all for juan, juan for all

965 22 0
                                    

ang kwentong ito ay lumalarawan sa ating lahat, sa pamilyang Pilipino. 

lumaki akong pinapanood ang eat bulaga. isa ito sa mga palabas sa tv na patuloy kong mamahalin. oo, may mga pagkakataong kinatatamaran ko na din itong subaybayan, dahil minsan ay paulit-ulit na, pero tulad siguro ng isang paboritong ulam, hinding-hindi mo ito ipagpapalit. hahanap-hanapin mo ito, at kapag nakita mo na ulit, nasasabik ka na naman. 

sabi nga ng programa nila - hangga't may bata, may eat bulaga. 

para sa kin, hindi lang naman para sa bata. hangga't may bata AT matanda, may eat bulaga.

ang kwentong ito ay bunga ng pagmamahal, hindi lamang para sa eat bulaga, pero higit sa lahat ay para kina alden at maine. hindi ko inakalang makakapagsulat ako ng ganitong kwento. kunsabagay, hindi ko din naman inakalang magiging lubos ang paghanga ko para sa dalawang ito. sagad. at masaya ako na nailalabas ko ang paghangang ito sa pagsusulat. 

hindi ko din akalaing mabibigyan ako ng pagkakataon ng AMACON_Writers na makapagsulat para sa AMACon 3. hindi biro ang magsulat, hindi biro ang mag-isip ng isusulat. pero dahil sa pagmamahal para kina alden at maine, sa patuloy na paghimok ng mga kasama kong manunulat (Team CaDoRa), at sa ilang araw at gabi ng pamimilipit ng tiyan sa kaba at takot kung papaano maitatawid ang kwentong ito, nabuo at natapos ko din. 

maraming salamat sa mga nag-komento sa unang paglabas ng mga kwentong ito sa AMACon 3: Oikos - Home, Children, Family. dagdag-inspirasyon kayo para mas paghusayan ko pa ang pagsusulat.

maraming salamat ulit sa mga gurus ng AMACon, sa Team Cats, Dogs, Rabbit, maging sa buong AlDub Nation na din. 

hindi ko inaambisyong makilala sa kwentong ito. gusto ko lang maiparating, kahit sa simpleng pagsusulat, ang lubos kong pasasalamat at pagmamahal di lamang kina laden at maine, pero maging sa eat bulaga. sila at ang bawat pamilyang PIlipino na naging bahagi ng Sugod-Bahay ang inspirasyon , at patuloy na magiging inspirasyon ko, sa pagsusulat.

yun lang. ang drama na. 


Sugod-BahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon