Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 3: The Evil Prince

2.2M 50.3K 13.5K
                                    

Chapter 3: The Evil Prince


Nagsisimula nang lumubog ang araw sa kanluran. Unti-unti ay nilalamon na ng dilim ang paligid. Ang mga punong kanina lang ay naging saksi sa isang hindi patas na laro ay nag-uumpisa nang lumikha ng mga anino. Tila ibinabadya nito na ang paparating na mga sandali ay kanilang oras; panahon upang sila naman ang maglaro.

Napakalawak ng Montello High. Maliit lang ang porsiyentong may magawing estudyante sa mapunong parte na ito ng paaralan. Idagdag pa na habang dumidilim ay mas nagiging nakakapangilabot pa ang paligid. Kung nais kong makaalis ay kailangang tulungan ko ang aking sarili kahit na nga ba tila wala nang lakas na natitira sa aking mga binti.

Ikinalma ko ang aking sarili kasabay ng pagpapakawala ng malalim na paghinga. I won their bad game but didn't get anything aside from cuts and bruises. I winced as I felt the pain on the side of my stomach. No, it didn't feel like I won at all. Pakiramdam ko ay mas masuwerte pa sa akin ang mga talunan sa isang boxing match dahil sa sandaling ma-knock out sila ng kalaban ay may mga kakampi silang mag-aasikaso sa kanila. And it was obvious na wala akong kakampi sa pagkakataong ito—walang magnanais na kumampi sa isang transferee na katulad ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata; umaasang kahit papaano ay maiaalis ko ang aking isip sa nararamdamang sakit. Subalit isang tinig ang muling nagpamulat sa akin.

"How was the game?"

Malamig ang baritonong boses na iyon; sapat upang kunin ang aking isipan mula sa iniinda kong sakit at ituon ang aking atensyon sa nagmamay-ari ng tinig. Sa madilim na paligid ay mas naging prominte pa ang features ng mukha ng lalaking iyon. He was strikingly handsome in the darkness. He looked even more dangerous in the shadows.

I smirked at him; certain that his presence was not a mere imagination of a half-conscious, battered girl. "Deadly," I answered. My voice came out hoarse; opposite to the cool, deep tone of his.

Subalit ano ang ginagawa ng isang Van Freniere sa lugar na ito? Sigurado akong ang mga miyembro ng Black Government ay walang intensyong magtungo sa lugar kung saan naglalaro ang Dark Monarch. At mas lalong hindi siya nagtungo rito upang iligtas ako. Hindi kaya isa na namang pag-aaway ang magaganap sa lugar na ito? Or worse, narito siya upang sila naman ang makipaglaro sa akin?

I flinched when he suddenly crouched down to level his face on mine. I almost held my breath as I studied every handsome inch of his face. God! I'd never seen a man as otherworldly gorgeous as him. I let out a soft gasp when he placed a finger on my lips, and my eyes widened as I saw blood on his fingertips.

His face hardened as his eyes traveled down my bruised body. He was about to say something when he suddenly stiffened and glanced at our surroundings. Isang buntonghininga ang kaniyang pinakawalan at saka tumayo.

"W-wait! Aren't you going to—"

Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang magtuloy-tuloy ito sa paglalakad palayo. Sa kaniyang bawat hakbang ay mas dumidilim ang paligid at tuluyang nilalamon ang pag-asa kong makaalis sa lugar na ito.

"I'm sure you can handle it," narinig ko pang wika niya bago pa siya tuluyang maglaho sa dilim.

Naiiling at hindi makapaniwalang tinitigan ko ang direksiyong hinayon niya. He knew that I needed his help. Kahit ang mga bully sa mga dati kong schools ay magdadalawang-isip na iwan ako sa ganitong kalagayan. After all, they were humans—bukod pa sa posibilidad na maaari nilang dalhin sa konsensya nila kung may masamang mangyari sa akin. However, this heartless, cold, and arrogant bastard had the nerve to touch my wound and walk away like I was just some discarded ragged doll thrown in the woods.

Montello High: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon