Stage 2
Napatayo ako mula sa pagkakaupo at saka na naman nagpalakad-lakad. Pero napabuntong hininga lang ako at muli na namang napaupo sa upuan ko.
May biglang nagbukas ng pinto kaya naman agaran akong napatingin doon at kinabahan sa kung sino man ang papasok. Pero kagad ring naibsan ang kabang iyon nang pumasok ang nerd naming kaklase. Nagtungo ito sa upuan sa likod. Napakagat labi ako nang makaramdam na naman ng pamilyar na pakiramdam na mula pa kahapon ay dinadama ko na. Pagkalito.
Muli akong napatayo nang magsipasukan na ang mga kaklase namin. Namutawing muli ang kaba sa aking dibdib habang pinagmamasdang pumasok ang lahat. At nang makapasok na ang kalahati ng klase ay napabuntong hininga akong muli.
"HAILS! Pwede bang maupo ka na?! Kanina pa kami nahihilo sa'yo!" Bigla akong napaupo nang hatakin ako ni Brini paupo. Lukot ang mukha kong napasandal na lamang sa upuan ko. Paano ba naman kasi ako hindi matataranta kung makikita ko mamaya ang nakakairitang pagmumukha ng Ignacio na'yon!
"Alam ko kung anong tumatakbo sa isip mo, twin sister. Ang di ko lang alam ay kung bakit iniisip mo 'yon? At kung bakit ka nagkakaganyan. Hay nako naman, Hails." Natigilan ako sa naging tanong niya. Bakit nga ba? Hindi ko din alam! Gusto kong sampalin ang sarili ko sa kahibangan ko.
"Hindi ko din alam, okay!?" Batid kong napalakas ang pagkakasabi ko niyon dahil natigil sa paggawa at pag-uusap ang lahat ng nasa loob ng silid na ito at napatingin sa amin, most especially sa akin.
Napatingin naman ako sa may pintuan nang may biglang magbukas nito na siyang kinalaki ng mga mata ko. Napasinghap ako lalo nang mapatingin siya sa akin.
Bigla-bigla na lang akong tumayo sa upuan at walang pasabing lumabas ng silid gamit ang isa pang pinto. Narinig ko ang pagtawag ni Brini sa pangalan ko pero hindi na ako nag-abala pang lumingon.
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang open field. "Argh! I hate you! I hate you!" Pinagsisipa ko ang luno na nasa harap ko. Patuloylabg ako sa ginagawa ko nang may biglang humawak sa siko ko. Hindi ko na kailangang lingunin pa ang hudas na ito dahil a.oy palang niya, kilala ko na.
Marahas kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin at hinarap siyang nakakunot noo. Irritation is very evident in me right now.
"Anong kailangan mo't sinundan mo pa ako dito!" Bulyaw ko sa mukha niya. Sa halip na sagutin ako kaagad ay umiwas siya ng tingin.
"Ang assumera. Hindi kita sinundan, ano ka." Sagot niya pero hindi parin siya makatingin sa akin.
"Oh, really, Troy." Sarkastiko kong tugon sa kanya. At sa wakas ay nakuha ko na ang atensyon niya. Sa akin na siya nakatingin ngayon!
"Ano bang problema mo ha at ang sungit-sungit mo sakin?" Nanliit ang mga mata ko nang dahil sa naging katanungan niya.
"Ba't ka ba nagtatanong? Alam kong alam mo kung anong dahila kung bakit ako nagkakaganito! You idiot!" Saglit kaming natigilan nang may dumaang grupo ng mga estudyante.
"Ha! Don't tell me, may gusto ka parin sa'kin? Are you still not over our break up, Hailey?" Nakangisi nitong tanong.
Pinamulaan ako ng pisngi dahil sa pagka-irita. Pinaghahampas ko siya sa dibdib na siya naman niyang nasasalo. "How dare you! Ang kapal din ng apog mo!"
"Oh chill, babe. 'Wag mag-eskandalo. Isn't the one month enough for you? For your happiness?"
Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo sa mukha dahil sa galit sa tinuran niya. Nararamdaman ko na rin ang pag-init ng gilid ng mga mata ko kaya agad akong tumalikod at patakbong umalis sa open field. Wala, e. Pinaalala na nama niya ang bagay na iyon na pilit kong kinakalimutan. 'Abg sama-sama mo, Troy' yan ang tumatakbo sa isip ko nang aksidenteng bumangga ako sa pader.
"Aray." Daing ng pader.... teka hindi pader! Kundi sa tao! Kagad akong tumayo at inalalayan ang lalaking nabangga ko para rin tumayo. Pagkatayo niya ay aalis na sanaako pero pinigilan ako nito.
"Aren't you going to say 'sorry', miss?" Nag-angat ako nang tingin para sana salubungin ang tingin ang lalaking nakabanggaan ko pero si Krissa ang namataan ko kaya nanumbalik ang inis ko. Imbes na mag-sorry ay hinawi ko ang lalaki sa daraanan ko.
"H-hey!" Pigil nito sa akin. Kaya naman ay tinapunan ko siya ng isang matalim na tingin.
"Ano ba?!" Ayoko sana siyabg tarayan dahil, oh well, hindi naman maitatanggi na may itsura nga siya. But, hey! I'm still annoyed!
"I'm Caleb Montenegro, miss. You are?"
Napasinghap ako out of disappointment. What the hell, she doesn't know me, huh? But i felt like shaking hands with this guy. He got the angelic look, though. "I'm Hail——"
Bago ko pa matanggap ang kamay na inilalahad niya ay may bigla na lang dumaan sa gitna namin kaya nahawi ang kamay ng lalaking ito. Muli akong napasinghap, ngunit ngayon ay dahil na sa tuluyang pag-gitna niya sa aming dalawa. Hinarap niya ako ng may nakakalokong ngisi. To be more true, HINDI MAPAGKAKATIWALAANG NGITI. BEWARE !
"Hails. Malapit na ang klase natin pero nagagawa mo pang makipagkilala dito? Sa tapat pa ng building natin? Most specifically, to the president's office." Patungkol nito sa natapatan naming kwarto mula sa ikaapat na palapag kung saan nakatanaw rito ang president, Art Cortez a.k.a 'ang kinababaliwan ng kakambal namin ni Zeal'. Nanginig ang panga ko sa inis.
"Ano bang pakialam mo, Troy? Tapos na tayo, 'di ba? Ikaw na mismo ang nagsabi. So bakit mo pa ako pinakikialaman?" taas noo kong tugon na kahit sa totoo lang ay nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa biglaang pagpapalit ng ekspresyon sa mga mata niya.
"Aryt." malamig nitong tugon at saka na umalis. Naiwan tuloy ako roong napapabuntong-hininga na lang kasama ang lalaking ito na halos malukot na ang buong mukha sa pagtatakha. Sinundan ko na lang ng tingin ang likod ni Troy na papalayo. Napapangiwi ako sa tuwing may nabubunggo—BINUBUNGGONG mga estudyante at hindi man lang siya nags-sorry. Look how great he is.
"What the hell just happened?" sa wakas ay nagsalita din siya. Nagkibit-balikat na lang ako at saka naglakad na rin patungo sa daang tinahak ni Troy kani-kanina lang.
Napansin kong sinusundan parin ako ng lalaki pero 'di ko na siya nagawang pagkaabalahan pa. Lalo na nang makasalubong ko si Krissa. Himala yata at hindi nito kasama ang kaibigan niya. Oh, what's her name again? Hani? Hina? What?
Nginitian niya ako pero hindi mk iyon nagawang suklian. Nilagpasan ko lang siya at iniwang nakanganga at tila ba gulat na gulat sa naging approach ko sa kanya.
Madali akong nagtungo sa classroom nang mabalingan ko ang relo ko. Shit! Oh shit shitty shittyfck! I'm 3 minutes late in my class.
"Hey miss!"
"Lintek! Ba't ba nakasunod parin 'yang lalaking yan?!" mahinang bulong ko sa sarili ko at nagmadali para hindi niya ako maabutan.
At nang matapat ako sa room namin ay kagad akong pumasok. Natigil sa pagtuturo ang professorat nabaling sa amin ang atensyon ng lahat. Oh, great, Hails. Another attention, huh. Akmang isasara ko na ang pinto nang biglang pumasok iyong lalaking kanina pa sumusunod. Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa kaniya.
"Miss Montenegro and Mister Rinoas. You're 10 minutes late."
Oh my God. Don't tell me kaklase ko siya?
"Miss Montenegro pala. Yes, magkaklase tayo." litanya niya habang nakangiti sa akin.
Oh gee thanks. What's his name again?
————
© yourpromdigirl
BINABASA MO ANG
Fall
General FictionSi Hailey ang nag-iisang babae na nagawang patinuin ang playboy na si Troy. But the heart breaking part of their story started as they've reached a month. Ang nasa isip ni Hailey ay kung sino pa ang unang nangulit, sya pa ang naunang bumitaw. Niloko...
