Elouise's POV
Masaya akong nag-paalam kay Manang Maria na abala sa pagdidilig ng halaman sa Garden, habang si Mang Albert busy naman sa pag-carwash ng mga kotse ni Daddy.
"Aalis na po ako." masaya kong paalam sa dalawang tao na walang sawang nagmamahal saakin.
"Sige ingat ha" bigkas ni Mang Albert.
"Mag-iingat ka, sigurado ka ba ayaw mo magpasundo mamaya?" tanong ni Maria saakin.
"Hindi na po." nakangiti kong sabi at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Hayyy, ang saya ko! Nakapasa ako sa quiz kahapon!" masigla kong sabi, nag-aral kasi akong mabuti noong nakaraang araw, at nakatulong yung inipit na reviewer ni Cody sa likod ng notebook ko. Napanigiti ako nang mapansin ko yun, did he just really left it? Or it was just an accident? Whatever it is, masaya ako dahil nakatulong yun saakin. Inspired by Cody.
Kilig. Hindi ko maiwasanan na mapangiti.
Kahit na napakasama niya sakin, malaki pa rin ang utang na loob ko sakanya dahil tinulungan niya ako sa pag-aaral.
Hindi ko makalimutan yung nangyari noong nakaraang gabi.
Oo, wala siya sa sarili. Pero siguro naman, aware siya na ako yung niyakap niya.
Hayyy. Napabuntong hininga na lamang ako, hindi ko maiwasan na hindi magbigay ng meaning sa mga ginagawa niya saakin, ganto ba talaga pag may tinatago kang paghanga sa tao? Ayoko sanang mag-isip ng kung ano ano, pero hindi talaga ako makatulog kaka-isip sakanya.
Pero nararamdaman kong may problema siya noong mga panahon na yun, at gustong gusto ko siyang damayan sa mga problema niya, kahit tungkol pa yun sa Girlfriend niya.
Nasa tapat na pala ako ng school.
Time Check 9:20
I still have 40 minutes, 10:00 AM pa naman ang start ng klase ko.
Masaya akong tumakbo papunta sa building namin, hindi naman ako nagmamadali pero gusto ko lang makapunta agad sa room, mag-rereview pa ako para sa Next quiz namin, ngayong nasaakin ang list ng Formulae at naka-derived na ito kaya masaya ako.
"Hi Good morning" masaya kong bati kay Stella, isa sa classmate ko.
"Morning, mukhang Good mood ka Garcia ha" masayang sabi niya saakin, sabay kaming naglalakad. Yeah sanay na akong tawagin sa false surname ko. Which is Middle name ni Dad.
"Oo naman!" nakanigiti kong sabi.
"Sabagay, ikaw ba naman ang maging highest sa quiz, ewan ko na lang kung iiyakan mo pa yun" natatawa niyang sabi.
"Kaya nga, there's no reason to feel bad, ayoko nga maging bad mood." Masaya kong sabi sakanya.
Tumango na lamang ito, at sumakay na kami sa elevator.
"Hi Elouise" Jack greeted me.
"Hello Jack!" niyakap ko siya, ganto talaga kami. Matagal na rin kaming hindi nagkikita ulit.
"Saan punta niyo niyan?" nakangiti ito, nilipat ko naman ang tingin ko kay Stella na nakatitig kay Jack.
"Ah, si stella nga pala, classmate ko. Sa 3rd floor may klase kami"
Ting! Tumunog na ang Elevator.
"Bye Jack!" nagpaalam na kami, habang si Stella nahihiyang nag-wave sakanya.
Natatawa ako sa isip ko.
Naglalakad na kami ni Stella papunta sa room.
BINABASA MO ANG
Crush Ko Ang Boyfriend mo (On-going)
Teen FictionHi My Name is Wynona Elouise Rodriguez-Schweigher. 18, Married. Wait... Paano nangyari yun? I'm just 18 but I'm already Married. How come? I have a crush named, Cody! He is the total campus crush, he is every girl's dream but sad to say he is alre...