LESSON 3- Questions

1.9K 10 8
                                    

Salut!

Comment ça va?

Na-get niyo ba yun?

Dahil ang matututunan niyo (sana) ngayon ay mga importanteng tanong at sagot sa French.

LESSON 3 - Ang mga tanong: LES QUESTIONS (LE KESTION)

The question COMMENT ÇA VA? Na siguro naituro ko na sa inyo 'yan sa ibang lessons. (Di ko tanda) pero okay lang na ulit ulitin ko. Para pumasok sa mga utak niyo.

"COMMENT ÇA VA" or "ÇA VA?" ang ibig sabihin niyan ay KAMUSTA KA?

Madaming ways para sagutin ang tanong na 'yan.

For example.

- MARGAUX, COMMENT ÇA VA?.
- Ça va bien. [sa va bian]

Ang sabi ni Maragaux ay mabuti daw siya.

- CELINE, ÇA VA?
- ÇA VA SUPER BIEN. [sa va siper bian]

- LUCY, ÇA VA?
- TRÉS BIEN! [tre bian!]

Ang sabi nila Celine at Lucy ay sobrang okay daw nila.

- STELLA, COMMENT ÇA VA?
- Ça va mal... [sa va mal]

Hindi daw okay si stella. :((

- FRANCIS, ÇA VA?
- Comme ci comme ça [kom si kom sa]

Si Francis naman ay hindi okay pero hindi naman din masama ang pakiramdam. Kaya "so so" lang daw siya. XD

~~~~~~

Isa pang importanteng tanong sa buhay natin ay ang COMMENT TU T'APPELLE?

Which means, Anong pangalan mo. Or literally translated, Paano mo tinatawagan ang sarili mo?

EXAMPLE

- COMMENT TU T'APPELLE?
- JE M'APPELLE _______

Pronunciation:

-Koman ti tapel?
- Je mapel ______

Translation:

- Anong pangalan mo?
- Ang pangalan ko ay ______

~~~~~~~~~~~

Ito naman tanong na 'to ay para sa mahilig mag-shopping. "ÇA FAIT COMBIEN?"

Or sa tagalog "Magkano?"

Example

- Ça fait combien?
- Trés euros.

Pronunciation:

-Sa fe kombian?
- Tres ero.

Translation:

-Magkano 'to/yan?
- tatlong euros.

~~~~~~~~~~~~

At para sa mga magnanakaw ito ang isang importanteng tanong: "Où habites-tu?"

Sa tagalog: Saan ka nakatira?

Joke
>:)

Example

- Où habites-tu?
- J'habite à Paris.

Pronunciation:

- U abit-ti?
- Zhabit à Pari.

Translation:

- Saan ka nakatira.
- Nakatira ako sa Paris.

~~~~~~~~~~~

Para naman sa hindi nag dadala ng relo. Ang tanong lagi ay "Quelle heure est-il?"

"Anong oras na?"

Example

- Quelle heure est-il?
- Il est le 6 heures.

Pronunciation:

- Kel er etil?
- Il e le siz er.

Translation:

-What's the time?
- It's 6 o'clock.

~~~~~~~~~~~

Para sa mga turistang hindi makaintindi ng French, ito ang pwede niyong itanong: "Parlez-vous anglais?"

"Nakakapagsalita ka ng ingles?"

Example:

- Parlez-vous anglais?
- Oui. Je parle anglais.

Pronunciation:

-Parle vu angle?
- Ui. zhe parl angle.

Translation:

- Nakakapagsalita ka ng ingles?
- Oo. Nakakapagsalita ako ng ingles.

~~~~~~~~~~~

Please read this

|
|
.V

A/N: SALUT!

Kung meron pang ibang mga tanong na sa tingin niyo ay importante, i-comment niyo lang at gagawa ako ng Part 2 ng Questions chapter.

Pwede rin kayo mag suggest ng gusto niyong matutunan sa French, like for example, Love phrases, Or Family members. Kahit anong maisip niyo.

Or pwede rin ako mag gawa ng isang chapter about Paris sa wikang tagalog.

Kayo na ang bahala.

Sorry kung late ang mga updates ko. Susubukan ko nang maging active >~

Au revoir!

Learn French (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon