~Prologue~

28 1 0
                                    

TAKKKBBBBOOOOOO!!!

Walang hiyang alarm clock yun!

May na dadaan akong mga classroom at napapatingin sila sa akin. Bakit? There are two reasons.

One, maganda ako. Kaya ako nagpapaka boyish para lubayan ako ng mga lalaki. Hindi naman lumalaki yung ulo ko pag sinasabihan nila ako ng 'maganda' bakit? Simple lang. Binigyan lang naman ako ng mata, ilong bibig, and etc. Totoo naman diba?

Two, dahil sa buhok ko. Bakit ulit? EH SA HINDI AKO NAKAPAG AYOS DAHIL I'M FREAKIN' LATE!!.

Tumatakbo lang ako at umaakyat. Bakit ba kasi nasa 4th floor yung classroom namin?

Nang makapunta na ako sa 4th floor ay pumunta ako sa harap ng pinto at nabuksan yun ng pagkalakas lakas which is hindi sadya.

Napunta lahat ng tingin sa akin. Anong problema ng mga to? Wala akong maile-lesson dahil estudyante din naman ako ah!

"Why are you late Venice Jane Velasco?" Sabi ng nakataas kilay na si Ma'am Soyler.

"Alam mo ma'am isingit nyo na rin kaya yung middle name ko na Cruz. Nilahat nyo na iniwan mo pa yung middle name ko."

Nagpigil naman ng tawa ang mga kaklase ko. Bakit ba? Eh totoo naman eh. Di pa sumama yung middle name.

"I'm asking you Ms. Velasco."- -Ma'am Soyler.

"Oh tignan mo si ma'am naging MS. Velasco na. Yung totoo ma'am. Ano ba talaga ang tawag nyo sakin?" Kamot ulo kong tanong kay ma'am.

"Venice Jane Cruz Velasco---!"

"Ang haba n'yan ma'am Venice na lang." Naka ngiti kong sabi kay ma'am na namumula na sa galit at yung mga kaklase ko naman namumula na sa pag pigil ng tawa.

"Ven---."

"Attention. To all members of Queen B-ball please proceed to the court. AGAIN. To all members of Queen B-ball please proceed to the court."

Pagkatapos nun ay tinignan ko si ma'am.

"Pano ba yan ma'am. Excuse ako." Nakangisi kong sabi kay ma'am at tumakbo pababa ng building papuntang court.

Ganyan ako palagi pag late ako and let me introduce myself to you.

I'm Venice Jane Cruz Velasco. Call me Venice instead of Jane or I will kill you. *insert a playfully look*

My Fiance... AGAIN?!Where stories live. Discover now