Learn French (Tagalog)

6.1K 48 3
                                    

LEARN FRENCH IN TAGALOG.

Madami sa'tin ang gustong pumunta sa Paris, kaya kaylangan natin matuto mag-salita ng wikang French.

LESSON 1 - READING

Kung sa Tagalog ay "kung anong sulat, siya ang basa" sa French ay may tinatawag na Phonetic Rules.

So, tuturuan ko muna kayo kung paano mag-basa ng French.

I-susulat ko yung mga letters/words at sa tabi yung pronunciation, okay?

1) AI: E

Ang basa sa diptonggong "AI" ay "E"

For example the pronunciation of the word PAIN (bread) is PEN.

Phrase: Je t'aime.

Pronunciation: Zhe Tem.

Translation: Mahal kita.

2) AU: O

Examples:

Chaud (hot) --> Sho

Phrase: Je vais au Brèsil

Pronunciation: Zhe ve o brezil

Translation: I'm going to Brasil.

3) EAU: O

Examples:

Eau (water) --> O

Beau --> Bo

Phrase: L'eau est chaude.

Pronunciation: L'O E SHOD.

Translation: Mainit ang tubig.

4) OI: WA

Examples:

Pourquoi (bakit) --> Purkwa

Lois (mga batas) --> Lwa

Boire (uminom) --> Bwar

Phrase: Moi, je bois le lait. Lui, il ne le bois pas.

Pronunciation: Mwa, zhe bwa le le. Lwi, il ne le bwa pa.

Translation: Ako, umiinom ako ng gatas. Sya, hindi siya umiinom nito.

5) OU: U

Examples:

Pourquoi --> Purkwa

Nous (Kami/Tayo) --> Nu

Vous (Kayo) --> Vu

Vouloir (Gusto) --> Vulwar

Phrase: Où êtes-vous?

Pronunciation: U ete vu?

Translation: Nasaan kayo?

6) CH: SH

Examples:

Chanel --> Shanel

Chat (pusa) --> Shat

Chanson (kanta) --> Shanson

Phrase: Ces chats sont trés chouettes

Pronunciation: Se Shat son tre shuwet.

Translation: Ang cute talaga ng mga pusang ito.

7) C

The letter C is read as S when it's with the vowel E and I.

Examples:

Ce (ito) --> Se

Ici (dito) --> Isi

Kapag katabi naman ng vowel A, O at U ang basa sa letrang C ay K.

Examples:

Capitaine (captaine) --> Kapiten

Except nalang kung ang letrang C ay may "Cedille" ---> Ç

Kapag ang letrang C ay may cedille at katabi ng A O at U ang basa dito ay S.

Examples:

Ça va? (Kamusta?) --> Sa va?

8) H

Sa France meron silang silent H, kaya hindi 'to binabasa.

Examples:

Heures (oras) --> er

Hereuse (f. masaya) --> eres

9) Ang mga letrang D, P, S, T, X, Z at E kapag nasa katapusan ng isang word ay hindi binabasa.

Examples:

ChauD --> SHO

VouleZ --> VULE

BureauX --> BIRÓ

Para mabilis niyong maalaala ang mga letra na hindi binabasa ay tandaan niyo lang ang salitang D e P o S i T.

Tulad ng isinulat ko, ang E ay hindi binabasa kapag nasa hulihan, pero kapag ito ay may stress mark, for example È É è é, binabasa siya.

Examples:

Parlée --> Parle

Eté --> Ete

10) QU: K

Examples:

Quoi? (What) --> KWA?

Quel? (Which) --> KEL?

11) EN: AN

Examples:

Comment (How) --> KOMAN?

Phrase: Comment ça va?

Pronunciation: Koman sa va?

Translation: Kamusta?

11) UN: EN

Examples:

Un (one) --> en

12) UNE: IN

13) EM: AM

Examples:

Femme (girl) --> FAM

---

Okay, pagod na po ako sa pag-susulat. Next time na ulit! :*

Learn French (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon