Stage 1
"Wala na bang ibibilis 'yang kilos mo, ha?" napapairap na tugon ni Brini habang nakasandal sa sasakyan.
"Eh kung tulungan mo kaya ako dito sa mga libro mo, ano?" sarkastikong tugon ko sa kanya nang makalapit ako at saka iniharap ang dalawang libro niya.
Sinimangutan niya lang ako bago tinanggap ang nga libro niya. "Mom! Do I really need to take these books in the first day of the semester?" sigaw niya.
Napailing na lang ako at saka sumakay na sa loob ng kotse.
"Good morning, Hailey." nakangising salubong sa akin ni Zeal na nakatingin mula sa rearview mirror. As always, with his earphone. Hindi ba talaga siya nagsasawa sa mga pinapakinggang musika? Hay.
"What's 'good' in the morning, kung ganyang mukha ba naman ang driver?" napangiwi siya nang sabihan kong 'driver'.
"Oh, driver." natatawang sambit ni Brini pagpasok ng passengger's seat. "Anong tinitingin-tingin mo, Hails?" nakataas ang kilay na tanong nito nang humarap siya sa akin.
"Iniisip ko lang kung paano at anong gagawin ko mamaya para ako naman ang nakaupo diyan." pinaikot ko ang mga mata ko para ipakita ang pagkairita.
Binuhay na ni Zeal ang makina at tinuon ko na lamang ang atensyon sa mga nadadaanan namin, not minding my twins.
"What's making my sister space out, huh?" napabuntong hininga ako bago buksan ang pinto ng kotse pagkarating namin sa parking lot ng school.
"Kapangitan mo." sagot ko kay Zeal nang makababa na ako. Halos sabay sabay ang pagbaba naming tatlo at di ko mapigilang di mapuna ang mga paninitig nila sa amin. May narinig pa kaming nagbubulungan nang madaan kami sa isang grupo ng mga freshmen girls.
"Ang Triplets."
"Omg. Si Zeal, ang gwapo niya talaga!"
Nandidiri naman akong tumingin kay Zeal na parang wala siyang narinig pero sobrang lapad naman ng ngiti. What the fuck!
"Narinig niyo naman. Ang 'gwapo'."
"Yucks!" sabay naming sigaw ni Brini bago tumakbo papasok sa building. Ang yabang! I mean, yes, he got the looks but can't he be humble huh?
Habang tumatakbo ay 'di ko napansin ang isang bulto ng taong biglang lumabas ng room na dahilan kung bakit ako nakadapa ngayon sa sahig —— sa matigas na dibdib ng kahuli-hulihang taong nanaisin kong makakabangga ko. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Naaamoy ko pa ang pabango nito. Marahan akong tumayo at pasimpleng siniko ang kanyang tiyan na matigas! Kagad din naman itong tumayo at kapansin-pansin rin ang pulang pisngi nito.
Tumikhim ito nang may dumaang mga estudyante. Mabuti na lang pala at walang gaanong estudyante at di na naman kami matsismis.
"Sa susunod kasi mag-iingat ka. Hindi 'yong kung kani-kanino ka nahuhulog." nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga bago tumalikod para umalis. Napasinghap na lang ako nang makaalis na siya.
"Sa susunod kasi mag-iingat ka. Hindi 'yong kung kani-kanino ka nahuhulog." sinamaan ko ng tingin si Zeal na ngayo'y nasa tabi ko na at pangisi-ngisi. Paniguradong nakita niya iyong kanina! Ugh! Damn you, Ignacio!
Nagsimula na lang akong maglakad at hinanap ang library para baka sakaling mawala ang inis ko.
"Nasan na nga pala si Brini?" tanong ko sa kakambal kong nakasunod pa rin sakin.

BINABASA MO ANG
Fall
Fiksi UmumSi Hailey ang nag-iisang babae na nagawang patinuin ang playboy na si Troy. But the heart breaking part of their story started as they've reached a month. Ang nasa isip ni Hailey ay kung sino pa ang unang nangulit, sya pa ang naunang bumitaw. Niloko...