't mean to eavesdrop on you. I was on my way to Algebra!" I snapped.

Kung possible man ay mas naging madilim pa ang kaniyang ekspresyon sa ginawa kong pagsagot. "What did you hear?" tanong niya sa malamig pa ring tono.

"I heard you rejecting the girl. Did that boost your male ego? Will you let go of me now?" puno ng sarkasmo kong tanong.

Subalit sa halip na pakawalan ako ay mas dumiin pa ang pagkakahawak niya sa akin. Sinubukan kong itulak siya palayo ngunit tila pader sa tibay ang malapad niyang dibdib. I had no trouble pushing people out of my way in my past schools. Did I injure myself that bad? Or was he just too strong for me?

Napigil ko ng ilang segundo ang aking paghinga nang yumuko siya at inilapit ang bibig sa aking tainga. "You should be careful about eavesdropping in Montello High. You might accidentally hear the details of how you'll die."

Hindi ko alam kung ang kilabot na dumaloy sa aking katawan ay dahil sa sinabi niya o sa dampi ng kaniyang hininga sa aking balat. Bago niya pa tuluyang mapansin ang naging epekto niya sa akin ay inipon ko ang aking lakas at marahas siyang itinulak. Sa pagkakataong ito ay humakbang siya palayo sa akin.

"Your empty threats will not work on me, Freniere. You're just a coward delinquent who can't fight an enemy without the help of your lackeys. Surely, you haven't killed a single person in your life!"

I shouldn't regret what I said. Because most of the time, delinquents like him were just rebelling teenagers with issues craving for someone's attention. Subalit habang sinisikap kong salubungin ang kaniyang tingin ay tila gusto ng katawan kong umatras at tumakbo. Mas dumilim ang kaniyang mga mata, mas tila naging malamig ang paligid. Ang sumunod na saglit na katahimikan ay tila makahihiwa ng hangin sa talim. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga sa tindi ng kabang umahon sa aking dibdib.

Halos hindi ako makakilos nang muling umangat ang kaniyang isang kamay at dumako sa sugat sa aking labi. Subalit hindi tulad kahapon ay mas naging madiin ang pagdampi ng kaniyang hinlalaki. Napasinghap ako nang makaramdam ng hapdi at sinamantala niya iyon upang mapanatiling nakaawang ang aking bibig.

"You're probably right. I haven't killed a single person in my life. Because I kill them in groups—to save time."

Ang sumunod kong naramdaman ay ang pag-angat ng aking likod at muling paghampas nito sa pader. At bago pa ako makakilos ay nagawa na niya akong talikuran na parang walang nangyari.

Montello High: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon