Starting Line

8 2 0
                                    

The Start

Ang pagkakaroon ng crush nagsisimula 'yan sa kindergarten. May mga pagkakataong makakalimutan mo din ang pagkagustong ito sa pagdaan ng mga araw.

"Hailey, crush kita." Nahihiyang tugon ng lalaking patpatin na muntik pang masubsob dahil sa pagtulak nila sa kanya. Ang lakas ng loob ng toothpick na'to para magtapat sa'kin!

"Troy crush ka rin ni Hailey!" Sinamaan ko ng tingin ang kakambal ko na ngayo'y tinutukso ako kay Troy-tootpick.

Tila nagliwanag ang mukha nito. "T-talaga?"

"Pwede ba? Imbes na magsalita ka dyan tungkol sa pagkagusto mo sakin, bakit di ka na lang mag-aral nang mag-aral? Ni hindi ka pa masyadong marunong magsulat ng pangalan mo pero ang lakas na ng loob mong ipangalandakang gusto mo ako?" Napayuko na lang sya habang pinagtatawanan ng mga kaklase namin sa kinder.

May mga pagkakataon ding nagi-stay ang pagkagustong ito hanggang elementarya.

"Bakit ba hanggang ngayon ay di mo pa rin ako magustuhan, ha?"

"Eh, bakit ba kasi ang landi mo? Kung umuwi ka na lang kaya at mag-aral ng mabuti? Yang patpatin mong katawan.... ugh!" Inis na inis na ako kasi hanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya. Like, hello! Elementary pa lang kami alam na nya ang mga ganyang bagay?

Minsan din inaakala mong imposible na magkagusto sa pinakakinaiinisan mong tao. Pero nangyari nga e, kaya hindi imposible. Hindi rin imposibleng masaktan ka.

"I hate him! Isa siyang manloloko! Liar!" bulalas ko sa kakambal ko na siyang nagpapatahan sa akin.

"Alam mo namang manloloko 'yon una palang. Bakit ka pa nagpaloko?" sinamaan ko lang sya ng tingin. Hindi siya nakakatulong.

"I never thought. Akala ko nagbago na siya. Akala ko magbabago siya once na sagutin ko na siya, finally! Pero hindi e. Finally! Finally, nagawa na niya ang noon pa niyang plano. Ang paghigantian ako dahil sa mga pagpapahiyang ginaw ko sa kanya since ages. Panalo na siya. And I hate him for winning this game."

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon