Makalipas ang ilang buwan.
"Welcome back to Eat Bulaga! Naku, special ang ating Give Love on Christmas Day today, Ryan."
"Tama ka dyan, Pia, dahil may makakasama tayo ngayong pamilya na tunay ngang modelo ng love, ng pagmamahal."
"That's right, Ryan. Mga dabarkads, natatandaan nyo pa po ba ang Pamilyang Faulkerson? Yung na-sugod-bahay ng ating Sugod Bahay team ilang buwan pa lang ang nakalilipas?"
"Sino ba naman ang hindi makakalimot sa nakaka-inspire na kwento ng pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak?"
"Grabe Ryan, 'no, kapag naaalala ko ang kwento nina Meng at Ricardo, yung kanilang mga pinagdaanang pagsubok, yung nangyari sa mga anak nila, hindi ko pa din mapigilan ang maiyak!"
"I know Pia, maging dito sa Broadway noong araw na yun, there was not a dry eye in the audience. Maski sina Ms A at Sir Joey, naiyak!"
"Sina Jose nga din, nung nagkwento sila when they got back dito sa Broadway, sila din mismo ay bumilib kung papaano naitaguyod ng mag-asawa ang kanilang mga anak. What amazed them more was how the family pulled through all the challenges, and were still a bundle of humour!"
"They are truly an inspiration, especially this holiday season of love."
"Mga dabarkads, para sa ating special guests ngayon, sina Mr. and Mrs. Nicomaine and Ricardo Faulkerson, kasama ang kanilang mga anak na sina Baste, Silver, at Ena... and their newest bundle of joy, Charmaine!"
Hindi magkamayaw ang palakpakan at hiyawan sa paglabas ng buong pamilya sa stage ng Broadway. Buhat-buhat ni Meng ang apo na si Charmaine, kasunod si Ricardo na naka-akbay kay Ena, habang nasa hulihan sina Baste at Silver. Kitang-kita ang pamumula ni Ric, samantalang hindi naman mapigilang kumaway nina Ena at Silver sa mga tao sa Broadway. Humalili si Baste sa ina sa pagbuhat kay Charmaine, habang nagsilapitan na sa pamilya ang iba pang mga dabarkads. Sina Jose, Wally at Paolo ay halatang tuwang-tuwa sa pagkakakitang muli sa pamilya.
"Tol! Musta!" Sabi ni Jose kay Silver, sabay high-five at kabig payakap. Nagkanya-kanya namang pag-beso at pagkamay ang ibang mga dabarkads sa pamilya. Si Baste ay ngayon lang lumitaw sa harap ng camera pero may ilang mga kabataan sa audience ang tumitili sa pangalan niya.
"Aba, may fans club si Baste o! Baste, kawayan mo naman sila o!" Pagkantiyaw ni Wally kay Baste, na tulad ng ama ay namumula na. Nginitian lang ni Baste ang audience habang inihehele si Charmaine.
"Uy! Hindi ka na buntis! Nailabas mo na ang dighay mo!" Biro ni Paolo kay Ena, na ikinatawa naman ng pamilya at ng mga dabarkads.
"Ayan na po siya Kuya Paolo, si Charmaine, yung dighay ko! Kunin ko kayong ninong ha!"
Sa paghupa ng kumustahan sa stage, lumabas na din sina Bossing, Tito Sen at Joey.
"Naku Bossing! Bossing, salamat po talaga!" Patakbong sinalubong ni Meng si Bossing at niyakap na ito. Si Ricardo ay naluluha na dahil sa pagkaka-alala na si Bossing ang nakabunot ng pangalan ni Meng at siyang tumawag dito. Naalala niyang pinipigilan pa niya si Meng na huwag masyadong umasa na mabubunot ang pangalan nito, pero heto nga at nanalo sila, at ngayon ay sinuwerte pang makilala ang mga artistang pinapanood lamang nila sa TV. Nakipagkamay sina Tito Sen at Joey sa buong pamilya, at inusisa na ang mga kaganapan sa buhay nila matapos ang pagkakapanalo sa Sugod Bahay.
"Ah misis, pwedeng pakawalan nyo muna po ako. I-interviewhin ko muna kayo." Ani ni Bossing Vic, na pilit kumakawala sa pagkakayakap ni Meng sa bewang nya.
BINABASA MO ANG
Sugod-Bahay
FanfictionSa Sugod-Bahay portion ng Eat Bulaga, nanalo si Meng Faulkerson. Tulad ng karamihan sa mga nananalo sa Sugod-Bahay, may kaakibat na kwento ang pamilyang Faulkerson. Ito ang kwento ni Meng, Ricardo, at ang kanilang tatlong anak na sina Baste, Silver...