Forest LOVE :10

3.6K 36 3
                                    

*****

" Mommy, balik po tayo sa Pilipinas. Gusto kong makita si Fiona!" Pinilit kong tanggalin yung dextrose sa kamay ko kahit masakit.

" Wag Ky, hindi ganon kadaling bumalik ng Pilipinas. Alam kong nalulungkot ka dahil sa nangyari kay Fiona. Please Ky, stop."

" Gaaaaaah! Ma, *sniff gusto ko siyang makita." Nag-iiyak na ako sa laylayan ng damit ni Ma habang hinahagod niya ang likod ko.

" Sssh, tama na. Sssh..." -sambit ni Mommy.

.

.

.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Sa sobrang pagod narin siguro kai-iyak. Nagising nalang ako kinabukasan na maayos ang pagkakahiga ko sa kama habang hawak hawak ni Mommy ang kamay ko. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko pero nagising ko si Ma.

" Anak, ok ka lang ha?" Nag-aalala ang tono ng pananalita niya. Tumango nalang ako.

" Wag ka na ulit gagawa ng ikasasama mo ha? Alam mo namang may sakit ka. Please magpagaling ka muna, kung gusto mo na talagang bumalik ng Pilipinas. Hindi ka namin pagbabawalan." Malungkot na sabi ni Ma sa akin.

" Ma, kamusta na po si Fiona?"

" Hindi pa ako nakakatawag. Hayaan mo magpapadala ako dun ng prutas para sa kanya."

" Ma pwede bang ubas, mansanas at orange, paborito kasi niya yan eh."

" Oo naman, may gusto ka bang ipadala pa?"

" Opo."

" Sige, iwan muna kita para mabili ko yung mga prutas na yun. Behave ha? Wag mo akong pag-aalalahanin ulit. Natakot talaga ako kagabi."

Tumango nalang ako kahit na gusto kong itanong ang nagyari kagabi. Ang alam ko lang kasi nakatulog na ako.

Bago siya tuluyang lumabas, sinigaw ko ang,

" Ma, pati po papel at lapis."

Nginitian niya ako at tuluyan ng lumabas.

***

" Ma, sa ilalim mo ito ilalagay ha?" Sabi ko habang iniaabot ko yung sulat ko para kay Fiona.

Kinuha na niya iyon at inilagay sa ilalim ng basket ng prutas.

Every week nagpapadala si Ma ng prutas at lagi akong may sulat para kay Fiona. Nabalitaan kong ok na siya at kailangan na lang niya ng kaunting pahinga para makarecover siya sa natamo niyang sugat sa ulo. Simula ng naaksidente siya, wala pa kaming naging kontak sa isa't isa. Minabuti ko nalang ibaling atensyon ko sa payo sa akin ni Ma habang iniintay ko ang araw na makakausap ko na ulit siya. Sinusunod ko ang mga payo ng doktor sa akin simula noon. Lagi kong iniinom ang gamot ko, tumutulog sa tamang oras. Dalawang taon at mahigit na ang dumaan at nawalan na talaga kami ng kontak sa kanila. Nalungkot ako nun pero ipinagpatuloy ko parin ang pagpapagaling ko. Ginagawan ng paraan nina Ma at Pa na makahanap ng kontak sa pamilya ni Fiona at luckily nahanap naman nila. Sinikap ko na gumaling ako at sa isang taon pang lumipas, heto na ako, sakay sa eroplano patungong Pinas.

***

" Tita, si Ky po. Ok naman po ako. Opo magaling na po ako. Oo nga po eh, sana po. Susurpresahin ko po siya dun. Sige po."

~end call

Kuniha ko yung plastic ng ubas at ini-abot kay Manang.

" Manang ito nga pong ubas. Magkano po?"

" Salamat po."

Naglakad na ako at napadaan ako sa tindahan ng mga bulaklak. Lumapit ako sa isang tindahan at nagtingin ng bulaklak.

" Magkano po ito?" Sabay turo ko dun sa boquet ng rose na magkahalong puti at pula.

Binayaran ko lang saglit at naglakad na ako papunta sa sasakyan.

" Manong tara po sa eskwelahang ito."

Nakangiti kong inilapag ang rose at ang ubas sa upuan. Kaso may kumawalang tatlong petals ng bulaklak sa boquet.

Yumuko ako para kunin sana kaso bigla nalang prumeno kaya napasandal ako pauna.

" Sorry iho, may pusang itim eh."

" Ok lang po." At umupo nalang ako ulit ng ayos.

" Hindi ka ba kinakabahan iho?" Tanong sa akin ni Manong.

" Hindi naman po. Bakit mo po natanong?" Nagtataka kong sabi.

" Alam mo kasi, pamahiin na dito na malas ang itim na pusa."

" Ganon po ba. "

" Oo iho, kaya mag-iingat ka. Babagalan ko nalang ang pagmamaneho baka madisgrasya tayo eh." Sabi niya sa akin at kita kong may ngiting gumuhit sa labi niya kaya ngumiti narin ako.

Tumingin ako sa side ko at tumingala sa langit.

Fiona...andito na ako.

*****

Ito muna sa ngayon. Kung may tanong po kayo. Bukas ang comment box para sa inyo.

Salamat

3 comments please

Story 5: Forest Love |Completed| EDITING CONTENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon