Chapter 1

20 0 0
                                    

The Present Venice

Venice's POV

*Who run the world?(girls!) Who run th---."

Inis kong inilagay sa side table ko yung cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko at umupo sa pagkakahiga tapos sumandal sa head board ng kama ko.

Pagkahikab ko ay tumayo na ako at pumunta sa bintana at ginilid yung kurtina para mapapikit ako sa silaw ng araw.

Umalis na ako dun at napatingin ako study table ko. Kumuha ako ng red marker sa lagayan ng mga ballpen ko at nilagyan ng ekis yung numerong 9.

It's friday at sa monday na yung pasukan. Nakakaexcite man pero hindi. Sinong mae-excite kung maging teacher mo ay isang terror? Ilang beses na kaya akong nagdasal na sana mabait yung teacher namin.

Ibinalik ko na yung red marker at pumunta sa banyo at ginawa na ang dapat ginagawa dun. Anong gusto niyo? Sa banyo ako kumain? Kung oo. Pato edi quack quack!

Pagkatapos ay nagbihis na ako ng jeans at t-shirt na may nakalagay na:

'Panget mo!'

Ganda nuh? Nung huli nga akong lumabas gamit yan ay may umiyak nang babae na nerd papunta sa akin at nagsabing

'Edi ikaw na maganda!'

Affected lang?

Lumabas na ako at pumunta sa kainan. Wala yung mga magulang ko nasa States para sa trabaho. Ang kuya ko naman wala dito dahil may shooting sa California. Hindi halatang artista diba?

Kumain na ako ng umagahan at bumalik sa kwarto para kunin yung wallet ko tapos umalis na sa bahay. Pumunta ako sa garahe at sumakay sa motor ko. Sasakyan ko to papunta sa mall--asa kang dadalhin ko to. Ang bigat kaya nitong motor!--para bumili ng mga gamit ko para sa pasukan.

Sinuot ko na yung helmet ko at pinaandar na yung motor tapos umalis na. May kotse naman ako pero mas gusto ko tong motor kesa sa kotse. Ginagamit ko lang yun pag may mahalaga akong pupuntahan.

Nang makapunta ko ay pumunta ako sa NBS at kumuha ng mga notebooks, ballpens, sketchbook, lapis, color pencils,--nagda-drawing kasi ako-- and etc.

Pagkatapos ay binayaran na yun at lumabas na. Pumunta ako sa isang fastfood chain at nag order. Na bitin ako sa kinain ko kanina.

Nung matapos ako ay pumunta na ako sa malapit na park dito. Nag stay muna ako sa park ng kalahating oras at napagdesisyunan ko nang umuwi.

Nang makauwi na ako biglang may humarang na maid sa harap ko kaya nasampal ko. Oww.

"M-ma'am." Sabi ng katulong na nakahawak sa pisngi na sinampal ko.

"Ay. Kasi naman ate bakit ba kasi kayo nanggugulat? Nasampal ko tuloy kayo. Pasensya na."

"O-okay lang ma'am. Ah. May naghahanap po sa inyo. Nasa loob na po siya." Sabi ulit niya.

"Ah. Opo. Ay ate magpahinga muna kayo. Sige alis na ako."

Iniwan ko na siya dun at sinampal yung sarili ko. Aww. Ang saket.

Iniling ko yung ulo ko at pumasok na. And again. Nagulat na naman ako -_-. Ang kalabasan? Nasuntok ko. -_-.

"Aray!" Daing ng nasuntok ko.

Mapanakit ako ngayon ah. Tinignan ko nang mabuti kung sino yun at laking gulat ng makita ko kung sino yun.

"Ang lakas ng loob mong magpakita walang hiya ka! *sampal*"

"Aray ko!!" Daing ulit nya.

"Walang hiyang lalake ka!" At sinuntok ko siya sa kabila.

"Ang saket!!!" Daing na naman nya.

"Bakit nagpakita ka pa ulit?!" At sinampal ko ulit sya sa sinuntok ko.

"Ang sakit p*t*!!!!" Daing ulit nya.

"Eto pa--" Hindi ko natapos yung sasabihin ko ng may biglang sumigaw sa taas.

"Tama na yan Ven!" Napatingin ako sa sumigaw at nagulat din ako kaya sa iniisip kong panaginip aga to ay sinuntok ko ulit yung nasa harapan ko sa noo.

"Papatayin ako ng kapatid mo Van!" Sigaw ng sinuntok ko na si Julius Ethan Clifford. My bestfriend na hindi nagpakita sa akin ng mahabang panahon.

"Kasalan mo yan Julius. Dito muna titira si Ethan isang buwan dahil hihiramin ko yung condo unit niya ." Sabi niya sa akin.

"Eh bakit ayaw niyong magsama dun?" Tanong ko.

"Kailangan." Sabi niya at bumaba.

"Bakit nga?"

"Basta kailangan. Manahimik ka na." At umalis siya para pumunta sa kusina.

And he's Van Jason Velasco. My older brother--sasapakin ko ang magsabi na babae yan kaya nga brother diba.--nag ho-home school siya kaya walang problema sa pag aaral niya. He 's a college student.

Umiling nalang ako at sinamaan si Julius ng tingin at tinutok ko yung index at middle finger sa dalawa kong mata at ibinaling sa kanya yun. Yung parang sa whoops kiri whoops ni Vice Ganda lang.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko at humiga sa kama ko.

Ay oo nga pala. Yung mga binili ko.

Hayyys. Ihahatid naman yata nila manang yun dito eh.

~end of Venice's POV~

Sa isang mansion na medyo malayo sa tinitirhan ni Venice ay may isang lalake at babae na nag aaway sa living room ng mansion.

"Hindi ko na kasalanan yun Kylie!" Sigaw ng lalake sa nakababata niyang kapatid.

"Kasalan mo yun kuya! At pwede bang sa iba ka nalang pumasok?! Wag ka nang magpakita pa sa kanya!" Sigaw naman pabalik ng babae sa kaniyang kuya.

"Gustuhin ko man ay hindi ko yun magagawa dahil sa parusa ni mama sa akin." Malamig na sabi niya sa kaniyang kapatid na babae.

"Nararapat ka talagang parusahan pero bakit kasama sa parusa mo ang pagpasok sa university na yun?! Hindi mo ba alam na halos magmukha na akong tanga na kinakausap siya dahil sa ginawa mo?!" Galit na galit na sigaw aniya sa kuya niya.

"Hindi ko alam at wala akong paki kung ano siya ngayon." Inis na inis na talaga ang lalake sa nakababata niyang kapatid dahil sa pagsigaw nito.

"Kasalan mo to kuya. Hindi ka ba nakonsensya nung iwan mo siya dun?! Kuya isang araw! Isang araw ang byahe ang kailangan niya para makauwi at naiwan pa niya yung pera niya sa loob ng sasakyan mo! At hindi mo siya binalikan! Wala kang puso!" At umalis na ang babae habang nakatingin yung lalake sa kanya.

Hindi mo alam kung gaano ako nakonsensya sa ginawa ko sa kanya, Kylie.

Sabi nito sa isip at lumabas na siya ng bahay nila.

My Fiance... AGAIN?!Where stories live. Discover now