"You are the only
FAMILY
I have left..."
//
May tatlong buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ang eksena sa presinto. Naging panatag na si Meng at Ricardo sa nakikitang pagbabago sa kanilang pangalawang anak. Bagamat may ilan pa din sa tropa ni Silver ang patuloy niyang naging kaibigan, hindi na ito tulad ng dati na mas madalas pang nasa labas ng bahay nila kaysa kasama nila. Mas maaga na itong umuuwi pagkatapos mag-barker sa terminal ng jeep. Si Baste naman ay nabigyan pa ng bonus ng kanyang boss sa grocery, at mas sinipag sa trabaho dahil na din sa kagustuhan nito na makapag-enroll sa susunod na pasukan. Si Ena naman ay patuloy sa pag-aaral sa kursong accounting. Pero nahahalata ni Meng na wari ba'y nagiging tahimik ang anak na babae. Magiliw pa din naman, pero may kakaibang kilos ang bunso na hindi mapalagay si Meng kung kaya't binanggit nya ito sa asawa.
"Mahal, nagkukwento ba sa yo si Bunso?"
"Anong kwento? Sa mga subjects nya? Meng naman, alam mong hindi ako ganun karunong sa numero, hanggang pagsusukli lang ako sa pasahero pero yang kurso ni Ena, naku..."
"Hindi yun. Wala bang nakukwento sa yo na bago, yung mga nakikita nya sa daan, yung mga kaibigan nya..."
"Ha? Wala naman."
"Sabi na nga ba eh!"
"Anong sabi mo? Wala ka ngang sinabi eh! Ang labo mo naman mahal..."
"May kakaiba kay bunso, Mahal. Hindi na nga siya pala-kwento. Tahimik siya ngayon. Hindi ba't kapag umuuwi yan eh samu't sari ang mga kinukwento sa tin. Ang buka ng bibig nyan eh dire-diretso, hindi mapigil ang kwento sa nangyari buong araw!"
"Hmm, onga ano...kung hindi man dumadaldal yan, kumakanta naman ng pagkalakas-lakas. Aba, anong nangyayari sa anak mo?"
"Yun na nga eh, hindi ko mawari kung bakit nagkaka-ganyan yan. Mga ilang linggo ko na din napapansin eh. Ilang beses yan na hindi ko namamalayan na nakauwi na pala kasi ang tahimik!"
"Baka naman may nararamdaman yang anak mo, may sakit, may dinaramdam. O baka naman... hindi, hindi naman siguro...hindi pwede..."
"Ano yun mahal? Anong naisip mo?"
"Hindi pwede, bata pa yang si bunso, hindi pa pwedeng magka-boyfriend yan."
"Sus naman Ricardo, pagkagandang bata nyang anak natin, natural may manliligaw dyan!"
"Aba, eh di dito sa bahay manligaw! Baka mamya sa kalye lang nagliligawan yan, naku, hindi pwede."
"Mahal, may nanliligaw nga sa anak mo, kahit papano yun naman eh kinukwento nya sa akin."
"Ano?!? Tapos hindi mo binabanggit man lang sa kin?! Ano to? Sinong nanliligaw sa kanya?! Kelan pa? Alam ba ng mga kuya nya?"
"Ayan, ayan! Kaya hindi namin sinasabi pa sa yo eh, kung maka-react ka eh akala mo namang magpapakasal na agad ang anak mo!"
"Lalong hindi pwede! Disi-otso pa lang si Ena, anong kasal?!?"
"Ricardo, ano ba?! Ang OA mo na ha! Nanliligaw nga lang! Mga anim na buwan na ata nung una kong malaman, nung unang sinabi ni Ena sa kin."
"Anim na buwan na? Kalahating taon na ang nakalipas, tapos ngayon nyo lang sasabihin sa kin?!"
"Ricardo! Maghunus-dili ka nga! Ang aga-aga kung makabulyaw ka! Huminahon ka nga, tigilan mo na muna yang pagkak-kape mo, susmaryosep ka."
BINABASA MO ANG
Sugod-Bahay
Fiksi PenggemarSa Sugod-Bahay portion ng Eat Bulaga, nanalo si Meng Faulkerson. Tulad ng karamihan sa mga nananalo sa Sugod-Bahay, may kaakibat na kwento ang pamilyang Faulkerson. Ito ang kwento ni Meng, Ricardo, at ang kanilang tatlong anak na sina Baste, Silver...