First Day of School
Kenneth's POV
Hanap...
Hanap...
Hanap...
Hanap...
Ayun! IIII-Twins. Humarap ako sa pinto ng classroom at kumatok ng tatlong beses. Nung bumukas yun ay bumunggad sa kin ang isang may katandaang babae. I think she's the adviser here which means she's my adviser.
"So you're the transferee." Tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Tumanggo nalang ako.
"May itsura ka kaya hindi na ako magtataka kung isa ka sa mga makakapal ang mukha sa klase ko." Sabi niya na ikinakunot noo ko. Makapal ang mukha? Bakit may manipis ba?
"Introduce yourself in front of your classmate." Tumanggo nalang ako at pumasok na siya kaya sumunod na ako pero huminto sa gitna.
"I'm Kenneth Xavier Velasquez. Nice to meet you all." Sabi ko.
May mga nagpapapansin, yung iba walang pake, yung iba nagbibilang ng pimples ni ma'am, at yung iba tulog.
"You can sit where ever you want si find your seat." Mukhang wala namang pake si maam kahit na tumanggo at sumagot ako kaya umupo ako sa tabi ng bintana sa hulihan.
Binaba na ni ma'am yung cellphone niya at pumunta sa harap.
"Okay I will check If all of my stupidents are present so listen to me."
Mukhang nagbabasa si ma'am ng mga teen fiction na books ah.
Nagsimula nang magtawag si ma'am hanggang naging alerto ako sa narinig ko.
"Venice Jane Velasco."
Walang nagsalita. Dead silence lang. So it means classmate ko siya? Wala na bang mas sasama sa araw ko?
"Wala pa ma'am!" Sigaw ng isang babae na kabilang dulo na katabi ang isang walang nakaupo na upuan.
"What? First day ngayon diba? Sino ang mauutusan kong mag parusa sa mga natutulog dito?" Sa sinabi ni ma'am yung mga tulog akala mo nakainom ng ilang tasa ng kape dahil sa biglang pag alerto nila.
"Tss. Tama bang ganunin kami?" Sabi ng katabi kong lalake.
"Bakit nagawa na bang mag prank ng babaeng yun dito minsan?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin silya sa akin with wide open eyes.
"Bro. Hindi minsan. Araw araw bro. ARAW ARAW."
Venice's POV
TAKKKBBBBOOOOOO!!!
Walang hiyang alarm clock yun!
May na dadaan akong mga classroom at napapatingin sila sa akin. Bakit? They're two reasons.
One, maganda ako. Kaya ako nagpapaka boyish para lubayan ako ng mga lalaki. Hindi naman lumalaki yung ulo ko pag sinasabihan nila ako ng 'maganda' bakit? Simple lang. Binigyan lang naman ako ng mata, ilong bibig, and others. Totoo naman diba?
Two, dahil sa buhok ko. Bakit ulit? EH SA HINDI AKO NAKAPAG AYOS DAHIL I'M FREAKIN' LATE!!.
Tumatakbo lang ako at umaakyat. Bakit ba kasi nasa 4th floor yung classroom namin?
Nang makapunta na ako sa 4th floor ay pumunta ako sa harap ng pinto at nabuksan yun ng pagkalakas lakas which is hindi sadya.
Napunta lahat ng tingin sa akin. Anong problema ng mga to? Wala akong maile-lesson dahil estudyante din naman ako ah!
"Why are you late Venice Jane Velasco?" Sabi ng nakataas kilay na si Ma'am Soyler.
"Alam mo ma'am isingit nyo na rin kaya yung middle name ko na Cruz. Nilahat nyo na iniwan mo pa yung middle name ko." Inosente kong sabi at tinali yung buhok ko at sumandal sa gilid.
Nagpigil naman ng tawa ang mga kaklase ko. Bakit ba? Eh totoo naman eh. Di pa sinama yung middle name.
"I'm asking you Ms. Velasco."- -Ma'am Soyler.
"Oh tignan mo si ma'am naging MS. Velasco na. Yung totoo ma'am. Ano ba talaga ang tawag nyo sakin?" Kamot ulo kong tanong kay ma'am.
"Venice Jane Cruz Velasco---!"
"Ang haba n'yan ma'am Venice na lang." Naka ngiti kong sabi kay ma'am na namumula na sa galit at yung mga kaklase ko naman namumula na sa pag pigil ng tawa.
"Ven---."
"Attention. To all members of Queen B-ball members please proceed to the court. AGAIN. To all members of Queen B-ball members please proceed to the court."
Pagkatapos nun ay tinignan ko si ma'am.
"Pano ba yan ma'am. Excuse ako." Nakangisi kong sabi kay ma'am at tumakbo pababa ng building papuntang court.
Ganyan ako palagi pag late ako and let me introduce myself to you
I'm Venice Jane Cruz Velasco. Call me Venice instead of Jane or I will kill you. *insert a playfully look*
~end of Venice's POV~
Gulat na gulat si Xavier sa nakita niya. Akala nito ay hindi naman ganun ang kinalabasan ng pag iwan niya sa kanya.
"Ganun ba kalala ang ginawa ko sa kanya?" Pabulong na tanong niya sa sarili niya.
"Kenneth." Napalingon si Xavier sa lalakeng tumawag sa kanya. Yun ay ang katabi niya.
"Ah. Bakit?"- -Xavier
"Ako si Julius Ethan Clifford." Sabi niya.
"Ah. Alam mo naman yata yung pangalan ko diba?"
"Yep. Ikaw ba Ken, naglalaro ka ba ng basketball?" Tanong ni Julius sa kanya.
"Yeah. Why?"
*KRRIIINNNNGGGGG* (bell)
"Right timing. Sumama ka sa kin. Pwede bang mag one on one tayo ngayon?" Tanong ni Julius habang ang mga kaklase niya ay lumalabas na.
"Okay. Pero anong mangyayari pag nanalo ako?"
"Easy. Makakasali ka sa Kings."
"Kings?"
"King B-ball. Kung merong Queen dapat may King. Kaya tara na. Let me test your skills." At hinatak na si Xavier palabas.
Sa court ng Queen B-ball...
"Venice, 20 laps." Sabi ng captain nila na si Steffany Smith
"Hala! Cap--." Hindi natuloy yung sasabihin ni Jane ng biglang nagsalita si Steff.
"Hindi ka um-attend sa last practice natin dati so... 50 laps now!" Sabi ni Steffany nai ikinagulat ni Jane.
"Per---.".
"55 laps." At naglakad na si Steffany napunta sa bench.
"Captain nam---."
"60 laps." Sabi ulit ni Steffany na ikina padyak ni Jane.
Halimaw ka captain!
Magsimula nang tumakbo si Jane at may dalawang pares ng mata ang nakatingin sa kanya.
"Huy Ken! Nasa pilipinas ka pa rin ba?" Tanong ni Julius kaya napatingin si Xavier sakanya.
"Oo. Gusto mo itapon kita sa Neptune?"
"Sa Pluto nalang para malupet. Hahahaha."
"Kung alam ko lang kung nasaan yung black hole malamang tinapon na kita dun." Sabi niya at tiningnan ulit si Jane na tumatakbo at umalis na sila.
YOU ARE READING
My Fiance... AGAIN?!
Teen FictionPaano kung iniwan ka ng taong tiniis mo para sa mga magulang mo sa isang lugar na malayong malayo sa tinitirhan mo at nagpabago sayo? Siya ay isang babae na masayahin, mahinhin, mahiyain at girly. Pero sa ginawa ng taong yun sa kanya, siya'y naging...