Meet Him
Venice's POV
Nakasandal ako ngayon dito sa head board ng kama ko habang nada-drawing. Isa to sa mga hobby ko.
Dito ko minsan napapahayag ang nararamdaman ko.
Napakamot ulo nalang ako nang mapansin ko na epic fail yung heart shape ng kamay. Hayaan na nga lang yan.
Tinapos ko na yun at kinuha yung cellphone ko na nasa side table. Binuksan ko yun at binuksan yung music app.
Flashlight-
When tomorrow comes I'll be on my own
Feeling frightened of things that I don't know
When tomorrow comes, tomorrow comes, when tomorrow comes
And though the road is long, I look up at the sky
And the dark I found I stop and I won't fly
And I sing along, I sing along, then I sing alongSinabayan ko na yung chorus.
I got all I need when I got you and I
I look around me and see a sweet life
I'm stuck in the Dar but you're my flashlight
You're gettin' me, gettin' me through the night
Can't stop my heart when you're shining in my eyes, can't lie
It's a sweet life, I'm stu---."Ven bumaba ka dyan sa kwarto mo kakain na!" Sigaw ni kuya sa baba
"Bumaba agad hindi na lalabas?!" Sigaw ko.
"Lumabas ka na diyan!" Sigaw ulit nya.
"Lalabas lang hindi na bababa?!" Sigaw ko ulit. Lumabas na ako sa kwarto ko
"Bumaba ka na dito!" Sigaw niya na may pagkainis.
"Bababa lang hindi na kakain?" At bumaba na ako.
"Kumain ka na dito!" Sigaw niya na naiirita na.
"Kakain lang hindi na bababaya---ay este oo na kakain na."
Tae anong babayaran? Wala ka sa fastfood chain Venice!
Kamot ulo ako pumunta dun. Uy wag kayong ano ah. Wala akong kuto! Trip ko lang ang pagkamot ulo. Try nyo lang na sabihing may kuto ako at ikaw ang titirisin ko.
Nakatayo lang ako dito sa harap ng upuan. Napangisi ako sa naisip ko. Lumingon ako kay kuya na katabi si Julius sa harapan ko.
"Kakain lang hindi na uupo?" Tanong ko na ikina face palm nya. Hahahaha.
Si Julius naman pigil na pigil sa tawa niya.
"Walang hiya kang babae ka." Sabi ni kuya at nagsimula ng kumain kaya umupo na ako.
Pag ako tumayo habang kumakain ipapa-assasinate kita!
"Diba kuya sa California yung shooting mo?"
"Oo nga.".
"Eh bakit ka nandito?!" Tanong ko sa kanya. Eh bakit? Aangal ka?
"Tss. Pahinga. Alam mo yung word na 'pa-hi-nga'?" Tanong niya sa akin habang masama ang tingin.
"Alam mo yung word na 'sorry' at dalawang word na 'hindi at alam'?" Tanong ko kaya nabulunan si Julius dahil sa kalamunan.
"Ang takaw kasi." Sabi ko.
"Ang pilosopo mo kasi. Pft." Sabi naman niya pagkatapos uminom ng tubig.
"Pusa edi meow." At inirapan siya.
"Bakit ba ang sama mo sa akin Ven?" Naka pout na tanong ni Julius na ikina taas ng kilay ko.
"Tigilan mo yan mukha kang pato. Sa sinabi ko mas lalo pang humaba yung nguso niya pwede ko ng sabitan ng picture frame."
"Mukha kang bakla dyan Julius." Sabi ni kuya ko na kina poker face na niya. Good dog!
"Ang sama n'yong magkapatid." Hindi ko nalang yun pinansin at kumain na.
"May transferee daw sa university ngayon ah. Alam mo ba yun Ven?" Sa sinabi ni Julius dun na ako napanganga. Yung dapat na isusubo ko sa bibig ko nasa ere lang.
Napatikom ako ng bibig. "Are you serious?!" Hindi ko makapaniwalang sigaw. Halata naman diba?
"Yeah. Akalain mo yun. Isa't kalahating taon ngang walang transferee sa university dahil sayo eh."Sabi niya.
Yeah. Simula nung nag transfer ako dun puro prank na ang ginagawa ko. Even teachers na prank ko na din may na ospital pa nga eh. Kaya walang nagbalak na mag transfer sa university na yun. Buti nalang si tita yung may ari nun kaya hindi ako napatalsik.
"Tsk tsk. Pano kaya pag nalaman ng mga fans ko na isang prank queen ang kapatid ko?" Tanong ni kuya at sumubo na ng pagkain.
"Hayaan mo na yun." Sabi ko at kumain na.
Kumuha ko ng baso at uminom at biglang nagsalita si kuya.
"Oo nga pala Ven. Gusto kang maging model ng kompanya nila tito."
At sa narinig ko bigla ko nalang naibuga ang tubig na iniinom ko at diring dito na pinunasan ni Julius ang mukha niya dahil siya ang nabugahan ko dahil nakailag si kuya.
"Kadiri." Diring sabi mo Julius.
Kenneth's POV
"So... nag away na naman kayong magkapatid?" Tanong ni mama
"Opo." Wala naman kasi akong paki sa pinagsasabi nung babaeng yun tungkol sa kanya.
"Ano ba ag dahilan? Napapadalas ang pang aaway nyo ah?" Tanong niya at tumabi sa akin sa sofa.
"Dahil sa parusa mo ma. Bakit daw dun sa university pa ako papasok?" Sabi ko at kumain ng cookies na nasa harapan.
"Ahhh. Ginawa ko lang naman yun dahil..." Pabitin nya kaya napalingon ako sa kanya.
"Dahil...?" Tanong ko.
"Dahil kay Ven." Sa sinagot nya napa iwas ako ng tingin.
"Bakit dahil sa kanya?"
"I just want you to see what have you done to her because of leaving her behind and the worst is... You didn't came back."
"And after that is?"
"Wala na. Dun ka na papasok."
"The H?" Hindi ko makapaniwalang sabi ko. Yun lang?
"Hahahaha. Sigurado naman kasing makokonsensya ka--ay oo nga pala na konsensya ka na. *ehem* Sigurado naman kasing mas lalo kang makokonsensya."
"Tsk. Alam nyo naman pa na nakokonsensya na ako pinapalala nyo pa."
"Ganun talaga." Nakangiting sabi niya at umakyat na at may isa namang babae na bumaba which is Kylie. My sister.
Nung tuluyan na siyang makababa ay hindi niya ako tinignan o kinausap at umalis na ng mansion.
Hayyy. By the way. I'm Xavier Velasquez. I'm a 4th year high school in Zenith University. And I'm Venice Jane Velasco's ex-fiance.
And I hope that I won't be her fiance again.
Bakit ko nasabi yan? May pakiramdam ako na may gagawin ang isip bata kong nanay
YOU ARE READING
My Fiance... AGAIN?!
Teen FictionPaano kung iniwan ka ng taong tiniis mo para sa mga magulang mo sa isang lugar na malayong malayo sa tinitirhan mo at nagpabago sayo? Siya ay isang babae na masayahin, mahinhin, mahiyain at girly. Pero sa ginawa ng taong yun sa kanya, siya'y naging...