Forest LOVE :1

7.5K 64 3
                                    

*****


"Hi Fiona. Can we dance?"


Inilapag ko yung wine na ini-inom ko at tumingin sa kanya.



"NO!" Sigaw ko. Natakot naman siya at dali-daling umalis.

Bwiset eh! Yan tuloy nawala sa paningin ko si Lance. Kumuha ako ng wine ng makita kong umupo ito sa fountain na nag-iisa isa. Wala yung nililigawan niyang chaperone. Nilapitan ko siya at na-upo sa tabi niya.



"Hi Lance." Malandi kong sabi.




"H-Hi Fiona." Hindi siya makatingin sa akin kasi nakadekwatro ako at fit ang suot ko kaya kita yung bandang gilid ng hita ko.


" Want to dance?" Pag-aaya ko sa kanya at idinikit ko ang dibdib ko sa balikat niya. Kaya medyo napaatras siya palayo sa akin. Nakakainis.


" Sorry. Ini-intay ko lang lumabas si Yana sa comfort room. " sabi niya.

Tsk. Tumayo na ako at pinilit ngumiti sa harap niya.


"Oh, I see.. ok. See yah around." Sabay talikod ko. Takte na yan. Humanda sa akin ang Yana na yan.


Bumalik ako sa kinatatayuan ko kanina at iminom ng uminom ng wine. Kita kong lumabas na ng restroom ang Yanang yun, nakakaasar.


"Uhmm Fi-Fiona."



"WHAT!" Sigaw ko at gulat na gulat naman siya sa pagsigaw ko.




"W-wala. Sige alis na--"


"Wait." Sabay pulupot ko ng kamay sa leeg niya.




" Sorry if I shouted you earlier." Malandi kong sabi sa nerd na ito.




"O-ok lang." Sabay lunok niya ng laway niya.



" Can you do me a favor huh...?"



*****

Inintay kong bumalik ang nerd na yun para magreport sa akin. Nai-inip na ako.



"Fiona!"





"Sssshh! Dont shout!" Sabi ko




"S-Sorry, ok na. Napatulog ko na si Yana at nasa may kagubatan siya. Sa medyo may kalayuan dito."



"Good. Maari ka ng umalis. Teka here." Sabay halik ko sa bibig niya. Kahit na nakasalamin itong nerd na to may maipagmamalaki rin siya.


"Pwede ka ng umalis, wag na wag mong sasabihin ang ginawa nating to ok?...Wala tayong sinaktan, we just make her sleep ok?" Sabay kagat ko sa tenga niya.

Natulala naman siya saglit at tumango tango sa akin at nagtatakbong umalis.





Nakita ko si Lance na kalalabas lang ng comfort room at naghahanap sa nawawala niyang Yana.




Kumuha ako ng wine at
hinugot ko ang maliit na papel na nakayupi sa garter ng hita ko. Iniligay ko ang laman noon sa wine at inalog alog. Kumuha pa ako ng isa para sa akin. Naglakad ako papalapit sa kanya at inalok ko siya ng wine.




"Here, siguro naman hindi mo na yan tatanggihan." Sabi ko at ininom yung hawak hawak kong wine na para talaga sa akin.



Tinitigan niya muna ako at kinuha niya yung inaalok ko at ininom niya, straight.


"Alis na ako, hahanapin ko pa si Yana." Sabay abot niya ng baso sa akin at tuluyan na siyang tumalikod para hanapin ang kanyang sleeping beauty princess.



"Wait, I think nakita ko siyang pumunta sa gubat."



" Sigurado ka? Salamat." Sabay hawak niya sa magkabila kong braso at nagtatakbo na.

"You're always welcome Lance." Sabi ko habang nakangising nakatingin sa kanya.


*****

Hi :)) another update greaders ko!! Nyahaha~

Story 5: Forest Love |Completed| EDITING CONTENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon