CHAPTER 4

11.2K 287 0
                                        

  Nakatingin lang siya sa akin. Hawak niya ang kanang braso ko. Hindi ako umiwas ng tingin ngayon kaya ko na siyang tingnan ng boung bou.

"Ayesha" tawag niya. Gustong gusto kong iikot ang mata ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko.

"My name is Valerie not Ayesha" madiin kong sabi. Halata namang nagulat siya sa pananalita ko. Dati kasi malumay yung boses ko, pero ngayon may galit na.

"It's been a year" sabi niya. Napangisi naman ako sa sinabi niya.

"Yes it's been a years since you left me hangging" napayuko naman siya. Dapat lang! Kasi baka maitulak kita sa hagdan kung taas noo ka pa ding titingin sa akin. Pakapalan ng pagmumukha e noh.

"Valerie" tawag niya sa akin "I'm sorry" gusto ko namang humalakhak damn him! Sorry? Anong tingin niya sa akin? Madadala sa isang sorry lang?

"Sorry for what? Sorry for leaving me or sorry dahil hindi mo tinupad ang mga pangako mo?" nanatili siyang nakayuko. Sorry also, but the pain they gave me is so deep. Sorry is not enough to ease all my pain.

"Sorry sa lahat" tinulak ko siya at akmang aalis na ng hawakan niya ang braso ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya nakatingin na soya sa akin "Sa impyerno sama ka?" napa igting bagang naman siya

"Pwede ba magseryoso ka nga valerie" mas lalo naman akong napangisi.

"Nung nagseryoso ako sineryoso din ba ako?" I raised my one eye brow to him. Ang kapal ng pagmumukha niyang sabihin mag seryoso ako, let me rephrase it ANG KAPAL NG PAGMUMUKHA NIYANG HILINGING magseryoso ako samantalang nung nagseryoso ako hindi manlang niya ako sineryoso

"Hindi ko sinasadya yun yesha, ang gulo lang talaga ng utak ko" tinabig ko ulit ang kamay niya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Pasensya na din pero hindi ko sinasadyang magtanim ng galit sayo" halatang may galit sa boses ko. Wag siyang tanga.

"Yesha" I slap him. "Wag mo akong tatawagin sa ganyang pangalan, one more thing sorry is not enough, just be careful baka kasi gumising ka isang araw wala na ang babaeng gusto mong makasama" sabi ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

"Another thing wag mong gawing rason ang magulo ang isip mo, kaya mo ako iniwan, iniwan mo ako dahil sa babaeng nabuntis mo" I said before I left him.

Habang papunta ako sa parking lot tinawagan ko ang isa sa mga tauhan ko.

"Naasikaso mo na ba?"

["Yes ma'am bukas na ang engagement party ng step sister mo nakagawa na ako ng paraan para makakuha ka ng invitation card"

I smiled widely. Mapapa aga ata ang reunion naming lahat.  

Her REVENGE (COMPLETED UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon