Riing...riing...riing....
"Hello?"
"Hello? Ito po ba si Nicomaine Mendoza-Faulkerson? Uy, tunog foreigner ah..."
"Hello?"
"Ahhh...si Nicomaine po?"
"Hello? Hello? Aaaaahhhhhhh!!!! Bossing!!!! Aaaaaahhhhhh!!!!"
"Si Nicomaine po ba ito?"
"OPO, Bossing!!! Salamat po Bossing!!!"
"Ah, si Nicomaine po ito?"
"Opo...huhuhuhuhuhu...Bossing...salamat po.....huhuhuhuhuhu....WAAAAAHHHHH!!!"
"Nicomaine Mendoza-Faulkerson, Kalye Siete, Chrysantemum St. Sta. Rosa, Laguna..."
"Opo bossing...huhuhuh, thank you po talaga..."
"Eh, maghunus-dili po kayo...may subpoena pong parating sa inyo..."
"Hala! Ano po?!?"
"Bossing! Saan daw address nyan?"
"Hehe, joke lang po...o Jose, Wally, Paolo, Kalye Siete, Chrysantemum St, Sta Rosa."
//
Kahapon ay dumating ang mga staff ng Eat Bulaga sa barangay para mamigay ng registration forms. Isa si Meng sa matiyagang pumila upang makakuha ng form. Maganda ang pakiramdam nya sa pagsulat ng pangalan nya sa papel. Malakas ang hinala nyang may magandang mangyayari, may swerteng dala ang pagbubuntis ng bunso nyang si Selena. Excited syang nagkwento sa asawa pagdating nito nung gabi galing sa pamamasada.
"Mahal, naku nararamdaman ko talaga, suswertehin tayo bukas! Ako ang mabubunot bukas sa Sugod -Bahay!"
"Haha, mahal, parang tiyak na tiyak mo na mananalo ka talaga eh, no? Konting kalma lang, baka sobrang manlumo ka kapag di ka nanalo..."
"Hay naku, Ricardo, wala kang tiwala sa kin eh. Kelan ba ko nagkamali sa mga nararamdaman ko, aber?"
"Ako nga pinakasalan mo, di ba? Hindi ka kaya nagkamali."
"Asus! tumigil ka nga, magkaka-apo ka na't lahat ang harot mo pa din!"
"Ito naman, naglalambing lang eh...nasan nga ba si Ena?"
"Inutusan kong bumili ng ulam dyan kina Aileen, hindi na ko nakapagluto at tinapos ko yung tanggap kong labada kina Mrs. Torres."
"Naku naman, mahal, eh pitong buwan na yung tiyan ng anak mo, baka mamaya eh madulas pa sa labas yun..."
"Kaya nya yan Ricardo, ito naman, basta sa bunsong anak eh sobra kang mag-alala. Buntis ang anak mo, hindi lumpo."
"Nay, Tay, mano po."
"Baste, kaawaan ka ng Diyos. O, maghugas na ng kamay, tulungan mo kong maghain, pinabili ko na ng ulam si Ena. Si Silver ba, nakita mo?"
"May dala din akong ulam, Nay. Hindi nyo po nakita yung text ko?"
"Ay naku, nag-lowbat ang cellphone ko anak, paki-charge nga. Naku, kelangan naka-full yan para bukas! Tatawagan ako ni Bossing!"
"Sinong Bossing Nay? Mano po, Tay."
"Oy, Silver, nauna pa ko sa yo, tumambay ka na naman dun sa kanto."
"Nagtawag lang ako para kay Ninong Sam, Tay. Bente pesos din po yun."
"Hmmm...o siya, sige...wag ka na lang kasi magpagabi masyado dyan sa labasan ha, samahan mo na lang ang nanay at si bunso dito kapag pa-gabi na..."
BINABASA MO ANG
Sugod-Bahay
FanfictionSa Sugod-Bahay portion ng Eat Bulaga, nanalo si Meng Faulkerson. Tulad ng karamihan sa mga nananalo sa Sugod-Bahay, may kaakibat na kwento ang pamilyang Faulkerson. Ito ang kwento ni Meng, Ricardo, at ang kanilang tatlong anak na sina Baste, Silver...