Chapter 4

6 0 0
                                    

Dear Destiny

Xavier's POV (Kenneth)

"Wooooohhh! Grabe mas malakas pa pala si Ken sayo Julius!" Sigaw ni Ian nung matapos na yung one on one namin ni Julius.

"Tss. Mukhang may bago tayong ace ah." Sabi naman ni Ivan. Ang captain ng King B-ball.

"Oo na. Suko na ako. Mas malakas ka nga." Sabi ni Julius at pinalo ako sa likod.

"Mukhang may bagong kalaban si Venice ah." Sabi ni Charles na ikina tingin ko sa kanila na tumatanggo.

"Bagong kalaban?"

"Kinakalaban ni Venice ang kapwa niyang ace so ikaw na ang bagong kalaban niya." Sabi ni Julius

"Pasok ka na sa team. Ikaw na ang bagong ace ng Kings---." Hindi natuloy yung sinasabi ni Ivan ng may biglang sumigaw.

"Bagong ace?!"

Napalinggon kami sa sumigaw at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Jane with her team.

Nung makita niya ako biglang nagbago ang aura niya.

"Ikaw... ang bagong ace?" Tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Obvious---."- -Julius

"That's impossible! Hindi niyo pwedeng gawing ace ang bagong sali lan---."- -Jane

"Natalo niya si Julius, Venice." Sabi ni Ian.

Tumingin siya sa akin ng parang papatay ng tao.

"Bumalik ka pa talaga no?" Inis na sabi niya at umalis na habang lahat sila naguluhan sa sinabi niya.

Tinignan ko lang siya habang umaalis nang may biglang pumunta sa harap ko.

"Diba sabi ko sayo na wag ka nang pumasok dito kuya?!" Sigaw ni Kylie

"Manahimik ka na dyan Kylie." Sabi ko at aalis na sana pero bigla siyang nagsalita.

"Hindi ka talaga nakokonsensya."

Hindi ko nalang pinansin yun at umalis na. Pupunta ako sa roof top para magpagangin. Tsk.

Kylie's POV

Nakatayo pa rin ako habang nakatingin silang lahat sakin.

"Kuya? Kuya mo si Kenneth?" Tanong ni Ivan.

Tumingin ako sa kanila at halatang gusto din nila ng malaman yun.

Bumuntong hininga ako. "Yeah." Sabi ko at pumunta sa bench para umupo.

"Bakit parang ayaw mo na nandito yung kuya mo?" Tanong ni Jaime na kapatid ni Julius.

Hindi ko sinagot yun at yumuko para paglaruan yung sintas ng rubber shoes ko.

"At... bakit kilala siya ni Venice?" Tanong ni Steffany na leader ng Queen B-ball.

"They know each other before." Sabi ko at itinaas yung mga paa ko at nilagay ko sa tuhod ko yung baba ko.

"Ehh?!" React nila.

"Pano?" Tanong ni Ian.

"It's a very long story." Sabi ko.

"Bakit sinabi ni Venice yung 'bumalik ka pa talaga'?" Tanong ni Elain.

"Tss. Kung makatanong kayo parang may pinatay ako ah!" Sigaw ko nung mag sink in na yung mga tinatanong nila sakin. Pasado na sila sa pagiging reporter.

"Kilala niya si Ven? Pano? Wala naman nasabi o nabanggit si Bestfriend tungkol sa kanya." Seryosong tanong ni Julius.

"Wala pang sinabi si Venice tungkol sa kanya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Steffany.

Namuo ang katahimikan kaya bumuntong hininga uli ako. "Because she hates him." Sabi ko na dahilan para mapalinggon sila sakin.

"What?!" React nila uli.

"Si kuya ang dahilan kaya nagbago si Venice. Ang kilala n'yong Venice ngayon ang kabaliktaran na Venice dati. Hindi siya sporty, hindi rin siya mahilig sa pranks, hindi din boyish. Magkasundo kami ni Venice dati. Pero hindi na ngayon dahil sa kanya. Kaya ang pagpasok ni kuya dito ang tingin kong magpapalala sa bagay bagay. Ayaw niyang pumasok dito pero ito yung punishment niya sa pag iwan niya kay Venice sa malayong lugar na walang ni isang barya."

"Siya yung..." Galit na sabi ni Julius na nakatikom ang mga kamay niya. Hindi ko siya masisisi. Eh ako nga na kaibigan ni Venice galit na, bestfriend pa kaya?

"Alis na ako." Sabi ko at umalis na dun.

Jane's POV

Damn. Damn. Damn.

Kung kailan mapayapa na ang buhay ko bigla namang may darating na... na... na...

Na hindi ko madescribe sa dami ng kinaiinis ko at ugali nya!

Sa dami ba naman ng school dito pa?

Dear Destiny,

Kaya nyo ba pinag krus ang landas namin para ako ang pumatay sa kanya? Kung oo, please lang ayaw kong makulong.

Kung wala lang talagang batas malamang pira piraso na yung katawan niya.

Umupo ako sa sahig at sumandal sa railings ng roof top. Nakaka inis talaga.
Nabg mabored ako ay kinapa ko yung bulsa ng shorts ko
--kasi hindi pa ako nagpapalit--pero wala yung cellphone ko =_=.

Ang malas---.

Biglang bumukas yung pinto dito sa roof top kaya napalinggon ako dun at napa poker face.

Ito na yata ang pinaka malas na araw ko. Tsk. Tsk.

Ibabaling ko na sana yung paningin ko sa iba pero nagsalita siya dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Dahil wala ako dun. Common sense please." Sagot ko at inirapan siya.

"I'm serious here, Jane." Sabi niya kaya napa lingon ako saka nya. Sabihin nalang kaya niya kung gusto niyang tignan ko siya para hindi na ako palipat lipat ng tingin. Tss.

"Serious? Sorry hindi ako seryoso dito and please, stop calling me Jane, Xavier." Inis kong sabi sa kanya habang hindi inililipat ang tingin sa iba.

Ngumisi siya. "But you're calling me Xavier, Jane."

"Edi tatawagin nalang kitang Kenneth. Problema mo?"

"Then I will call you Venice." Sabi niya

"Wag mo akong tawaging Venice."

"Eh anong gusto mong itawag ko sayo?" Tanong niya na halatang nalilito.

"Try mo nalang kaya akong kalabitin? Tanga may apelyido pa!"

"Nah. Ang haba." Sabi niya at halatang naiinip na.

"******* **! Naka four sylablles ka tapos yung ta-tatlo lang nahahaba-an ka! Eh kung ipanglaban kaya kita sa sumo?!"

Nakangisi at nakapikit siya habang umiiling. "Nagbago ka na talaga." Sabi niya at tiningnan ako.

Sa sinabi niya ang mga nararamdaman ko kanina biglang nawala at umiba ang aura ko. Sobrang lamig.

"Nagbago ako?" Tanong ko at tumayo na habang lumalapit palapit sa kanya at huminto sa tabi niya.

"Natuto lang ako." At nilagpasan siya para umalis na sa roof top.

Hindi na ako ganun ka tanga para hindi matuto. Sumusuko at nahihirapan din ako.

Lahat ng tao umaabot sa limitasyon nila.

My Fiance... AGAIN?!Where stories live. Discover now