Forest LOVE :5 part 1

5.1K 52 0
                                    

*****

Nasa clinic na ako ng nagising ako. Basta nalang daw kasi ako nawalan ng malay sabi sa akin ng nurse dito.



Iniisip ko parin yung nangyari sa akin kanina. Yung bata.. sa harapan ko.

Isang malakas na kalampag ng pinto ang ikinagulat ko.


" Fiona!"

Nakita ko siyang hingal na hingal sa pintuan at hindi maipinta ang mukha na nakatitig sa akin.


Humakbang siya papalapit sa akin.



" Sorry.."


Yan ang binabanggit ni Ky, kung hindi ako nagkakamali habang lumalapit siya sa akin.




Naasar ako!




Nagagalit ako!






" Akala ko hindi tayo magkakilala? Ginagawa mo dito ha?"


" Sorry.."




" Sorry? Hindi ko kailangan niyan. Pinahiya mo ako! Porket ganyan na ang itsura mo, gaganunin ganunin mo ako? At sa karamihan pa!"



" Sor--"


" Stop! Just stop saying sorry huh? You don't even care. Haha! Oo nga pala. Nobody cares about me. Nobody cares on how will I feel. Damn ass!"




" Fiona.."





" Umalis ka na..leave me alone." Umikot ako patalikod sa kanya.
Ewan ko ba, bakit ako naluluha. Masyado na akong nagpapadala sa emosyon ko. Hindi na ako to, hindi ko na kilala ang sarili ko.




Rinig ko ang hakbang niya palabas ng pintuan. Pero bago siya lumabas. Nagsalita siya.



" Sorry talaga Fiona. Masyado akong nagpadala sa sarili ko, na magbago para sayo. Mukhang nasaktan pa kita. Pero Fiona, nasasaktan din ako.."


Bigla nalang kumaragkag ang boses niya sa huling sinabi niya.



" Hindi ko akalaing..magbabago ka at magmamahal ng iba. "



Ano bang sinasabi niya?



" Pero gusto ko lang ipaalam sa iyo, na tumupad ako sa pangako ko. Tama na sa akin ang malaman mo na sinabi ko to sa iyo para hindi mo ako sisisihin pagdating ng araw na maaalala mo ako."


Bakit..pakiramdam ko..nasasaktan ako?

Napahawak ako sa gilid ng mata ko para punasan ang luha ko.


" Paalam.."







Ramdam ko ang pagsarado ng pinto. Napaharap ako at hindi ko maiwasang banggitin ang pangalan niya.




" K-Ky..."


Pakiramdam ko ang bigat bigat sa pakiramdam ng huli niyang sinabi.
Teka nga. Sabay pahid ko sa luha ko.




" S-siya ba.. " Napatalon nalang ako sa kama.


Hahabulin ko siya. Kailangan kong maintindihan ang sinasabi niya.


Nagtungo ako sa pintuan at pagbukas ko.



" L-Lance."



*****

Maikling maikli.

Comment naman kayo. Nyahaha!

Mamaya ang part 2
2 vote please :D

Story 5: Forest Love |Completed| EDITING CONTENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon