C h a p t e r 4

8.6K 382 160
                                    

"Ano yung sinabi ni Summer?! Alam niyo ba ang ginagawa niyo Autumn at Jongdae?!" My mom said while glaring at us.

Opo. Agad silang umuwi dahil sa kanilang nalaman. Hindi na nila matatapos yung business trip nila. Huhuhu~ Kasalanan itong lahat ni Jongdae! Wala akong kinalaman dito! Dapat talaga pagttripan ko lang siya eh pero iba yung nangyari T^T

"Di ba kayo magsasalita?" dagdag pa ni Tita Chloe.

Nasa living room kami ngayon. Magkatabi kami sa upuan ni Jongdae habang sinesermonan kami ( ̄□ ̄;)

Habang si Summer ay nagtatago at nakikita kong sumisilip sa may kusina. Putspa ka Summer! Humanda ka mamaya! ヽ('Д')ノ

"Sorry po" biglang sabi ni Jongdae. Lumingon ako kay Jongdae at binigyan siya ng what the hell? bakit ka nagsorry? look.

Sorry? Eh wala naman kaming ginawa. Wala namang nangyari diba? Ang tanga tanga talaga neto! Dapat sinasabi niya ang totoo ( ̄□ ̄;)

"Mom, Tita Chloe, wala pong nangyari. Uhh-- nagbibiruan lang po kami ni Jongde at iba lang po ag pagkakaintindi ni Summer kaya wala po kayong dapat ipag-alala" Pagtatayo ko ng bandera ko. Ippush ko ang katarungan!

"No mom. Kasalanan ko po talaga. Hayaan niyo po, papanindigan ko po si Autumn" he said.

Ibibitin ko na talaga siya ng patiwarik. Ano bang pinagsasabi nito? Siniko ko siya at pinandilantan ng mata. Napabuntong hininga naman sina mom at tita chloe.

"Kung ganon, wala na talaga kaming magagawa. If you really love each other, we'll support the both of you. Basta't wag mo lang sasaktan tong anak ko, ha? Jongdae?" Sabi ni Mom.

Teka lang. Di ko maabsorb yung if you really love each other na ptangina! Saan galing yun(゚ Д゚)?

"HAH? MOM? ANONG PINAGSASA--" Di nila ako pinatapos kaya tumayo na sila at nagyakapan.

"Kyaaaah! Naku kumare! Eh simula palang, alam ko naman na sila na talaga ang magkakatuluyan!" sabi ni Tita Chloe with her oh so wide smile.

"Oo nga eh! Pano ba yan? Balae na pala ang dapat kong itawag?" dagdag ni Mom at nagtawanan silang dalawa sabay alis ng living room.

Everyday JongdaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon