The Strongest Connections Are At Home

679 41 2
                                    

She sees a house that's not a home.

it's where he leaves, but he never left.

She lives where he leaves, and never left.

It becomes a home that's not a house.

Hindi madali ang buhay mag-asawa, alam ni Meng yan. Lalo na nga't bata pa sila nang magpakasal, kahit hindi gaanong kampante ang kanilang mga magulang sa kanilang desisyon. Basta ang alam lang nilang dalawa ay sigurado na sila sa isa't-isa, at hindi na nila kayang maghiwalay pa. Ganoon katindi ang pagmamahal na nararamdaman nila. Sabihin nang mala-pelikula, pero ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan. Alam nilang marami silang pagdadaanan, maraming magiging sagabal at pagsubok, pero tiyak sila na kakayanin nila ang lahat basta magkasama sila. Ikaw at ako, tayong dalawa, hanggang dulo. Yan ang madalas sabihin sa kanya ni Ricardo, hanggang ngayon na ilang taon na ang lumipas. Pero tulad ng inaasahan, may pagkakataon talaga na sinusubok sila. Guwapo ang asawa nya, oo, at hindi iilan ang nagsabi sa kanya na papaiyakin lamang siya nito.

Hindi naging madali ang pagpapaalam nila sa kanilang mga magulang tungkol sa kanilang desisyon. Bente-uno lang si Meng, bente-kwatro si Ricardo. Hindi pa nakatapos ng kolehiyo si Meng, at walang trabaho si Ricardo.

"Buntis ka ba Meng?! Bakit ba kayo nagmamadali?! Ni wala ngang trabaho itong si Ricardo tapos gusto nyong mag-asawa?! Mag-isip-isip nga muna kayong dalawa!"

"Tay, hindi po ako buntis. Pero mahal po namin ang isa't isa, hindi na po namin kayang magkahiwalay. Sigurado na po kami."

"Hindi kayo mapapakain ng pagmamahal! Ano, balak nyong makitira sa amin kapag nagsama na kayo? Sa tatay ni Ricardo? Eh mas malaki pang di hamak itong bahay natin!"

"Bubukod po kami Tay, nakaka-ekstra naman na si Ric sa pagda-drive ng jeep ng tiyuhin nya. Hindi naman kami maluho, Tay. Alam nyo namang simple lang ang gusto ko."

"Simple ka nga lang anak, pero hindi naman ibig sabihin nun ay magiging madali ang pamumuhay 'nyo. Papaano kung magbuntis ka na? Papaano ang panganganak mo? Ang pagkain ng anak mo? Wag kayong padalus-dalos, Meng."

"Nay, mahal ko po kayo. Mahal ko din si Ricardo, hindi ko alam kung papaano pa ipapaliwanag sa inyo, pero di ba kayo din naman, mahal nyo ang tatay at saka hindi nyo kayang mawala siya sa piling 'nyo. Ganun din ako kay Ricardo, ganun din sya sa akin. Magtiwala na lang po kayo sa amin Nay, yun ang mas kailangan namin."

Walang nagawa ang kanilang mga magulang. Sa loob ng ilang buwan, naisaayos ang kanilang kasal. Ang mga unang buwan ng kanilang pagsasama ay puro pulot-gata. Nagbuntis kaagad si Meng sa kanilang panganay, na lubos na ikinagalak ni Ricardo.

"Lalaki ba talaga ang panganay natin Meng?"

"Oo, sabi sa center kanina, lalaki nga daw. Masaya ka ba, mahal?"

"Mahal, hawakan mo tong dibdib ko? Ramdam mo ba kung papaano lumulundag ang puso ko sa tuwa?"

"Eeehhh, ang korni mo Ricardo ha!"

Sa panganganak ni Meng, naging ganap ang kanilang pagiging pamilya. Pero naging ganap din ang realidad na hindi na sapat ang kinikita ng asawa sa pag-ekstra lang sa pamamasada. Kinakailangan nilang bumili ng gatas para kay Baste. Laking pasasalamat nila na hindi naman ito masakitin, subalit habang lumalaki si Baste ay siya namang paglaki din ng kanilang gastusin. Sinundan pa ng muling pagbubuntis ni Meng sa kanilang ikalawang anak.

"Mahal, pumayag ka nang tumanggap ako ng labada. Kaya ko pa naman, 2 buwan pa lang naman ang tiyan ko, tsaka hindi naman mabibigat yung tatanggapin kong labada."

Sugod-BahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon