Marie's pov
Kinabukasan..
Maaga akong nagising,naunahan ko pa nga yung alarm clock ko eh.Naggayak muna ako bago bumaba pagkatapos ko lumabas na ako.Nakita ko si mommy sa may kitchen nagluluto ng almusal.
Good morning mommy!!nakangiting sabi ko kahit alam kong hindi niya yon makikita dahil nakatalikod siya
Good morning din anak!!sabay harap nito sa akin.Nagulat ako ng makita ang pilit na ngiti na namamalagi sa kanyang mukha.Muka rin siyang puyat at parang kakagaling lang sa iyak.
Mommy! May problema ka ba??"nag-aalalang tanong ko dito sabay lapit sa kanya
Wala anak pagod lang ako,kumain ka na at baka mahuli sa klase mo!"sabi nito sa upo sa kanyang upuan.Kahit gusto ko pang magtanong pinilit ko na lang na manahimik kase alam kong hindi din naman magsasalita si mommy.Ganon siyang tao eh kapag ayaw niyang sabihin hinding-hindi mo siya mapipilit.Umupo nalang din ako at nagsimulang kumain.Nakakabingi ang sobrang katahimikan na namamagitan at bumabalot sa amin dito mismo sa harap ng hapag-kainan.
Nang natapos na akong kumain.Umakyat ulit ako para magtooth brush.Pagkababa ko nakita ko si mommy na busy sa pagliligpit ng aming kinainan.Lumapit ako dito at yumakap sa likod niya.Saka nagsalita
Aalis na ako mommy kung may problema at kailangan tandaan mo nandito lang ako.Kaming dalawa ni daddy okay!!nakangiting sabi ko tsaka humalik sa pisngi nito.Tumango lang naman siya sa akin at hinalilan din ako sa noo.
------------------------------------------------
School
Naglalakad ako sa may corridor ng may tumawag sa akin paglingon ko si trisha pala.Ang tagal ko nang hindi nakaka sama tong bestfriend ko.Miss na miss ko na siya.
TRISHA!!sigaw ko sabay takbo para yakapin ito.Miss na miss na kita.Ang tagal nating hindi nagkakasama.Dagdag ko pa
Oo nga ehh!!Sorry ha busy lang kase talaga ako..Sabi nito staka humiwalay sa pagkakayakap sa akin.Wait lang mauuna na na ako malalate na ako at pwede bang samahan mo ako mamaya sa mall.Para naman makapagbonding din tayong dalawa!!sabi nito kitang kita ko sa mukha niya ang pagkaexcite at saya.
Hahaha sige mamaya nalang pagawas okay!!tumango naman ito tsaka nagmamadaling umalis.Nagulat ako nung bigla itong nadulas agad agad itong tumayo at umalis.Hahahahahaha nagmamadali kase ayan tuloy nadudulas.
Pagkaalis ni trisha dumeretso na ako sa class room namin.Lumipas ang mga oras at nagdismiss narin si mam.Dumertso ako sa may gate para hintayin si trisha.
Bes!!paglingon ko nakita ko di trisha na nakangiti habang kumakaway kaway pa.
Oh!Tara na?!"patanong kong sabi
Ano pa nga ba lets go na!!Ay bes sa kotse ko nalang tayo sumakay ha!!sabi niya.Tumango na lamang ako
Pagdating namin sa mall nag ikot-ikot muna kami kung saan maganda pumasok.
Bes pwede kain muna tayo gutom na ako??-trisha
Sig gutom nadin ako.Teka saan ba tayo kakain??tanong ko
Ayun oh restaurant doon nalang tayo!"nagmamadali nitong sabi habang hinihila pa ako.Hindi ba to kumakain sa kanila masyadong pg eh..
Hindi ako PG no gutom lang!"sabi nito.Mind reader ba itong babaeng to..Pagkapasok namin agad naman akong nagulat sa nakita ko.
Daddy...may kasamang ibang babae si daddy.Nang mapatingin siya sa dereksyon ko agad siyang napatayo at gulat na gulat na tinignan ako..
ANAK!!sigaw nito matapos akong tumakbo.Agad nagsilabasan yung mga luha ko.Kaya pala,,kaya pala ganon yung itsura ni mommy kanina.Hindi man lang niya sinabi sa akin.
Takbo lang ako ng takbo.Hindi ko alam kung saan ako pupunta ang alam ko lang gusto kong takasan ang lahat ng sakit na dinulot nilang lahat sa akin.Una si jomel ngayon naman si daddy.
Hindi ko alam na magagawa ni daddy to sa akin,sa aming dalawa ni mommy.Sobrang sakit makita yung tatay mo na may kasamang iba.
Beepbeepbeepbepp!!!!nagulat nalang ako ng may humigit sa akin kaya napahiga kaming dalawa.
What the hell are you doing magpapakamatay ka ba?!"tanong isang lalaki.Pagtingin ko nakita ko si jomel na galit na galit at parang naawa sa akin.
Hindi ko siya sinagot imbis niyakap ko nalang siya at umiyak ng umiyak sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Mahal ko o Mahal ako
JugendliteraturAng pag-ibig ko para sa kanya ay walang hanggan kaya hanggang ngayong siya pa rin ang aking iniibig.Pero paano kung isang araw may makilala akong iba na mamahali ko ng buong-buo.Tsaka naman ako minahal ng tarantadong ex-boyfriend ko.Sinong pipiliin...