1. Lets get started

102 3 0
                                    

Note: Sinimulan ko ang story na 'to ng panahong nasa States pa si Aira. Ito muna ang ipapublish ko para hindi kayo maguluhan sa last 3 chapters na ia-update ko sa PBCA :)

And oh, Kyra on the multimedia box!

Kyra's POV

^_______^

^_______^

Hehehehehe!

Uh, speechless ako author. >__<

Ehem ehem.

Hi! Ako si Kyra, uh, ano nga bang apelido ko? Hihihi. Nibirmaynd na nga lang! Basta, Kyra ang pangalan ko. Hihihi.

Uh, 24 years old. Beautiful inside and out. And Im confidently beautiful with a heart. Yieee. Umi-ingles na si Kyra. Hihi.

Nga pala, wag nyo ko i-bash. Di ko naman inagaw si Kyden kay Aira eh! Hihi. Di po ako kontrabida! Maganda lang ako.

"Oh? Ano nanaman yang iniisip mo?" Tanong sakin ni Thea, bestfriend ko.

"Eh? Wala lang." Sabi ko nalang.

"Tss."

"Tss ka din!" Sabi ko at binelatan sya.

"Isip bata! Kaya ayan, di magustuhan ni Miguel!" Sabi nya. Bigla tuloy naginit ang dugo ko.

"ANONG SABI MO!?" sigaw ko.

"Sabi ko, di ka magustuhan ni Miguel."

"Arrrrrggghhh!!!" Sigaw ko nanaman. Kakabadtrip talaga to si Thea eh! Porket nililigawan na sya ng mahal nya ganyan na sya mangasar. Argh, I hate you. "Gusto.Ako.Ni.Miguel." sabi ko. Emphasizing those words.

Napailing nalang si Thea sa sinabi ko. Ano bang problema nito?! Im stressed na.

Ha? Saan mo kinuha yan, Kyra? Hihihi. Back to being conyo nanaman? Nah! *iling iling*

"Oy mga bes. Nakita ko nga pala si Miguel labs mo kanina. Naglalakad." Sabi naman ni Danica, isa pang friend ko.

Ehem, ehem. Si Miguel ba kamo? Si Miguel ay ang aking inspirasyon. Sa bawat araw na lumilipas. Sya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Sya ang dahilan kung bakit ang saya saya ko palagi.

Woah! Anong kaanuhan yan? Hahahaha! Pero kidding aside. Si Miguel ay crush ko. Sya rin si labs ko. Poreber na kami nyan eh.

Yieeeee! Kilig na pwet ko nyan :">

"Saan mo nakita bes?" Tanong ni Thea kay Danica kaya napabalik ako sa huwisyo.

"Oo nga!" Segunda ko naman.

"Sus! Excited much lang! Syempre saan pa ba? Edi sa room ni Aira. Palagi naman syang andun kapag di sya busy eh. Mahal na mahal nya kasi."

:(

"Tss. Mahal nya ba yun? Eh bakit nya nagawang saktan si Aira? Eh isa nga sya sa mga dahilan kung bakit nasa ospital si Aira ngayon eh."

Ay oo nga pala. Nasa ospital kasi kami ngayon. Nasa States kami. Pinayagan kami ng mom and dad ni Aira na pumunta dito kasi gusto rin naman ni Aira. Si Kyden lang ang ayaw nya papuntahin. Ewan ko kung bakit. Di tuloy alam ni Kyden na comatose na si Aira Pero masaya naman ako na nakapunta ako dito. Pero akala naman namin na makakausap namin sya pagpunta dito kaso, lagi syang walang malay.

"Eh nagawa lang naman nya yun kasi mahal nya talaga si Aira. Pati mas malaki ung kasalanan ni Kyden kaysa kay Miguel."

"Sige lang, ipalandakan nyo pa na mahal ni Miguel si Aira. Nasasaktan kaya ako!" Sabi ko naman sa kanila.

Assuming Naman Dis Girl! Where stories live. Discover now