3. Assume pa!

33 3 0
                                    

A/N: Kyra on the multimedia box! So cuteeee!! ♥♥☺

Kyra's POV

Kanina pa ako nagaayos dito sa bahay nila Aira. Yup, dito muna kami tumira. Kasama si Danica at Thea. Yun kasi ang sabi ni Tita at Tito, parents ni Aira. Samantalang ang parents naman ni Aira ay nasa Korea. Dun kasi ang business nila. Dumadalaw-dalaw naman sila kay Aira. Minsan nga lang.

"Anak? Di ka pa ba aalis jan?" Tawag ni manang Lita, isa sa mga yaya dito. Tatlo lang naman ang maids dito dahil di naman masyadong malaki ang bahay na to. At meron din silang dalawang driver. Tama lang ang laki ng bahay nila. Pero para sakin, malaki ito. Pero kung ikukumpara mo sa bahay nila sa Korea, maliit nga ito. Bago lang daw ang bahay na to dahil ginawa daw talaga to para malapit lang si Aira sa ospital kung sakaling may mangyaring masama sakanya.

Ung ate naman nya na si Yunice ay nandoon sa dati nilang bahay. Gusto daw kasi nya na maging independent. Pero nadalaw din sya dito minsan-minsan. Pero ngayon, nasa Pilipinas parin sya. Ang alam ko, nagmo-model ang ate nya at sa Pilipinas ang project nya na yun.

"Hehehe, manang. Wait lang po. Nagpapaganda pa eh!" Sabi ko. Ngumiti naman si manang.

Lumapit sakin si manang saka inayos ang buhok ko. Sinuklayan pa nga nya ito. "Anak, maganda ka na. Di mo na kailangang magayos ng magayos." Sabi ni Manang saka ngumiti. Nginitian ko rin sya.

"Hehehe. Manang, alam ko pong maganda ako." Sabi ko. Natawa naman si Manang. "Kailangan pong magayos kasi...."

"Hmm?" Tanong ni manang.

"Kasi may date kami ni Miguel." Proud na sabi ko. Nabitawan naman ni manang ang suklay na hawak nya. "Hala! Okay ka lang po?" Tanong ko.

"Oo anak, okay lang. Pero seryoso? Mag-de-date kayo ni Miguel?" Gulat na gulat na tanong ni manang.

"Hihihihi. Ang pagkakaalam ko po. Nagtext po kasi sya sakin kagabi eh. Di nga po ako nakatulog ng maayos dahil doon." Ngiting-ngiti na sabi ko.

"Oh anong sinabi?" Tanong ni manang.

"Eto po ang sabi nya." Sabi ko at kinuha ang phone ko.

|Goodnight. Sleep well. Magkita tayo bukas, alright? Hospital. 10am. First floor, ok?|

"Waaaaaaahhh! Kinikilig nanaman ako, manang!" Sabi ko habang hinahampas si manang.

"Hahaha! Naku, anak. Baka naman magkikita lang. Baka hindi naman date."

Sumimangot ako. "Eeeeehh! Eh malay ba natin manang diba? Mas mabuti nang ready! Hihi."

"Eh naku, anak. 10am ang sabi. Eh anong oras na?"

Tumingin ako sa orasan ko. "Kyaaaaahh! Hala! Malapit na mag-10!" Sabi ko sabay nagayos ng gamit. "Mauna na po ako, manang! Wish me luck sa first date namin ni labs!" Sigaw ko bago ako kumaripas ng takbo papuntang ospital.

Kyaaaaahh! Excited na ako! Shet!
....

....

Miguel's POV

Argh, I hate that girl. Ang tagal tagal nya.

It's already 11:53 on the clock but still, she's not here. Argh. I better get going. Im just going to visit Aira.

Pumunta ako sa room ni Aira at wala syang kasama ngayon. Kaya naman, tinabihan ko muna sya at pinagmasdan ang maamo nyang mukha. Inayos ko ang buhok nya na humaharang sa kanya mukha.
Hinawakan ko ang kamay nya at hinimas-himas ito. "I miss you, Aira. Please wake up." Halos tatlong buwan na syang comatose. And it fvcking breaks my heart. It fvcking hurts.

Assuming Naman Dis Girl! Where stories live. Discover now